PRESIDENTIABLE, MATAKAW SA KREDITO;
2 SENADOR, NA-BAD TRIP
Sa sobrang takaw sa publisidad ng isang presidentiable, dalawang (2) kasamahan sa Upper House ang sukdulan hanggang Visayas region ang pagka-bad trip sa solon matapos solohin ang mga kredito sa inaprubahang batas ngayong 1st regular session.
Mismong mga kurimaw, nasuka sa pang-aagaw ng kredito ng isang presidentiable dahil nagawa pang ipangalandakan sa harap ng media ang nagawang batas gayong kaparte lamang ang opisina nito, as in ilang probisyon ng proposed measures ang naisingit sa final report.
Higit sa lahat, hindi naman original version ang proposed bill na inaangkin ng presidentiable dahil ‘xerox’ lamang, as in kinopya ang buong batas sa isang natalong administration senator nakarang 2007 election na kilalang eksperto sa ganitong proposed measures.
Lingid sa kaalaman ng presidentiable, dalawang (2) kasamahan sa Upper House ang bad trip sa ginawa nitong pag-solo at pag-aangkin sa kredito dahil nagmukhang ‘saling-pusa’ gayong principal sponsor ang papel sa inaprubahang batas.
Bagamat hindi ipinapakita ang pagdismaya sa presidentiable, hindi maitago sa piling mediamen ng dalawang (2) senador ang pagka-inis sa kasamahang mambabatas dahil paulit-ulit ang deklarasyon ng nabangit bilang nag-iisang sponsor.
Ang matinding revelation sa lahat, nagawa pang bateryahin ng karelasyong bebot ng presidentiable sa industriyang ginagalawan ang taong nagpakahirap upang mailusot ang naturang batas, partikular ang nakaupong chairman ng komite.
Clue: Kapwa ikinukunsiderang vice presidentiables ang dalawang (2) senador. Isa dito’y reelekyunista mula sa administration bloc at run away winner sa bise ang ikalawa kung ngayon gaganapin ang halalan habang deklaradong standard bearer ng partido ang presidentiable na isa rin reelekyunista sa 2010 election.
No comments:
Post a Comment