TAPATANG TENGA SA 2010!
Bago pumasok ang 2nd regular session, asahang ilalabas ng Malacanang ang listahan ng mga bagong gabinete- ito'y bilang preparasyon sa State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo 21. Iyon nga lang, 'bagong-luma' ang mga mukhang nakabuntot kay Mrs. Arroyo sa Batasan Complex plus 'Palakpak Boys'. Sabagay, tatak-Nograles ang speaker ngayon sa Lower House, siguradong mababawasan ang 'Hakot Brigade' at mauuwi sa 'palakpak-hangin' ang bagsak ng dalawang (2) palad ni ex-House mate Manong Joe De Venecia at siguradong naka-simangot si Manay Gina, maging ang kanyang ate si Manay Ichu Maceda.
In fairness, hindi kuwestyon ang kapabilidad at kakayahan ng mga papasok sa gabinete ni Mrs. Arroyo, katulad ni dating senador Ralph Recto- ito'y ikinukunsiderang ipalit kay National Economic Development Authority (NEDA) Sec. Augusto Santos. Kaya't sorry na lang si Papa Romulo Neri, hindi mapagbibigyan ang special request nitong makabalik sa poder kahit ipina-zipper ang bibig sa broadband deal. Malabong ibigay kay Recto ang Department of Finance (DOF) ngayon pang maku-confirm sa Commission on Appointments (CA) si Sec. Gary Teves!
Ang may malaking problema-si Manong Joe De Venecia, aba'y maagang pinagpa-planuhang matalo ni Mrs. Arroyo sa Pangasinan- ito'y epekto ng broadband scandal ibinunyag ni Long hair Joey De Venecia sa Upper House. Mantakin nyo, sisirain ng Malacanang ang pangarap ni Department of Health (DOH) Sec. Francisco Duque makabulungan sa session hall si Jamby Madrigal-Valade with a letter E o kaya'y makasama sa ribbon cutting at makabeso-beso sa floor si Pia Cayetano-Sebastian para lamang 'magbalik-probinsiya' at tapatan ang sinumang 'manok' ni Tenga sa 4th district ng Pangasinan.
Kung tatakbong senador si Manong Joe, alinman sa kanyang anak at asawa-sina Manay Gina at Joey ang isalang sa congressional race ng Pangasinan. Walang ibang option ang kampo ni Mrs. Arroyo kundi hanapan ng kalaban ang pamilya De Venecia para makaganti sa gulong nilikha ng mag-ama kaya't isasakripisyo ang senatorial ambitions ni Duque. Take note: eksperto sa pagda-divert ng pondo si Duque, katulad ng OWWA funds noong 2004 national election, gamit ang Philhealth card upang ikampanya ang kanyang amo sa mga pamilyang mahihirap. Ibig sabihin, wise decision ang pagtakbong Congressman ni Duque sa Pangasinan, as in mababanaag ang 'Pag-asa, Cubao'. Mabuti lang, kasing-labo ng 'used oil' sa mga planta ang tsansang manalo ni Duque kung national level ang agenda sa 2010 lalo pa't umaalingasaw sa baho ang imahe ni Gloria!
Ayokong husgahan ang kaisipan ni Duque subalit nakakatawang isiping pinagko-concentrate ng kampo ni Mrs. Arroyo sa disrito ni De Venecia para magpango ng pangalan, iyon pala'y meron ibang 'agenda' ang Malacanang kung bakit kailangang lisanin ang departamento. Kalokohan kundi naulinigan ni Duque ang pagpasok ni dating senadora Tessie Aquino-Oreta (TAO) bilang DOH Secretary. Ang rason: hindi maibigay kay TAO ang Department of Education (DepEd) dahil magkakasamaan ng loob sina Mrs. Arroyo at Boss Danding Cojuangco na nagpasok kay Secretary Jesli Lapuz. Ika nga, dalawang ibon sa isang putok ang pag-concentrate ni Duque sa congressional district ni Tenga.
No comments:
Post a Comment