SENADOR, NAMBALYA SA INTERBYU
Sa harap ng alegasyon bilang bagong ka-tropa ni Mulaway sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso, lalo pang pinatunayan ng isang bagitong senador ang pagiging obsessed sa media interbyu, patunay ang 'pangbabalya' ng kapwa-opisyal upang makapagpa-pogi sa publiko.
Bagamat hindi literal nakipagbalyahan ang bagitong senador, nasaksihan ng Tonite Spy kung paano maglunsad ng one-on-one defense ang kampo ng mambabatas upang maipagpag sa ambush interview ang isang gabinete ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Nang minsan ipatawag sa Upper House ang paboritong gabinete ni Mrs. Arroyo, ito'y pinakiusapan ng Senate reporters na lumabas ng committee room kapag nag-break ang public hearing at pinaunlakan naman ng opisyal ang ambush interview hinihingi dito.
Taliwas sa inaasahan ng Senate reporters, naka-istambay sa labas ng committee room ang hindi kagandahang media relation officer (MRO) ng bagitong senador at biglaang nagka-interes nang makitang nag-set up ng interview at kukumpol sa hallway ang mga ito.
Sa puntong ito, biglaang tumalilis sa nagkukumpulang reporter ang hindi kagandahang MRO ng bagitong senador at tinawag ang kanyang amo sa kabilang kuwarto na dumadalo sa ibang public hearing upang ipa-ambush interview ito, animo'y gustong magpalit ng player sa laro kahit walang time out ibinibigay ang reperi para sa substitution.
Dahil saksakan ng takaw sa media mileage at interbyu ang bagitong senador kahit tameme, as in tiyope sa mga interpellation at diskusyon sa floor, ito'y mabilis lumabas at tumawid ng ibang committee room upang magpa-ambush interview kahit ibang opisyal ang naka-iskedyul isalang dito.
Eksaktong papalapit ang bagitong senador sa puwesto ng nagkukumpulang Senate reporters, lumabas ng committee room ang paboritong gabinete ni Mrs. Arroyo kaya't hindi umubra ang planong pambabalya ng mokong, as in na-3 second violation bago nasundutan ng interbyu ang kalaban nito.
Nang mapansin nitong nakatingin ang ilang reporter at ramdam ang pagka-out of place, pa-simpleng nagkunyaring 'busy' ang bagitong senador sa tabi ng committee room habang kausap ang hindi kagandahang MRO.
Maging tauhan ng bagitong senador, hindi maitago ang naramdamang pagkahiya kaya't naglitanya itong isusunod na isasalang sa interbyu at sinegundahan ng mambabatas ang hindi kagandahang MRO, sabay bigkas ng katagang hihintaying matapos ang gabinete bago magpa-interbyu ito.
Clue:Isa sa ikinukunsiderang senatoriables ang gabinete ni Mrs. Arroyo at naresbakan sa half rice habang mahilig mang-iwan ng kaibigan ang bagitong senador at sariling interes lamang ang inilalaban. Bagamat lalaki, ito'y pinag-tripan kamukha ni Matet De Leon sa kanyang larawan ng mga high student bumisita sa Upper House.
No comments:
Post a Comment