NAISAHAN O NANG-ISA SI SINTA?
Dalawang (2) bagay lamang maaring sabitan ng kaibigang matalik ni Edong Angara-ito'y kasabwat o nagamit. Sa malamang, nagamit, as in blangko si Loren Sinta at sinamantala ang oportunidad lalo pa't buong mundo ang nakasubaybay sa kidnapping case. Sabagay,hindi nga lang naman pang-Edsa ang media mileage nakuha ni Loren Sinta sa pagpapalaya sa grupo ni Ces ngayong nagkasabit-sabit ang product endorsement at inaakusahan pang pekeng whitening pill ang Lucida DS. Ibig sabihin, higit kailangan ni Loren Sinta ang magpabango ng image, di ba Mr. Willy Fernandez?
Sa kabuuan, kapuri-puri ang pag-aksyon ni Loren Sinta para isalba ang tatlong (3) buhay subalit hindi maaring takasan ng lady solon ang text messages kumalat, isang araw makaraang mapalaya ang grupo ni Ces, maging ang nagsusulputang espekulasyon kung bakit ‘umepal’ sa kidnapping case. Ni sa panaginip, ayaw isipin ng mga kurimaw sa Upper House na konektado sa 2010 presidential election ang pag-eksena ni Loren Sinta. At ayoko din paniwalaang kinargo ng lady solon ang pagbabayad ng P15 milyong ransom sa Abu Sayyaf dahil napaka-expensive ng 'one day affair' at pagkatapos nag-boomerang pa sa kanyang office!
Anuman ang motibo at katotonanan sa likod ng paglaya ni Ces, kayo nang humusga sa nilalaman ng kumalat na text messages: ‘Ed Espiritu (ex-DOF Secretary ni Erap at tiyuhin ni Ces) was at our lunch today. He is an unimpeachable source regarding Ces Drilon kidnap case. He is the brother of Ces Mom. He can’t believe daw the ‘gall’ of Loren. She got into the picture only after family of Ces paid P5 million. That’s when the first cameraman was released. They had to pay some more for the release of Ces and Jimmy. Ces felt she had no choice but to go along with Loren’s script. Loren even directed plane pilot to taxi more to change position so that they would be facing the camera when they disembarked and she told Ces that she had to emerge from plane first and that Ces should follow after 10 minutes.'
'And now Loren and Angara want Ces to seek audience with GMA, with Loren in attendance. Ces knows she’s being used but at the time of her release, she felt she had no choice. By the way, the family also thinks that the mayor being held in Crame is guilty. He and Loren we also the ones who ‘negotiated’ with kidnappers of Arlyn dela Cruz with the same modus operandi before’. Ang biruan tuloy ngayon, anong koneksyon sa pagiging alyas ‘Kumander Larin-Larin’ ni Mayor Isnaji kay Mam Loren, aba’y kasing-tunog ng ‘Loren-Loren’.
Ang reaksyon ni Loren Sinta sa Spy noong June 20, alas 1:20 pm bilang kasagutan sa mahabang text message, kabilang ang alegasyong 'script' ang pagpapatawag ng press conference sa airport ng grupo ni Ces at tumayong direktor ang lady solon: 'Iyan ang sinasabi ng mga inggit. Magpaka-lalaki sila at huwag magtago sa likod ng text. Ano ang ginagawa nila para sagipin ang buhay ni Ces, Jimmy at Angelo- Loren’ Anyway, hindi lamang isang tao ang pinaldahan ng text tungkol sa pagpapel ni Loren Sinta sa Ces kidnapping, kahit itanong nyo sa tatlo (3) pang mediamen sina Condrad De Quiroz, Ricky Carandang at Nelson Navarro.
Hindi lang iyan, meron pang hiwalay na text message natanggap ang Spy tungkol sa planong pagkuha kay Atty. Harry Roque bilang abogado ng mag-amang Isnaji subalit tinangihan kaya't napunta kay Atty. Francisco ang paghawak ng kaso. Ang nakakapagtaka, bakit si Atty. Ave Cruz ng ACCRA law office ang humingi ng 'special request' kay Atty. Roque noong June 19 gayong maraming lawyer sa kanilang firm. Teka lang, hindi ba't isa si Angara sa may-ari ng law firm at ngayo'y tinitimon ni ex-Senate President Frank Drilon. Sabagay, kung katulad nga naman ni Atty. Roque ang hahawak ng kaso, hindi mati-trace sa kampo ni Loren Sinta at mabango sa media interview ang abogado, eh di panalo ang kanilang kampo!
Sa kaalaman ng publiko, ilang taon ang nakakaraan nadukot din ng Abu Sayyaf si Arlyn Dela Cruz, dating reporter ng ABS-CBN at ngayo'y television anchor ng NET-25. Sa paglaya ni Ms. Dela Cruz, maugong din ang pagbabayad ng P5 milyong ransom, hindi lang malinaw kung kanino nagmula ang pondo pero ipinagmamalaki ni Loren Sinta ang pagtulong at pagtayong negosyador. Kapalit ang kalayaan ni Ms Dela Cruz, nauso livelihood program mula sa 'board and lodging scheme' ng bandidong grupo.
2 comments:
26 June 2008
Nakapagtataka naman po na inulit nyo pa sa inyong column noong june 24 (Naisahan o nang-isa si Sinta?) ang mga mapanirang text messages laban kay Senator Loren Legarda na ini-attribute kay Ambassador Ed Espiritu.
Ilang araw na kasing bantad sa publiko na itinatwa ni Ambassador Espiritu na sa kanya galing ang text message kung kaya wala nang saysay na magsayang pa kayo ng espasyo para dito.
Ayaw kong isipin na ang isang reporter-columnist na tulad ninyo ay hindi updated sa mga nangyayari. Lalong ayaw kong isipin na may iba kayong motibo sa pagpapakalat pa ng mapanira ngunit walang basehang text sa pamamagitan ng inyong column.
Sinabi ni Ambassador Espiritu na imbes na siraan si Legarda sa malaking papel na ginampanan nito sa pagpapalaya kay Ces Drilon at mga kasama nitong nakidnap sa Sulu ay dapat pa raw pasalamatan ang senator.
Sintudo-kumon lang daw ang kailangan, ayon kay Espiritu, para madetermina na hindi sa kanya nanggaling ang sangkatutak na text messages, lalo pa’t lalabas na ingrato siya, sampu ng mga kapamilya ni Ces, kung sa kabila ng ginawa ni Legarda ay sisiraan nila ito.
Iyon lang po at sana ay hindi nyo kulayan pa ng kung anupaman ang mga ginagawa ni Legarda. Hindi lang naman po sina Ces ang napalaya ng dahil sa tulong ni Legarda. Nandiyan ang ilang opisyal at tauhan ng militar at pulis, tulad ni Major Noel Buan, at isa pang broadcast journalist, si Arlyn Dela Cruz.
Sigurado ako na kung kayo ang makikidnap at babantaang pupugutan ng ulo (wag naman sana) ng Abu Sayaff ay tutulong rin si Senator Legarda upang kayo ay mapakawalan.
Jam ng Pasig City
yeezy boost 350
adidas yeezy
longchamp handbags
hermes
jordan retro
air jordan
kenzo hoodie
lebron 18
golden goose outlet
jordan 11
Post a Comment