Kung anong tapang mag-isip ng kung anu-anong dispalinghadong diskarte laban sa gobyerno, ito’y kabaliktaran sa tunay na pagkatao ng isang miyembro ng Kongreso. Ang rason, matinding phobia ang nararamdaman ngayon ng mestisuhing mambabatas kapag napag-uusapan ang mga eskandalong kinasasangkutan ng administrasyong Arroyo.
Sa report na nakalap ng TONITE Spy, madalas pagpawisan ng malapot ang mestisuhing solon sa tuwing bumubulwak ang mga matitinding eskandalo laban kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Bilang patunay sa pagiging nerbiyoso ng solon, walang inatupag ang kumag kundi iwasan ang mga media interview, kasabay ang pangambang `makanal’ at mapagalitan ng Palasyo ito.
Lalo pang napatunayan ng mga naglipanang kurimaw sa hallway at session hall kung gaano ka-powerful ang MalacaƱang dahil nawala ang bangis ng mestisuhing solon, as in hawak sa leeg ngayon ang mambabatas gayong napakatapang sa mga nagdaang panahon.
Sa pinakahuling eskandalong kinasasangkutan ng MalacaƱang, muling umariba ang pagiging matatakutin ng mambabatas matapos magpatawag ng ‘selective press conference’ sa hanay ng mga kaibigang mediamen.
Tanging piling mediamen sa Kongreso ang ipinatawag ng mambabatas upang magpa-interview subalit tumangging magbigay ng anumang komento at reaksyon sa malaking eskandalo, katulad ng “Alabang Boys”.
Bagama’t kaibigang mediamen ang kaharap ng mambabatas, ito’y takot pa rin magkomento sa kaso ng “Alabang Boys” at kung anu-anong palusot para makaiwas sa questionnaire.
Clue: Hindi kuwestyon ang kabaitan ng mambabatas, maging ang kakayahan sa legislative works subalit madalas ibina-bargain ang sarili sa administrasyon, kapalit ang magandang trato rito. Kung bagito o beterano, ito’y ipagtanong kay Kuya! (www.mgakurimaw.blogspot.com) |
No comments:
Post a Comment