Friday, June 13, 2008

spy kolum june 3

DEDICATED KINA BF AT MAYOR T!

Kung hindi kayang ilibre ng gobyerno ang text messaging system (SMS), bakit hindi magkaroon ng diskuwento, katulad ng proposal ni senator Jinggoy Estrada ibaba sa 50 sentimos, eh di sana walang pumipila at mang-istorbo sa mga telecom firm para humirit ng unlimited text. Isang halimbawa ang nangyari sa isang kasamahan sa trabaho-si Babylin Cacho-Resulta ng Far Eastern Broadcasting Company (FEBC), aba'y biktima ng mga 'little turtle' sa isang telecom firm. Kung anong lakas maningil, siyang kupad ng mga tauhan sa services. Hindi na natin babangitin ang kumpanya. Narito ang reklamo ni Babylin:

'Sana ma-publish nyo kung gaano kasalbahe ang mga tauhan ng isang telecommunications company. Nagpa-unlimited text ako kaninang ala 1:00 pa (June 3). Dapat one hour lang ang processing, pero inabot ng 15 hours. I confronted a customer care officer, Tony ang pangalan. He promised his supervisor si Irene Yupo will call me. She never did. Parang highway robbery. Second time ko nang ginawa ng mga tauhan ng telecom firm na ito sa akin. Hilig din nila kumain ng remaining load. Hope you can tackle this in your newspaper one day soon. I am sure di lang ako ng disgruntled. Thanks. Babylin.

@@@

Abril 17, pumunta ang mga taga-MMDA sa amin sa Tagaytay, pinaatras ng tatlong (3) metro mula poste ng Meralco ang mga bahay, ito'y ginawa naman namin. Pagkalipas ng isang linggo, bumalik ng mga taga-MMDA at pinagigiba noong Abril 24 ang mga bahay. Walang patawad kahit may mga tao sa loob ng bahay. Nakikiusap nga ang mga tao na huwag gibain pero tuloy pa din ang mga tauhan ni Bayani. Ang mga taga-MMDA habang sinasakay nila sa truck ang mga nakukuha, ang mga paninda kinakain nila at mga kawad ng kuryente kinukuha nila. Mga suwapang na mga MMDA. Pag inawat mo sila, tutukan ka ng baril.

Pag tinatnong mo, project daw ni Governor Ayong Maliksi at Mayor Tolentino. Hindi man lang pumunta sa lugar si Mayor Tolentino. Ang alam namin, iyong lupang tinitirikn ng mga bahay namin sa harap ng Olivarez Plaza sa Crossing, Silang East Tagaytay City ay gusto ng mga Tolentino. At ang alam kasi nmin sa lupa na kinatitirikan namin, wala ng nagbabayad ng amilyar kaya ganun ang gusto nilang mangyri, palisin ang mga tao na walang bayad at relokasyon. Ngayon nakatiwanwang ang mga pinagibaan. Siguro patatagalin muna bago tirikan ni Mayor Tolentino.

Sender: Cesar B ng Tagaytay

Ngayon, keysa atupagin ng 'bayaning isinusuka ng mga vendor'-si MMDA chairman Bayani Fernando ang pagkabit ng mga naglalakihang poster at billboard bilang preparasyon sa pagtakbong President kahit 1.2% ang popularidad sa presidential survey, mas makakabuting aksyunan ang isang reklamong natanggap. Siguro naman, hindi na muling liliham sa office at National Press Club (NPC) si BF upang sibakin o ilipat ng ibang assingment ang iyong lingkod. Ganyan ka lupit ang Spy, aba'y 'special request' sa office, iyon nga lang, 'not granted' kay Big Brother.

@@@

Sa hearing ng committee on science and technology, kasama bilang secondary committee ang civil service and government reorganization at finance noong June 3, araw ng kapanganakan ng yumao kong ina, dalawang (2) senador lang ang present, walang iba kundi ang matalik na magkabigan sina Edong Angara at Loren Legarda-Leviste kaya't solo ang buong pagdinig, animo'y nag-picnic sa luntiang kapaligiran ng Luneta Park, aba'y sabay nag-kape at nananghalian sa committee hearing.

Si Angara ang chairman ng science and technology habang si Loren Sinta ang 'substitute chair' ng civil service dahil naka-selda si senator Sony Trillanes habang si senador Mar Roxas ang finance chair pero hindi nakarating, maging si Jinggoy na sponsor sa paglikha ng National Council for Information Technology and Development (NCITD), tila abala sa kasal ni Capt. Jude kaya't absent. Sa tingin ng mga kurimaw sa Upper House, maagang natulog sina Edong at Loren Sinta para maaga din magising dahil 9:00 ang public hearing. Ayos, Palakpakan!

No comments: