Monday, June 16, 2008

love birds ng kongreso

MAY 2 PARES NG 'LOVE BIRDS' SA KONGRESO!


Hindi lamang isa kundi dalawang (2) pares ng mambabatas ang madalas pag-tripan kapag oras ng trabaho dahil sa ipinapakitang 'closeness' sa isa't-isa, patunay ang mala-dikyang tandem kapag dumadalo sa public hearing at nakikinig ng sesyon.


Sa dalawang (2) pares na magka-iba ang henerasyon, mas paboritong pag-usapan ng mga kurimaw ang dalawang (2) nagkaka-edad na solon dahil nagmumukhang malaking 'love birds' nakawala sa hawla kapag naglalampungan ang mga ito.


Kung simpleng pa-tweettums lamang ang ginagawa sa session hall ng isang pares ng mga batang mambabatas na pinagduduhang meron lihim na relasyon, mas malupit ang nasaksihan ng Tonite Spy kapag uma-attend ng public hearing dahil nilalangam sa tamis ang dalawang (2) kasamahang solon nito.


Bagamat makailang-beses nang itinatanggi ang pagkakaroon ng relasyon, sadyang makapangyarihan ang silakbo ng kanilang damdamin dahil walang pinapatawad kahit oras ng trabaho, animo'y isang bahay lamang ang inuuwian pagkatapos dumalo ng sesyon.


Kapag dumadalo ng public hearing, mistulang anino ang bawat isa, as in magkabuntot ang magkapareha at magkatabi pa nang upuan kung kaya't ayaw paniwalaan ng mga kurimaw ang senaryong tinuldukan ng dalawa ang kanilang relasyon o tuluyang nagkahiwalay ang mga ito.


Ang matinding eksena sa lahat, sinasadya pang umupo ng lady solon sa tabi ng matandang solon, katulad din ng ginagawa ng kelot kapag nauunang dumating sa public hearing o committee room ang karelasyong bebot.


Taliwas sa mga naunang depensang tsismis lamang ang pagkakaroon ng relasyon, isang malaking 'love birds' ang mga eksena sa public hearing dahil ginagawang taga-quorum ng bawat isa ang kanilang kapag nagpapatawag ng imbistigasyon at nauuwi sa 'family affairs' ang public hearing nito.


Madalas pang hindi maintindihan ng mga reporter nagko-cover sa mga public hearing, maging ilan pang resource person ang nilalaman ng imbistigasyon o paliwanag ng mga inimbitahang government officials tungkol sa isyu dahil naka-sentro ang kanilang mata sa magkarelasyong solon.


Ang rason, hindi simpleng pagbubulungan ang ginagawa ng dalawang (2) mambabatas sa public hearing bagkus malalagkit ang tinginan at nangungusap ang mga mata kapag meron isang isyung itinatanong, animo'y sila lamang ang nakaka-alam nito.


Lantad sa kaalaman ng nakakarami ang bawal na relasyon ng magkapareha kung kaya't hindi maiwasang ma-divert sa mga malisyosong eksena o makapag-isip ng malaswa ang mga reporter, sampu ng resource person tungkol sa extra-marital affairs ng dalawang (2) solon kapag naka-off ang camera.


Clue: Kapwa hiwalay ang dalawang (2) lady solon at pareho din tsikboy ang dalawang (2) kasamahang solon, maliban sa batang mambabatas na puwede sa tsiks at boy. Kung taga-GSIS Compound at taga-Batasan Complex, abangan ang susunod na kabanata.

1 comment:

Anonymous said...

Sorry for my bad english. Thank you so much for your good post. Your post helped me in my college assignment, If you can provide me more details please email me.