Mabibilang sa daliri!
Rey Marfil
Kundi pagiging inutil ni DOE Sec. Angelo Reyes sa pagsirit ng gasolina sa world market at naglipanang tarpaulin o pagmumukha ng ‘Bayaning isinusuka ng mga vendor’, si MMDA chairman Bayani Fernando ang makikita sa kahabaan ng Edsa, pambubugbog ng pamilya ni DAR Sec. Nasser Pangandaman sa golf course o kaya’y bribery scandal sa lamesa ni DOJ Sec. Raul Gonzalez ang headlines, pagmamaniobra ng Malacañang sa Charter change (ChaCha) ang hot issue sa Korte Suprema.
Ibig sabihin, wala nang inatupag ang mga kampon ni Mrs. Gloria Arroyo kundi gumawa ng kabulastugan at mabibilang sa daliri ang nag-iisip ng maganda para sa bayan, animo’y pag-aari ang gobyerno at panghabambuhay sa kapangyarihan.
Sa hanay ng mga gabinete ni Mrs. Arroyo, mabibilang ang masasabitan ng gold medal, katulad ni DA Sec. Arthur Yap. Mantakin n’yo, kahit niyanig ng rice crisis ang buong mundo at nauwi sa ‘half rice’ ang formula sa Jollibee at McDonald, ipinakita ni Yap ang pagiging ‘Action Man’ kahit napaka-batang opisyal ng Malacañang dahil naitali nang maayos ang mga sako sa kanyang opisina, as in naresolba ang pangambang magkakaubusan ng bigas at naisakatuparan ang pangakong ‘Pagkain sa Bawat Mesa’.
Ngayong nahaharap sa global crisis o recession, isang matalinong hakbang ang ‘consensus-building approach’ ni Yap, partikular ang pag-convene sa lahat stakeholders ng agricultural sectors upang hanapan ng kasagutan ang posibleng kakulangan ng food supply sa hinaharap. Kahit sinong beterano at espesyalista sa larangan ng agrikultura, maging taga-oposisyon, aminadong pinakamasalimuot ang ‘agriculture portfolio’ sa Pilipinas.
Sa isang mundong dinidiktahan ng World Trade Organization (WTO), kailangang madiskarte at maingat ang nakaupong ospiyal lalo pa’t matinding kompetisyon sa produkto ang labanan at kailangang pasok sa pamantayan ng bawat bansa ang ibinebentang agricultural products. Sa kalibre ni Yap, nasa tamang direksyon ang Pilipinas, huwag lang pakikialaman ang kanyang diskarte ng mga ‘kamote’ at hunghang sa Malacañang.
***
Sa lahat ng survey, si Vice President Noli De Castro Jr. ang No. 1 contender sa 2010 presidential election subalit malaking katanungan kung handang ampunin ng Lakas-CMD Party lalo pa’t diskuntento si Tabako, as in ex-President Fidel Ramos sa diskarte nito? Ibig sabihin, may karapatan si Senador Bong Revilla Jr. bilang standard bearer, ito’y nagsilbing vice governor at governor ng Cavite at blockbuster ang anti-piracy campaign bilang Videogram Regulatory Board (VRB) chief, ngayo’y Optical Media Board (OMB). Take note: Vice President ng Lakas-CMD si Idol at outsider si Uncle, maliban kung mauuwi sa ‘xerox’ ang nangyari kina Senator Ping Lacson at namayapang Fernando Poe Jr. noong 2004.
Hindi ba’t pinanumpa ni Lolo Edong Angara si Da King sa oposisyon para maging running mate ng kaibigan nitong si Loren Sinta kaya’t nag-solo si Da Ping? Kumpara sa ilang ‘self-proclaimed presidentiable’ ni Mrs. Arroyo, wala sa kalingkingan ni Senator Bong ang popularidad ni Fernando. Mantakin n’yo, kung hindi pa nag-ala Bayani Casimiro sa Celebrity Duets ng GMA-7, hindi makakakuha ng 5% sa presidential survey pero ngayong natapos ang singing competition, hindi ba’t balik sa dating gawi ang performance level ni Fernando at malapit nang maabot ang naunang pagiging consistent sa 1%?
Ang kailangan lang pag-ingatan ni Idol ay ang kaganapan noong 2004 election, hindi ba’t escorted pa ng mga kampon ni Lolo Edong si Da King papasok sa kanilang kampo kahit sa ibang barangay nakatira ito? Pero ngayon, nasaan ang ‘bespren’ ni Loren Sinta, hindi ba’t ka-jamming ni Mrs. Arroyo sa Palasyo at naging katropa pa ni Senator Bong sa administration bloc ito?
Ni sa panaginip, ayaw isipin ng mga kurimaw sa presidential garden ang senaryong dadanasin ni Idol ang pagkaka-etsapuwera sa selection process, katulad sa sinapit ni Da Ping sa kamay ni Lolo Edong. Anyway, pareho pang Caviteño ang dalawang (2) senador at magkumpare sa kasalang Santamaria-Lacson sa Amerika. Kahit itanong n’yo pa kay Kuya Efren, as in birthday boy Jun Lingcoran Jr. ng dzMM na magbabalik-Congress beat sa Lunes! (www.mgakurimaw.blogspot.com)
Thursday, January 15, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment