Monday, January 19, 2009

january 19 2009 abante tonite


Solon, nagpaputol ng bituka
(Rey Marfil)

Sa harap ng pangam­bang lumobo ang panga­ngatawan, isang miyembro ng Kongreso ang nagpaputol ng bituka para mabawasan ang katakawan sa pagkain o nakaugaliang pagpapakabundat kahit oras ng trabaho sa kanyang opisina.

Nang magbakasyon ang dalawang kapulungan ng Kongreso, sinamantala ng maaksyong solon ang pagkakataon upang sumailalim sa ‘bariatric operation’, kalakip ang hangaring magpapayat o mabawasan ang timbang nito.

Sa report na nakalap ng TONITE Spy, itinago ng maaksyong solon ang pagsailalim sa bariatric operation, isang proseso ng pagbabawas ng timbang kung saan hindi pinagda-diet ang kliyente o kaya’y pinapayuhang mag-exercise kundi tinatanggalan ng bituka ang mga ito.

Sa pamamagitan ng `bariatric operation’, hindi kasing-ganang kumain ng mga batang mahilig sa ginisang gulay at hindi rin kasing-kulay ang buhay ng isang pasyente, katulad ng television commercial dahil awtomatikong mababawasan ang katakawan sa pagkain ng maaksyong solon.

Makailang-beses nang nagpapayat ang maaksyong solon, kabilang ang pagpapatanggal ng taba o liposuction ope­rations sa de-kalibreng doktor mula sa tinitinga­lang medical clinic subalit nagtapon lamang ng pera ang mambabatas.

Maliban sa pagpapa-lipo sa tinitingalang medical clinic sa Pilipinas, sumailalim din sa iba’t ibang uri ng mga formula sa pagda-diet ang maaksyong solon subalit sumuko lahat ng mga die­tician at tumayong trainer dahil hindi magawang iwanan ng mambabatas ang katakawan sa pagkain.

Bagama’t mapanganib ang bariatric operation at posibleng ikamatay ng maaksyong solon, katulad sa ginawang pagpapa-liposuction sa de-kalibreng mga medical doctors, ito’y pinasok ng mambabatas sa pangambang lulobo ang pangangatawan at ma­tulad sa pelikulang “Nutty Professor” na pinagbidahan ni Eddie Murphy.

Matinding medical at physical examination ang pinagdaanan ng maaksyong solon habang nakabakasyon ang Kongreso subalit nakakatawang isiping hindi pa rin magawang isakripisyo ng mambabatas ang mga masasarap na handa ng kanilang pamilya noong nakaraang Noche Buena at Media Noche dahil tinapos ang Kapaskuhan bago nagpaopera ito.

Pagkatapos ng Pasko at Bagong Taon, isi­nalang sa operasyon ang maaksyong solon kung kaya’t halos dalawang linggong nakaratay sa ospital at posibleng hindi makapasok ng opisina ngayong magbabalik-ses­yon ang Kongreso.

Clue: Hindi kuwestyon ang kabaitan ng maaksyong solon subalit napakapikon, hindi lamang sa laro kundi sa kritisismo. Kung kongresista o senador, aba­ngan sa session hall kung makakapasok ngayong hapon. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

No comments: