Monday, January 5, 2009

Jan. 05, 2009 Monday


SEARCH Abante-Tonite
OTHER NEWS
News Stories
Crime Stories


Kuripot na solon biglang naging galante
(Rey Marfil)

Kung hindi nga lamang pinagpipitagang miyembro ng Kongreso, mapagkakamalan pang gate crasher ang isang bugnuting solon matapos magbitbit ng anak sa Christmas Party at lumalabas pang binawi lamang ang ginastos nito.

Halos ipagpamisa ng mga kurimaw, sa pangunguna ng TONITE Spy ang biglaang pagiging galante ng solon matapos humugot ng sariling pera sa bulsa at tapatan ang cash prizes na ipina-raffle ng mga kasamahan sa organisasyon.

Sa mahabang panahon, isa ang solon sa pinaka-classic magre­galo o magbigay ng giveaways dahil underwear at kung anu-anong ladies and men’s accessories ang pinapa-raffle sa mediamen nito.

ahil malapit nang mapaso ang termino, mistulang nag-aparisyon si Judiel sa Kongreso matapos magbago ng imahe ang solon at biglaang na­ging galante, patunay ang pagpa-raffle ng cash sa Christmas party at nagawang humugot ng P50 libo sa bulsa para samahan ang mga kapartidong nag-donate ng pondo.

Bagama’t nag-donate ng P50 libong cash ang bugnuting solon, hindi naman maiwasang kantiyawan ng mga kurimaw ang mambabatas dahil binitbit ang kanyang anak sa Christmas party at mistulang binawi lamang ang salaping nai-donate bilang pa-raffle.

Kaagad naman lumutang ang senaryong inihahanda ng solon ang anak sa malaking laban sa pulitika ngayong 2010 national election lalo pa’t mapapaso ang kanyang termino at sinimulan nang ipakilala ang papalit dito.

Mas lalo pang nakulayan ng pulitika ang pagbitbit ng anak sa Christmas party ng solon dahil namudmod ito ng payong kung saan nakatatak ang pangalan ng anak, animo’y media kit na ipinamigay sa bawat lamesa ng mga mamamahayag.

Clue: Kung anong tapang ng bugnuting solon, siyang duwag sa kanyang misis at siya ring kunat sa tunay na buhay. Ito’y meron letrang ‘B’ sa kabuuan ng pangalan at apelyido, as in Boy Flashback (www.mgakurimaw.blogspot.com)

No comments: