Thursday, September 10, 2009

september 10 2009 abante tonite

Bulag sa kulay!
Rey Marfil


Talagang ‘onli in da Pi lipins’, aba’y nakakasukang isiping umuupak si Miriam Defensor-Santiago sa Malacañang, katulad nang nangyari sa Le Cirque restaurant pag kabalik ng Pilipinas gayong kaliwa’t kanan ang pag-angkas sa foreign trip, hindi pa kabilang ang pagtatampisaw sa kapangyarihan ang kanyang pamangkin -- si BOC Deputy Commissioner Horacio Suansing.

At kahit sinong lumagay sa katayuan ng mi sis ni Jose Pidal, siguradong mapipikon kay Aling Miriam dahil unexpected ang pag-atake sa Malacañang lalo pa’t napakalaking break ang ipinagkaloob kay Horacio. Mantakin n’yo, naupong BOC DepCom at No.2 man sa bureau gayong custom policeman ang dating ranggo. Hindi kailangang ipagtanong sa mga taga-Mandaluyong kung anong ibig sabihin ng utang na loob, maliban kung binago ni presidential adviser Jun Santiago ang meaning nito?

Kung walang pinoprotektahan at serbisyong totoo ang layunin ni Aling Miriam, bakit hindi paimbestigahan ang katiwalian sa Custom (BOC), aba’y mas malaki ang tumatagas sa kaban ng bayan keysa ipinambabayad sa TV ads ng mga pulitiko, maliban kung takot maungkat ang mga itinatagong baho ng kanyang kamag-anakan?

Ni sa panaginip, ayokong isiping naghahanda si Aling Miriam sa re-election bid kaya’t nagtutunug-tunugang oposisyon dahil saksakan ng bantot ang imahe ni Mrs. Arroyo at takot madamay sa galit ng botante ang tiyahin ni Horacio, katulad nang nangyari noong 2007 election, hindi ba’t nalagas ang senatorial bets ng palasyo at kundi pa gumawa ng milagro sa Maguindanao, dalawa lamang ang lumusot? Kahit itanong n’yo kay Senator Migz Zubiri, maging sa lahat ng regular member ng MOA Club tuwing Friday?
***
Parang pelikulang inaabangan ang privilege speech ni Senator Ping Lacson tungkol sa ‘good side at bad side’ ni ex-President Erap Estrada -- nag-ugat ang lahat sa katagang ‘back off’. Kaya’t ang tanong ng mga kurimaw: Bakit si Among Ed Panlilio, kusang-loob ang pag-atras at ibinigay ang suporta kay Kuya Noynoy. Iyon nga lang, walang ‘ka-arrive, arrive’ ang announcement ni Gov. Panlilio at hindi man lamang naramdaman ng publiko ang presensya ni Among, pati sa diyaryo pang-news brief lang ang espasyong ipinagkaloob.

Ang nakakagulat lamang, marami pa rin ang nagdududa sa pag-atras ng fiancé ni Ate Korina at patuloy naniniwalang isang malaking palabas ng Liberal Party (LP) ang maagang substitution sa pagitan nina Kuya Noynoy at Mr. Palengke. Sa basketball game, napakahalaga ang bawat segundo sa last quarter, puwedeng mabago ang desisyon ng mga ka-tropa ni Mr. Palengke at maiba ang play.

Malay n’yo, si Mar Roxas ang patitirahin ng “tres” sa last 2-seconds. Ang tanong lamang ng mga kurimaw: Kaya bang lunukin ni Roxas ang napakaraming umaastang ‘head coach’ sa Liberal? Take note: Kung nagawang ikinudeta sa kaagahan ng karera, paano pa kaya kung maupo sa Malacañang, hindi kaya magising ang boypren ni Ate Korina na sa damuhan nakahiga?

Sa mismong araw nang pag-atras ni Roxas, malinaw kung anong klaseng lider meron ang Liberal, iniwang mag-isa ang boypren ni Ate Korina. At pagkatapos ng lahat, sumisigaw ngayon ng “Noynoy, ‘di ka Nag-iisa’, hindi kaya maulit kay Noynoy ang kudetang natikman ni Roxas kapag hindi umangat ang popularidad?

Pansinin ang kasuotan ng mga ex-cabinet officials sa Club Filipino, sampu ng mga taong pinagkatiwalaan ni Roxas sa maagang pangangampanya, hindi ba’t puro naka-dilaw ang kasuotan habang mag-isang naka-kulay asul ang boypren ni Ate Korina? Malinaw ang mensaheng ipinakita ng mga taga-Liberal sa mamamayan, ito’y walang loyalty, maliban kung color blind si Mar?(mgakurimaw.blogsot.com)