SENADOR, NAPIKON SA MABAHONG KUBETA
Sa halip tugunan ang reklamo sa kanilang nasasakupan, mistulang nabuhay sa panahon ng ‘Japanese Emperial government’ ang isang bagitong miyembro ng Upper House matapos magtuturo at umastang ‘makapili’ nang umalinagasaw ang kakulangan ng kubeta sa distritong pinagmulan nito.
Nasaksihan ng Tonite Spy kung paano magpanting ang tainga ng bagitong senador sa naglalabasang komentaryo laban sa pamilya ng kumag matapos marinig sa radyo kung paano ‘pulutanin’ ng mga nakaupong komentarista at anchorperson ang pagiging inutil sa kanilang distrito.
Bago napikon ang bagitong senador, isang kinatawan ng militanteng grupon mula sa Department of Education (DepEd) ang na-interbyu tungkol sa masamang kalagayan ng mga batang mag-aaral sa buong kapuluan, kabilang ang pagkumpirmang kapos at mabaho ang mga kubeta sa kanilang lugar.
Sa puntong ito, nagtanong ang isa sa dalawang (2) anchor kung anong lugar ang pinakamalala sa hanay ng mga public schools na walang comfort room o kubeta kung saan direktang tinukoy ng resource person ang distrito ng bagitong senador.
Kaagad nag-komentaryo ang dalawang (2) broadcaster at kinukuwestyon kung bakit isang kubeta lamang kada dalawang (2) libong estudyante ang ratio sa distrito ng bagitong senador gayong multi-bilyon piso ang pork barrel kada taon.
Maliban sa komentaryong multi-bilyon piso ang pork barrel ng bagitong senador, damay din ang dalawa (2) pang kapamilyang pulitiko ng kumag, maging ang ilang pang kamag-anakan napuwesto sa local level nakaraang May 14 2007 election.
Sa kabuuan ng programa, naghintay ng kasagutan ang mga kurimaw subalit walang kasagutan ang kampo ng bagitong senador kaya’t paulit-ulit ang pagkalampag ng dalawang (2) komentarista sa buong pamilya nito, kasabay ang alegasyong nakakaawa ang mga mag-aaral dahil ‘pila-balde’ sa comfort room.
Clue: Kapwa kapamilya ang dalawang (2) broadcaster at pang-hapon ang programa kung saan isa dito’y miyembro ng Bagets Gang noong dekada 80’s habang balimbing ang bagitong senador. Abangan sa Sabado kung paano napikon ang solon. (www.mgakurimaw.blogspot.com)
No comments:
Post a Comment