Thursday, January 22, 2009

jan 22 2009 abante tonite

Ay, ay, Aytona
Rey Marfil


Kung tambay ng National Printing Office (NPO) si Jimmy Paule, mas lalo pang lumutang ang senaryong konektado sa pamilya Puno ang itinuturong ‘liaison officer’ ng MalacaƱang sa fertilizer scandal. Malinaw ang testimonya sa Upper House nina Marites Aytona at Julie Gregorio, ito’y matagal nang ‘ka-deal’ at magkakilala, since 1999. Ibig sabihin, pakalat-kalat sa NPO headquarters si Mr. Suave bago pa man napatalsik si Erap at naupo ang misis ni Jose Pidal.
Bago humarap si Mr. Suave, katulad ng paglalarawan ni Wow Dick Gordon, lumutang ang espekulasyong ‘tiyuhin’ ni DILG Sec. Ronnie Puno si Mr. Suave subalit itinangging kamag-anakan ang naglipanang Puno sa kapaligiran ni Mrs. Arroyo. Ang tanong lamang ng mga kurimaw: bakit tambay ng NPO si Mr. Suave sa panahon ni Erap, hindi ba’t si Dong Puno Live, as in Atty. Ricardo ‘Dong’ Puno Jr., ang timon ng Office of the Press Secretary (OPS) bago napatalsik si Erap?
Sa kaalaman ng publiko, nasa ilalim ng opisina ng OPS ang NPO. Ni sa panaginip, ayokong isiping kinasangkapan ni Mr. Suave ang koneksyon para makakuha ng proyekto lalo pa’t si Dong Puno Live ang pinaka-maimpluwensiyang nilalang sa OPS sa panahong iyon. Take note: magkasamang nagtungo ng NPO sina Mr. Suave at Aytona noong 2000, alinsunod sa testimonya sa Senate Blue Ribbon committee at Enero 2001 napatalsik si Erap sa puwesto. Anyway, malaking banta sa reelection bid ni Senador Mar Roxas si Papabols Jimmy, kapag nagkataon ‘Oras ng palitan si Mr. Suave’. Kahit itanong n’yo kay birthday girl Jen Corpus sa office ni pro-tempore Jinggoy Estrada!
***
Hanggang ngayon, isang malaking palaisipan sa mga kurimaw kung gaano kalalim ang koneksyon nina Aytona at Marilyn Araos, aba’y parehong ‘selective’ ang memorya kapag napag-uusapan ang kanilang transaksyon at tanging natatandaan sina Mr. Suave at Gregorio ng Feshan Philippines. Ni sa panaginip, ayokong isiping meron itinatagong ‘lihim’ sina Marites at Marilyn, maliban kung handang kumanta si Senate witness Jose Barredo para ibunyag ang lahat ng personal accounts sa panahong magkasama sa isang opisina nang sa ganun ay magkaalaman kung sinu-sino ang may-ari ng bahay ni Araos!
Ngayong nagkakabistuhan kung sinu-sino ang promotor at kumita sa multi-milyong fertilizer fund, mas makakabuting ibangon ni Marites ang magandang imahe ng kanilang angkan. Sa halip kape ang ipa-serve ni Wow Dick sa committee hearing, mas makakabuting palitan ng Sprite, malay n’yo magpaka-totoo si Marites, katulad ng ginawang pag-recant ni Gregorio sa lahat ng kasinungalingan. Hindi pa huli ang lahat kay Marites, maliban kung takot kay Mr. Suave dahil naglipana ang Puno sa pamahalaan? Kundi nagkakamali ang Spy, apo ni dating Senador Dominador R. Aytona ang itinuturong runner ni Jocjoc Bolante kaya’t hindi nakakagulat ang ipinakitang tapang kapag sumasagot sa fertilizer scandal.
Kung nagagawang makipagsagutan ni Marites kay Wow Dick, bakit hindi sagarin ang natitirang tapang sa katawan at ikantang lahat ng nalalaman. Kung lehitimong apo ni dating Senador Aytona, isang malaking kasiraan sa kanilang angkan ang masalang sa hot seat o Blue Ribbon committee. Mantakin n’yo, summa cum laude sa Bachelor of Science in Business Administration (1947), magna cum laude sa Bachelor of Laws (1949), at cum laude sa master of Laws (1951) ang dating senador. Hindi lang iyan, 2nd placer at 94.55% ang general rating sa bar examination ng kanyang lolo.
Ang matinding credential ng lolo ni Aytona, ito’y financial adviser ni Pangulong Ramon Magsaysay Sr., sa panahong nakaupong congressman ng Zambales, pinakabatang Commissioner of the Budget, itinalagang Secretary of Finance at Chairman ng Monetary Board of the Central Bank ni President Carlos Garcia at anim na taong nagsilbing senador, simula 1965 hanggang 1971, pagkatapos ay masisira lamang sa pagsisinungaling ng kanyang apo sa fertilizer scandal? Sayang naman! (www.mgakurimaw.blogspot.com)

No comments: