NAGKAIWANAN SA CA!
Kahit ilang timbang laway ang ibuhos ni Dick Gordon sa plenary hall at ibat-ibang media interview, hindi mababago ang rules ng Commission on Appointment (CA) hangga't walang amendments. Katulad din ni Donya Consuelo Madrigal-Valade, alyas Jamby, magsusulputan lamang ang ugat sa mga paa sa kawu-walk out, hindi magagamit ang Section 20 sa last day of session kaya't mas makakabuting tanggapin ang katotohanang 'talunan' sa nakaraang plenary confirmation. Sadyang malas ng misis ni Frenchman Eric Valade with a letter E, aba'y sarado ang docketing department ng SC noong Miyerkules dahil anniversary kaya't hindi kaagad nakapagpa-responde.
Ang hindi nalalaman ng publiko, 'nagkaiwanan' sa plenary confirmation ni Air Force Col. Arthur Abadilla sa hanay ng CA members. Bago isinalang sa 'whole sale confirmation' ang lahat ng presidential appointees sa last day of session, nagkasundong isantabi ang appointment ni Abadilla dahil sa teknikalidad at magiging precedent ang promosyon na lagpas sa petsa ng kapanganakan. Take note: isa si Gordon sa sumang-ayon sa proposal kaya't nagalit si
Sa report ng Spy, biglang isiningit si Abadilla nang magsimula ang deliberasyon at numero unong nag-depensa si Gordon. Ang masakit sa panig ni Lacson na kumukontra sa confirmation ni Abadilla, mismong kasamahan sa opposition bloc ang 'mastermind' upang ilusot ang promosyon ng Colonel kahit Decembre 4 dumating sa CA ang papeles at walang panibagong appointment sa Malacanang pagkatapos mag-celebrate ng birthday day noong December 2. Kung mali ang pagkuwestyon ni Lacson, nakakapagtakang nag-abstain ang karamihan sa CA members kaya't nausyami ang promosyon ni Abadilla. Ibig sabihin, takot din masabit ang mga kumag.
Ang pagkakamali ni Lacson, ito'y nagtiwala sa mga kasamahan sa minority bloc, partikular kina Mar Roxas II, Loren Legarda-Leviste at Rodolfo Biazon. Ang tatlo (3) ang nanguna sa 9-CA members na bomoto sa promosyon ni Abadilla, kasama si Gordon at apat (4) kongresista-sina Cong. Rodito Albano, Cong. Abddulah Dimaporo, Cong. Bong Plaza at Congw. Ailen Ermita-Buhain. Mantakin nyo, si Senate President Manuel Villar Jr., ang naiwang kakampi ni Lacson habang si Paranaque Cong. Ed Zialcita sa House contingent.
Sabagay, hindi nakakapagtaka ang aksyon ni Roxas-ito'y posibleng na-impluwensiyahan ni Cong. Albano na itinuturong 'promotor' sa pagsisingit ng pangalan ni Abadilla lalo pa't nagsilbing chief off staff (COS) ng boypren ni Ate Korina ang misis ng kongresista habang sina Loren Sinta at Dick Gordon- balitang iisa ang PR manager nangangasiwa sa pagbabango ng kanilang opisina. Hindi natin babangitin kung sinong PR manager, ang importanteng malaman ng mga senador, bad trip ang Senate reporters sa PR manager dahil kinakasangkapan sa mga 'prospective client' ang kanilang pangalan, as in ginagamit ni ‘Mr. W’ sa pangra-raket ang mga ito.
Anyway, dalawamput-lima (25) ang membership ng CA at walang majority votes nakuha si Abadilla kaya't diskaril ang pagkakaroon ng estrelya. Kung naayon sa Konstitusyon ang pag-aaksaya ng laway ni Gordon na 'naglilider-lideran' sa promosyon ni Abadilla, eh bakit siyam (9) lang ang nakuhang boto? Hindi kaya takot din ang mayoryang maakusahang ilegal ang promosyon ni Abadilla kaya't nag-abstain. In fairness kay Zialcita kahit nasita ng mga tauhan ng Senate security nagyu-yosi sa hallway, ito'y napaka-hardliner, maging si Lolo Johnny Enrile nagtulak kay Abadilla sa committee level, ito'y nag-abstain at kinikilala ang gentleman's agreement ng 25-man CA members. Sa tingin nyo, anong tawag kina Dick at Mar…Your Honor at Mr. President Manny Villar?
3 comments:
Par-r-r-r-r-r-reng Re-e-e-e-ey!
ayos ba
Ayozzzzz...
Post a Comment