Sunday, June 15, 2008

siyota ni sir

SIYOTA NG PULITIKO, NANGANGALAP NG PONDO SA 2010!


Sa harap ng alegasyong nakikialam sa media operation ng kanyang boypren, lalo pang nalantad ang hidden agenda ng magkarelasyon matapos lantarang i-lobby ng kanyang girlfriend ang interes ng mga kumpanyang nangako ng pondo sa kilalang pulitiko.


Sa report nakalap ng Tonite Spy, mismong karelasyon ng kilalang pulitiko ang nagtimon sa isang press conference para maghanap ng 'baka' o campaign donors bilang preparasyon sa 2010 national election.


Bilang patunay, pina-isponsoran ng karelasyong bebot sa mga malalaking kumpanya, kinabilangan ng mga negosyanteng napaboran sa isang batas na nilikha ng kilalang pulitiko ang press conference ng boypren nito.


Bago pa man nagpa-isponsor ng press conference sa mga mayayamang negosyante at multi-national companies ang karelasyong bebot, ito'y matagal nang inirereklamo ng mga staff ng mambabatas dahil nakikialam sa media operation kahit walang posisyon sa office ng kanilang amo.


Katulad ng alegasyong nakikialam sa media operation ng kanyang boypren, nagpatawag ng isang malaking press conference sa hanay ng mga beterano at batikang komentarista ang kilalang personaldad na karelasyon nito.


Sa naturang press conference, mismong karelasyong bebot ng kilalang pulitiko ang nangalap ng pondo, sa pakikipagtulungan ng mga malalaking kumpanya at mayayamang negosyante na posibleng campaign contributors sa 2010 election.


Nang makarating sa kaalaman ng ilang komentarista at broadcaster na mismong karelasyong bebot ng kilalang pulitiko ang timon sa press conference, karamihan dito'y nagsi-atrasan, as in tinabla ang imbitasyon.


Ang rason, natakot ang ilang komentarista at broadcaster na makulayan ang kanilang mga komentaryo sa radyo lalo pa't interes ng mga kumpanyang nag-isponsor sa press conference ang itinutulak ng karelasyon ng kilalang pulitiko.


Maliban dito, dumistansya ang batikang komentarista dahil maaring maresbakan at matawag itong bias sa nilikhang batas ng kilalang pulitiko lalo pa't kaibigan ang karelasyong bebot nito.


Clue: Nangangarap makarating ng Malacanang ang kilalang pulitiko at tinaguriang 'Mamas boy' habang saksakan ng tapang sa kanyang propesyon ang karelasyong bebot. Ito'y madalas mapa-away sa trabaho at mortal enemy ng mga pulis, sampu ng mga manufacturer ng pekeng produkto.

No comments: