Tuesday, January 20, 2009

jan 20 2009 abante tonite

It’s time!
Rey Marfil


Kahit sinong saksakan ng ‘plastic’ ang tanungin, may ‘tama’ sa presidential ambition ng kaibigan ni Lolo Edong Angara ang ‘guilty verdict’ laban kay ex-Batangas Gov. Antonio “Tony” Leviste. Ibig sabihin, hindi mabubura sa isipan ng publiko ang katotohanang ina ng dalawang anak ni Lolo Tony si Loren Legarda at matagal nagsama ang dalawa sa isang gusali. Kaya’t pansamantala lamang ang popularity ratings ni Loren Sinta sa iba’t ibang survey at malaki ang pagbabago kapag nagsimula ang bakbakan sa 2010.
Ang problema ng bagong arkilang media handler ni Loren Sinta mula sa ABS-CBN camp -- si Jing Magsaysay, kahit hiwalay kay Lolo Tony, ito’y magiging propaganda, katulad ang senaryong unang bibigyan ng parole o presidential pardon ang convicted killer kapag nanalong Presidente sa 2010. Sabagay, maatim ba ni Loren Sinta na naghihimas ng rehas sa New Bilibid Prison (NBP) ang dating katabi sa kama at ‘tiyak iyon’, isa sa mga anak ang hihingi ng pabor. Gaano man kalaki ang pagkakamali o nagawang pagkakasala ng isang ama, kalokohan kundi pagbibigyan ng isang ina ang nagsusumamong anak. Ang tanong lamang kay Jing Magsaysay, ito ba’y tatagal sa kampo ni Loren Sinta o matutulad sa ibang media relation officer (MRO) na nagmistulang bisita sa office nito?
Kung survey ang pagbabatayan, si Loren Sinta ang puwedeng ibangga kay Vice President Noli De Castro Jr., subalit malaking katanungan lamang kung ‘accurate’ ang results. Higit sa lahat, matindi ang media blitz ng kampo ni Defense Sec. Gilbert Teodoro para tumakbong Pangulo. Take note: Pamangkin ni ex-Ambassador Danding Cojuangco si Teodoro at masunuring tauhan si senador Francis ‘Chiz’ Escudero. Ibig sabihin, hindi malayong magkatotoo ang ‘Teodoro-Escudero tandem’ sa ilalim ng Nationalist Peoples Coalition (NPC). Sabagay, sana’y nang ‘mag-Crying lady’ si Loren Sinta, katulad ng impeachment trial ni Estrada. Teka lang, ano ngayon ang papel ni Willie Fernandez kay Loren Sinta kung si Jing Magsaysay ang naka-pronta, maliban kung naetsapuwera at nasibak?
***
Napag-usapan ang 2010 presidential derby, maagang ‘bandera-kapos’ ang diskarte ng isang nagpapakilalang ‘opposition presidentiable’. Hindi pa nga nag-iinit ang bakbakan, nagsisikalasan ang mga inarkilang tauhan at nagbabalak pang magbuo ng isang organisasyon upang labanan ang kandidatura ng presidentiable. Ang nakakagulat sa lahat, magsama-sama ang mga dating staff upang ipaalam sa publiko kung anong klaseng amo ang presidentiable sa panahong magkakasama ang mga ito.
Kundi nagkakamali ang Spy, isang secret meeting ang ipinatawag ng isang malaking convenor sa hanay ng mga political team na tumulong sa kandidatura ng ‘presidentiable’ noong 2004 election. Ang misyon ng leading convenor: Kumbinsihing lumantad ang lahat ng mga nagsilbing tauhan ng presidentiable at ibunyag ang mga katarantaduhan ng dating amo. Hindi natin babanggitin ang pangalan kung sinong ‘presidentiable’ subalit kalat sa iba’t ibang coffee shops ang pagsasama-sama ng mga dating staff ng kumag, hindi para suportahan ang dating amo kundi ipaalam sa publiko ang mga kalokohang pinaggagawa nito, partikular kawalang pag-asa ng sambayanang Pilipino kapag naupong Pangulo ito.
Hindi isang uri ng black propaganda ang pagsama-sama ng mga dating tauhan ng presidentiable, malinaw sa mensaheng natanggap ng isa sa ‘ex-staff’ nakausap at kumpirmasyon sa secret meeting na pinaplantsa ng dating grupong tumulong sa pagkapanalo ng presidentialbe noong 2004 election. Nakapaloob sa mensahe ang katagang ‘Join the Ex-__ get together. In a stunning move, all previous staffers of Se___ M___ S is said to be gearing for a showdown with the Se___r in 2010. Matagal nang niloloko ni M___ ang taong bayan. IT’S TIME!”. Kung sino ang presidentiable, itanong natin kay ex-Usec Bobby Capco na inaakusahang adik ni ex-PCSO media consultant Robert Rivero sa Senate hearing lalo pa’t namimigay ng calling card, kasama ang litrato ng kanyang amo, baka sakaling kakilala nito! (www.mgakurimaw.blogspot.com)

No comments: