Wednesday, June 25, 2008

inggit kay kuya abante tonite june 25 issue

HALF-BROTHER, NAGLALAWAY SA SILYA NI KUYA

Sa halip makuntento sa kapangyarihang tinatamasa at maging mapagbigay lalo pa’t iisang dugo lamang ang nanalaytay sa kanilang laman, hindi makapaghintay ang kapatid ng isang kilalang pulitiko sa kanyang torno, patunay ang ‘paglalaway’ sa silyang kinauupuan ng kanyang Kuya.

Sa report nakalap ng Tonite Spy, matindi ang obsession ng nakakabatang kapatid ng kilalang pulitiko sa kanyang silya kung kaya’t itinutulak nang kumag sa mas mataas na katungkulan ang kanyang Kuya, sa pamamagitan ng isang patibong.

Taliwas iniisip ng nakakaraming Pilipino, mas malalim pa sa tubig-baha dulot ng bagyong Frank ang motibo o hidden agenda ng nakakabatang kapatid ng kilalang pulitiko, as in ipinu-push sa mataas na posisyon, hindi dahil ‘love na love’ ang kanyang Kuya kundi para masungkit ang inaambisyong posisyon sa pamahalaan.

Ang rason, matagal nang pinagkaka-interesan ng nakakabatang kapatid ang posisyon ng kilalang pulitiko at matindi ang inggit ng una lalo pa’t mas mataas ang kinalalagyan ng kanyang Kuya, as in abot-kamay ang palasyo ng Malacanang.

Dala ng matinding inggit, simula magkaisip hanggang tahakin ang landas na dinaraanan ng kanilang ama sa pulitika, mas lalo pang lumalim ang iringan ng magkapatid at walang ibang option ang nakakabatang kapatid kundi itulak ang kanyang Kuya sa mataas na posisyon upang masingitan ito.

Bagamat kilalang pulitiko si Kuya, pawang malalakas na kandidato ang posibleng makatapat sa 2010 election kaya’t nagdadalawang-isip itong sumabak sa mas mataas na posisyon at ipaubaya ang mababakanteng silya sa nakakabatang kapatid nito.

Abot sa kaalaman ng nakakabatang kapatid ang posibleng pagkatalo ng kanyang Kuya kaya’t nakapag-isip ng isang patibong ang kumag, sa pamamagitan ng pagtutulak sa kandidatura ng huli sa mas mataas na posisyon.

Kapag kinagat ng kilalang pulitiko ang patibong na ipinapaain ng nakakabatang kapatid, ito’y mabura sa pulitika lalo pa’t tatlong (3) taong magpapahinga habang paghaharian ng kabilang partido o pamilya ng kaniyang ama ang buhay-pulitika.

Clue: Half-brother ng kilalang pulitiko ang naglalaway sa kanyang silya at magka-away ang dalawa, simula sa pagkabata kung saan naawat lamang ng kanilang ama kaya’t nagkakasundo sa harap ng camera subalit ‘nagsisikuhan’ pagkatapos magkamayan. Kung sino ang magkapatid, abangan sa 2010. Ang malinaw, lehitimong anak at legal ang kilalang pulitiko.

No comments: