Kabaliktaran sa imaheng ipino-project sa publiko, lalo pang napatunayang wala nang pag-asa pang magbago ang pagiging ‘Tupperware’ ng isang lady solon matapos pahirapan ang isang grupo ng barangay officials na nanghingi ng donasyon sa opisina nito. Sa report na nakalap ng TONITE Spy, hindi lamang umuwing luhaan kundi naglakihan ang ugat sa mga paa ng isang grupo ng barangay officials mula Rizal province matapos pagtaguan ng primadonang lady solon. Ang masakit sa panig ng mga barangay officials, naunang ipinangako ng primadonang lady solon ang donasyon bilang financial assistance sa selebrasyon ng kapistahan ng kanilang patron. Isa pang nakakasuka, hindi kalakihan ang halagang hinihingi ng isang grupo ng barangay officials, as in barya lamang ang P5 libo kumpara sa multi-milyon pisong campaign donations na pumapasok sa bulsa ng primadonang lady solon. Unang lumapit sa tanggapan ng primadonang lady solon ang isang grupo ng barangay officials upang humingi ng donasyon at nangako ng P5 libo ang mambabatas kaya’t abot-langit ang kagalakan ng mga ito. Makalipas ang tatlong linggo, bumalik sa opisina ng primadonang lady solon ang isang grupo ng barangay officials, alinsunod sa itinakdang petsa ng mga tauhan ng mambabatas subalit pinagtaguan ang mga ito. Simula alas-10:00 ng umaga, nakatambay na sa harapan ng opisina ng primadonang lady solon ang isang grupo ng mga barangay officials at hinihintay kung anong oras ire-release ang P5 libong donasyon sa fiesta ng kanilang patron. Inabot ng tanghali at kumalam ang sikmura ng grupo ng barangay officials subalit hindi pa rin ini-release ang P5 libong donasyon hanggang sumapit ang sesyon, ganap alas-tres ng hapon. Sa kasawiang palad, walang salaping inilabas o ibinigay ang tanggapan ng primadonang lady solon at umuwing luhaan ang grupo ng barangay officials kung saan nagdesisyong iwanan ang mambabatas at umuwi sa kanilang komunidad sa Rizal province, ganap na alas-sais ng gabi. Clue: Nangangarap ng magandang posisyon sa gobyerno ang primadonang lady solon. Ito’y meron letrang “A” sa pangalan at apelyido, as in Ang hilig sa matandang karelasyon (www.mgakurimaw.blogspot.com) |
No comments:
Post a Comment