Sa tindi ng ambisyon na makarating ng Malacañang, palihim na ‘pinopondohan’ ng isang presidentiable ang mga aktibidades ng isang kilalang TV host ng isang giant network, kabilang ang pagtustos sa mga ipinapatayong negosyo nito.
Taliwas sa naglalabasang media reports patungkol sa sobrang yaman ng TV host kaya’t napakarami ng ari-arian at humihiga sa pera ito, nadiskubre ng TONITE Spy ang ‘conspiracy’ sa pagitan ng ambisyosong presidentiable dahil kalahati ng buong proyekto, ito’y pinondohan ng pulitiko.
Mismong kasama han sa giant network, hindi makapaniwala kung saan kumukuha ng napakalaking halaga ang TV host para makapagpatayo ng malaking negosyo gayong pambobola lamang sa audience ang pinagkukunan ng suweldo o bread and butter nito.
Lingid sa kaalaman ng publiko, sampu ng mga miron na nagoyo ng TV host kapag humaharap sa camera ito, palihim ang ginawang pakikipagsosyo sa ambisyosong presidentiable dahil maraming ‘big boss’ sa giant network ang bad trip sa pulitiko.
Multi-milyon ang negosyong pinasok ng TV host kaya’t kailangang magkaroon ng kapartner, sa katauhan ng presidentiable na kilalang ‘masterpiece’ ang bagong raket na pinasok ng nabanggit.
Kapalit ang pakikipagsosyo sa negosyo, walang ibang misyon o puntirya ang ambisyosong presidentiable kundi makuha ang suporta ng TV host bilang endorser sa 2010 national election.
Ang nakakatawa lamang, nabilog ng TV host ang buong industriyang ginagawalan nito, maging big boss ng TV station na pinaglilingkuran dahil napaniwalang pag-aari ang bagong negosyong pinasok o solo flight ito.
Pagdating ng panahon, posibleng ikagulat ng giant network na isa sa nakakuha ng malaking shares sa kanilang istasyon ang kampo ng ambisyosong presidentiable, gamit ang pangalan ng TV host bilang dummy.
Bad trip ang pamunuan ng giant network sa ambisyosong presidentiable dahil meron ibang ‘minamanok’ sa 2010 ang mga ito at wala namang magawa para rendahan ang TV host lalo pa’t posibleng mawalan ng malaking kikitain ang kanilang istasyon, patunay ang napakaraming TV ads ng pulitiko.
Clue: Katulad ng TV host, puro takbo rin ang diskarte ng ambisyosong presidentiable sa bawat eskandalo o may pinagmanahan ang dala wang mokong. Kung senador o gabinete ang presidentiable, ito’y ipatanong kay Matet ng Senado. (mgakurimaw.blogspot.com)
No comments:
Post a Comment