Saturday, January 10, 2009


January. 10, 2009 Saturday


SEARCH Abante-Tonite
OTHER NEWS
News Stories
Crimes News
Hulaan Blues


Solon minanyak ang sariling nurse
(Rey Marfil)

Katulad ng kasabihang ‘mahirap ituwid ang matandang sanga’, walang kadala-dala at hindi kumukupas ang pagiging manyakis ng isang matandang miyembro ng Kongreso matapos puwersahing tikman ang sariling nurse nito.
Sa report na nakalap ng TONITE Spy, bago pa man kamuntikang makasuhan ng sexual harassment ng mestisahing staff ang matandang solon, ito’y naunang pinagbantaang irereklamo ng sariling nurse.
Ang rason, ‘minanyak’ din ng matandang solon ang sariling nurse sa kasagsagan ng eleksyon at pinuwersa pang tikman ang bebot kung saan hindi nagawang makapagreklamo matapos alukin ng malaking halaga ito.
Noong 2004 national election, naghanap ng sariling nurse ang matandang solon upang mapangalagaan ang kanyang sarili, katulad sa posibleng heat stroke o kaya’y alta-presyon lalo pa’t mainit ang panahon at summer ang kampanya.
Halos araw-araw nagsasakit-sakitan ang matandang solon kaya’t napilitan ang pamilya nitong bigyan ng sariling nurse ang kumag kung saan nagsisilbing personal nurse at secretary tuwing lalakad sa panahon ng kampanya.
Taliwas sa inaasahan, hindi rin pinaligtas ng matandang solon ang inarkilang nurse dahil minanyak ang kawawang bebot, katulad ang paghihimas sa maseselang bahagi ng katawan hanggang tuluyang dinaluhong na huling ginawa sa isang mestisahing staff sa Asian trip nito.
Naging maugong ang pakikipagrelasyon ng matandang solon sa nurse subalit walang makakapagkumpirma hanggang isang araw, nakitang tulala ang bebot at biglaang napaiyak, as in humagulgol sa harap ng mga kasamahan at inaming pinuwersa ng mambabatas.
Bagama’t itinatangging natikman ng matandang solon, ito’y ayaw kagatin ng mga kurimaw, sampu ng mga kasamahan sa opisina dahil hindi maaaring matulala ang isang tao kung walang ginawang kahalayan o kalaswaan ang mambabatas lalo pa’t kilalang ‘staff killer’ ang kumag.
Clue: Kamuntikang makasuhan ng sexual harassment ang matandang solon matapos daluhungin ang isang mestisahin at tsinitang staff sa kuwarto nang isama ang bebot sa Asian trip nito. Ito’y meron letrang ‘A’ sa kabuuan ng pangalan at apelyido, as in Ang manyak ni Sir. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

No comments: