Jan. 07, 2009 Wednesday
SEARCH Abante-Tonite
OTHER NEWS
News Stories
Crime Stories
Solon minura ng opisyal ng Malacañang
(Rey Marfil)
Kung anong tikas ng titulo sa Kapulungang kinabibilangan, ito’y walang silbi sa harap ng isang maimpluwensyang Palace official matapos pagmumurahin ang isang mestisuhing solon sa harap mismo ng mga government officials at kauring mambabatas.
Sa report na nakalap ng TONITE Spy, nakatikim ng sabunang walang banlawan at pinaliguan ng masasamang salita, as in pinagmumura ng maimpluwensyang Palace official ang mestisuhing solon, hindi dahil nagkasala ang mambabatas kundi nais ng kumag na ipagtanggol sa mga eskandalong kinasasangkutan nito.
Nang minsan ipatawag sa Malacañang ang ilang mambabatas, mistulang naningil ng pagkakautang ang maimpluwensyang Palace official matapos sitahin at pagmumurahin ang ilang administration solon dahil hindi magawang idepensa sa mga public hearing kung saan sabit-sabit ang pangalan nito.
Unang pinatikim ng sermon ng maimpluwensyang Palace official ang dalawang kasamahang mambabatas subalit pumalag at sumagot ng pabalang kaya’t napagbalingan ang mestisuhing solon na katabi sa upuan.
Sa kasagsagan ng aktibidades, halos malunod sa mura at masasamang salita ang mestisuhing solon at sinisita ng maimpluwensyang Palace official kung bakit hindi magawang idepensa sa media tuwing nakakaladkad sa katiwalian ang kanyang pangalan.
Dahil likas sa mestisuhing solon ang kabaitan at napaka-bagito sa larangan ng pulitikang pinasukan, ito’y walang magawa kundi makinig sa sermon at ilabas sa kabilang tainga ang mga masasakit na pananalita ng maimpluwensyang Palace official.
Ang masakit lamang sa panig ng mestisuhing solon, halos dinig ng lahat ng mga bisita ang paninermon ng maimpluwensyang Palace official at lumalabas pang kasalanan ang mga katiwalian at eskandalong kinasasangkutan ng kumag dahil hindi magawang idepensa gayong wala naman itong kinalaman at hindi rin kumita kahit singkong duling sa mga kinukuwestyong kontrata.
Clue: Hindi kuwestyon ang kapasidad ng mestisuhing solon bilang mambabatas, maging ang paghawak sa kasalukuyang kapangyarihan subalit niniyerbyos sa kasong kinasasangkutan. Ito’y meron letrang ‘M’ as in Mahilig mag-’I Love you’ ang mestisuhing solon. (www.mgakurimaw.blogspot.com)
No comments:
Post a Comment