LADY SOLON, ‘NANG-LAND GRAB’ NG OPISINA
Sinamantala ng isang lady solon ang kawalang aksyon ng Dalawang Kapulungan ng Kongreso sa 10-year extension ng Comprehensive Reform Program (CARP) hinihirit ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo matapos kamkamin ang ibang opisina.
Ang pinakamalupit sa lahat nasaksihan ng Tonite, nagmistulang ‘photo gallery’ ng lady solon ang mahabang hallway matapos ‘i-land grab’ ang opisina nang may opisina, animo’y nakikipag-kompetisyon sa memorabilia o photo exhibit na ipinaskil ng in-house photographers.
Kung anong tuwa ng lady solon kapag nakikita ang mga naglalakihang litrato, ito’y kabaliktaran sa nararamdaman ng mga legislative employees kung saan sukdulan hanggang Aurora at Batangas ang pagkairita sa pagmumukha ng mambabatas.
Ang rason, hindi pag-aari ng lady solon ang pader na pinagpaskilan ng kanyang mga litrato, as in ibang opisina ang nagmamay-ari ng kuwarto subalit hindi magawang pumalag dahil isang mambabatas ang mokong habang isang director lamang ng isang dibisyon ang nakakasakop nito.
Magkatabi ang opisina ng lady solon at isang division director kaya’t napakadaling angkinin o kamkamin ng mambabatas ang hallway lalo pa’t iisa ang kanilang bakuran.
Ang masakit lamang sa panig ng division director, ito’y nawalan ng espasyo at sinakop lahat ng lady solon ang kanyang puwesto kung saan maging pader nasa parte ng kaniyang opisina, hindi pinalagpas ng kumag at pinakuan ng mga litrato.
Sa tuwing mapapadaan ang mga staff ng division director, hindi maiwasang mahiya dahil napagkakamalang mga tauhan ng lady solon lalo pa’t larawan ng mambabatas ang dekorasyon sa hallway, animo’y ginawang extension ng kanilang sala.
No comments:
Post a Comment