SENATE OFFICE, GINAWANG CAMPAIGN HEADQUARTERS NG PRESIDENTIABLE
Bagamat napalayo ng 2010 national election, maagang ipinakita ng isang miyembro ng Upper House ang pagiging ‘magulang’ sa presidential race matapos i-convert bilang campaign headquarters ang opisina sa GSIS Building, Roxas Boulevard Pasay City.
Maliban sa pagiging ‘magulang’ sa nakatakdang pagsasalang sa 2010 presidential race, nadiskubre ng Tonite Spy ang pagiging abusado ng senador sa kapangyarihan dahil libreng nagagamit ang kuwarto sa pansariling interes ng kumag gayong buwis ng taong bayan ang ipinangre-renta kada buwan sa GSIS management.
Kapag pinasok ang extension office ng senador, hindi tauhan ang makikita sa loob ng kuwarto kundi naglipanang campaign materials, katulad ng poster, streamer, sticker at iba pang uri ng propaganda paraphernalia na ginagamit ng mambabatas sa kanyang advocacy bilang preparasyon sa 2010 national election.
Sa unang tingin, mapagkakamalan pang malaking bodega o warehouse ang extension office ng senador dahil hindi magkasya ang dalawang (2) tao kapag pinasok ang kuwarto, as in pawang janitor lamang ang tumatambay ditto taliwas sa ipinangakong legislative office o kuwarto ng mga legal staff.
Halos pumantay sa kisame ang mga campaign materials ng senador sa kisame ng extension office at binubuksan lamang kapag meron delivery sa ibat-ibang probinsiya taliwas naman sa makikita kapag tinungo ang designated room napanalunan sa lottery ng kumag.
Hindi maiwasang bateryahin ng mga naglipanang kurimaw sa Upper House ang senador dahil ‘pakalat-kalat’ sa labas ng designated room ang mga bisita kung saan nilagyan ng mahabang silya para mapagkasya ang mga taong pumipila na humihingi ng medical at financial assistance gayong maaring gamitin ang extension office dito.
Naging kaugalian ng Senate leadership sa matagal na panahon na bigyan ng extension office ang ilang senador kapag maliit o masikip ang kuwartong napanalunan sa lottery na ipinapatupad sa mga bagong miyembro ng Upper House.
Kahit malaki ang napanalunang opisina ng senador sa lottery, ito’y humirit ng extension office, kalakip ang reklamong masikip at mala-presinto ang kanyang kuwarto dahil nagsisiksikan ang mga tauhan at kailangan ng karagdagang espasyo sa legislative staff.
Taliwas sa ibinigay na rason upang makuha ang extension office, hindi legislative staff ang inilagay ng senador kundi ginawang bodega, as in tinambakan ng sangkaterbang campaign materials at iba pang propaganda paraphernalia na ipinakakalat sa buong Pilipinas upang pabanguhin ang kanyang imahe sa mahihirap.
No comments:
Post a Comment