Friday, January 30, 2009

jan 30 2009 abante

Presidentiable, kinotongan ni ex-palace official

Katulad ng kasabihang ‘mahirap ituwid ang matandang sanga’, sadyang wala nang pag-asa pang magbago ng pag-uugali at diskarte ang isang dating kampon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo matapos ‘kotongan’ ang isang pre­sidentiable.


Hindi maubos-maisip ni Mang Teban kung bakit napakagahaman at garapal sa pera ang dating kampon ni Mrs. Arroyo, sa katuahan ni ex-undersecretary (Usec) matapos ‘tirahin’ ang nakalaang pondo sa media operations ng bagong amo nito, kasapakat ang isa pang ‘dugyuting media handler’ na nasibak sa isang go­vernment agency.


Ilang araw ang nakakaraan, isang ‘photo ops’ ang inisponsoran ng presidentiable kung kaya’t nag-imbita ng maraming mediamen ang mag-among sina ex-Palace official at dugyuting media hand­ler para mapabango ang imahe ng bagong amo.


Lingid sa kaalaman ng mga mediamen na nag-cover sa event photo ops, humingi ng P108 libong pondo sa kanyang amo ang mag-among sina ex-Palace official at dugyu­ting media handler, gamit ang katagang pang-special operation o pang-areglo sa mga cameramen, photo­grapher at reporter.


Ang matinding reve­lation sa lahat, nagbigay pa ng presyo si ex-Pa­lace official sa bawat ulo, as in tig-P3 libo bawat photographer habang tig-P5 libo bawat reporter ang ipang-aareglo subalit nadiskubreng ibinulsa ang pondo.


Bagama’t merong masuwerteng nabahaginan ng pondo, kakapiranggot lamang ang nailabas ni ex-Palace official dahil kinupit ang kabuuan ng alokasyon, patunay ang pag-areglo sa mga photographer ng tig-P500, as in kinotongan ng tig-P2,500 ang bawat isa.


Ang pinakamalupit na ginawa ni ex-Palace offi­cial, inangkin pang lahat ang mga naglabasang news clippings tungkol sa kanyang amo para bigyang katwiran ang hini­nging P108 libong pondo sa media operation at maitago ang pangungupit nito kung kaya’t nairita ang in-house staff ng presidentiable dahil kanilang press release ang lumabas sa mga peryodiko.


Pintahan n’yo: Sinibak si ex-Palace official dahil nasangkot sa iba’t ibang eskandalo sa dating opisinang pinaglilingkuran, katulad din ng ‘dugyuting media hand­ler’ nito. Meron letrang “C” si ex-Palace official, as in corrupt at mala-Clint Eastwood ang naunang bansag sa MalacaƱang official habang meron letrang “M” ang presidentiable sa kabuuan ng pangalan at apelyido(www.mgakurimaw.blogspot.com)

No comments: