Friday, June 13, 2008

nasalinan ng dugo

NA-BLOOD TRANSFUSION!

Ngayong panahon, hindi lamang pekeng produkto ang nagsusulputan, maging pagsasampa ng graft charges, katulad nangyari sa Bureau of Immigration and Deporation (BID), aba’y itinatanggi ng Buklod ng mga Kawani ng Bureau of Immigration (BUKLOD-BI) ang aksyon laban sa mga BID officials. Katulad ng paboritong litanya ni SP Manny Villar Jr., ‘dalawang bagay’ lang ang nasaisip ng mga kurimaw-ito’y pakana ng mga nangangarap maupo sa puwesto o kaya’y ‘script’ ng mga nasagsaan sa repormang ipinapatupad ng bureau.

Kundi nagkakamali ang Spy, lumabas sa national daily ang pagsasampa ng kasong graft ng isang permanent employees association laban sa limang (5) tiwaling BID officials. Ang nakakatawa lamang, iisa lamang ang union sa Immigration kaya’t kamuntikan malaglag sa silya si Leticia Fatalla bilang Presidente ng BUKLOD-BI. In fairness kay BID Commissioner Marcelino Libanan kahit napagkakamalang si Diomedes Maturan noong dekada 60’s, ito’y maraming nasampolang sindikato sa Immigration, katulad ng illegal alien at fixers kaya’t mahirap nga naman ang katayuan ni Aling Leticia kapag napag-initan ni Libanan nang walang kadahilanan.

@@@

Sa press release ng mga kampon ni House Speaker Prospero Nograles, walang ibang pinakamalakas sa 2010 kundi ang partidong Lakas-CMD at pag-aagawan ng presidentiables ito. Ang tanong ng mga kurimaw, meron bang gustong magpa-ampon sa Lakas-CMD kung palaging 'nakasungaw' ang anino ni Mrs. Arroyo na nababalutan ng katiwalian at eskandalo? Ibig sabihin, suicide sa sinumang presidentiables kung katulad nang misis ni Jose Pidal ang 'product endorser' sa entablado. Malinaw ang resulta ng May 14 2007 election t kundi pa nagka-puwersahan sa Maguindanao at hindi nabiktima ng ‘Bedol-Bedol Gang’, katulad ng reklamo ng Genuine Opposition (GO), dalawa lang ang lumusot!

Ang nakakapagtaka lamang, lahat ng ikinukunsiderang presidentiables ng Lakas-CMD, ito'y sumailalim sa 'blood transfusion', aba'y hindi purong posisyon ang dugong nanalaytay sa bawat 'veins' ng mga kandidato, as in nagpasalin-salin ang mga dugo at hindi iisang 'blood type' ang na-inject dito. Hindi natin ang babangitin ang pangalan ng mga kinukursunadang standard bearer ng mga 'super friends' ni Papa Migz Zubiri pero kapansin-pansin, etsapuwera sa listahan si senator Ping Lacson. Sabagay, bad trip sa kurakot at naglipanang 'kumisyuner' si senator Ping kaya't hindi maaring diktahan nang kahit sinong Pontio Pilato kumpara sa mga presidentiables ina-alok ng adoption paper. Anyway, Congrats kay Migz, ito’y isa nang ganap na Papa sa bagong baby girl nito.

@@@

Napag-usapan ang 'adoption paper' ng Lakas-CMD, lalo pang tumibay ang senaryong diskumpiyado at walang tiwala si Mrs. Arroyo kay Vice President Noli De Castro Jr., bilang 'manok' sa 2010 national election. Hindi kaya may kinalaman ang 'Meralco issue' lalo pa't walang posisyon o sariling stand si Uncle Vice kung kanino kampi ito? Pinag-uusapan sa mga coffee shops ang lantarang pangba-baterya ng ilang gabinete kay De Castro sa harap ni Mrs. Arroyo tungkol sa Meralco issue.

Sa isang meeting, ipinaramdam ng isa sa malapit kay Mrs. Arroyo ang kawalang bilib kay De Castro bilang manok ng administrasyon sa 2010 election. Ang litanya ng gabineteng naglalaway sa Pagcor: kundi magawang idepensa ni Uncle Vice ang pamilya Lopez nagbigay ng break sa radyo at telebisyon para sumikat hanggang masungkit ang No. 2 post, ano nga naman ang mahihita ng ina ni Lion King pagkatapos ng kanyang termino lalo pa't namumulalak sa katiwalian at eskandalo ang administrasyong Arroyo’. Take note: siguradong sisingilin sa lahat ng pagkakautang ang First Family kapag taga-oposisyon ang predecessor sa palasyo, ewan lang kung kayang tatablahin ng kanyang inanak sa kasal- si Chiz Escudero o kaya'y nang boypren ni Korina Sanchez si Mar Roxas, eh matagal nanilbihang DTI Secretary ni Mr. Tide Powder?

No comments: