Wednesday, January 28, 2009

january 28 2009 abante tonite

Mestisuhing solon nagdadaster (last part)
(Rey Marfil)

Dahil ‘walang lihim na hindi naibubunyag’, sumingaw ang matagal nang pagdududa sa pagkatao ng isang mestisuhing miyembro ng Kongreso matapos bumuyangyang ang mahiwagang litrato.
Sa impormasyong nakalap ng TONITE Spy, isang malaking ‘pahulaan blues’ lamang sa mahabang panahon, partikular sa mga constituents o kadistrito ng mestisuhing solon ang alegasyong may ‘dual citizenship’ ito at may karelasyong lalaking staff, katulad ng pilit ikinakabit sa kanyang pangalan ng mga kalaban sa pulitika.
Katulad ng isang utot, umalingasaw ang itinatagong lihim ng mestisuhing solon at mismong kampo ng kumag ang may hawak ng ‘bomba’ at ebidensyang magdidiin bilang isa sa ‘closet queen’ o nagkukunyaring naka-pantalon subalit palda ang kursunadang kasuotan.
Sa litratong hawak ng isa sa dating tauhan ng kanilang pamilya, malinaw ang matinding obsession sa damit-babae ng mestisuhing solon, patunay ang pagpapakuha ng litrato kung saan nakadaster at kontodo-make up ang pagmumukha ng kumag.
Maliban sa namumulang labi, gamit ang makapal na lipstick at matitingkad na make-up, nakasuot pambabae ang mestisuhing solon at walang binatbat ang pagpatay ni Rustom Padilla sa kanyang katauhan para buhayin si Bebe Gandanghari sa local cinema.
Bagama’t nagawa pang mag-aral ng modeling sa Amerika ni Bebe Gandanghari, ito’y lulumain sa porma ng mestisuhing solon sa litratong hawak ng staff, animo’y lehitimong bebot at nagtataglay ng matris sa katawan.
Sa larawan, ‘walang sinabi’ ang nagbabagong-bihis na ex-husband ni Carmina Villaroel sa porma ng mestisuhing solon at talbog si Rustom Padilla dahil nakakulay asul itong daster at naglalakihan ang raffles sa kanyang kasuotan.
Tanging nakakatawa lamang, hindi pang-international ang arrive ng mestisuhing solon sa blue duster nitong kasuotan dahil nagkikintaban sa mantika ang noong malapad at nagmukhang si “Mama Monchang”, animo’y bugaw sa loob ng club, katulad ng mga “Mamasan”.
Clue: Bagama’t kilala ang kanilang angkan sa pulitika, inilihim sa publiko ang pagpakasal at hindi nang-imbita ang pamilya ng mestisuhing solon at lumalabas pang ‘fixed married’ ang naganap. Kung senador o congressman, ito’y kamukha ng sister ni Aling Lotlot. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

No comments: