Gabinete, may tauhang ‘bugaw’
(Rey Marfil)
Kung tambay ang nagsisilbing ‘bugaw’ ng mga ‘dyokards’ at bayarang bebot sa kahabaan ng Quezon Avenue, mas malupit ang isang gabinete ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo dahil isang abogado de kampanilya ang taga-deliver nito ng tsiks.
Sa report na nakalap ng TONITE Spy, sariling tauhan ni secretary at nagtatrabaho sa loob mismo ng opisina ng gabinete ang nagsisilbing ‘bugaw’ kapag kursunadang tumikim ng ibang putahe.
Kilalang hindi makabasag pinggan si secretary, subalit maraming itinatagong lihim sa katawan, simula ng maturuang mambabae ng mga taong nakapalibot sa kanyang opisina, sa pangunguna ng mga miyembro ng sindikatong namamayagpag sa departamento nito.
Ang nakakasuka lamang, bulag sa anumang illegal transaction ng mga tauhan si secretary dahil naimpluwensiyahan ng sindikato at puro kamanyakan ang nasa isipan, lalo pa’t linggu-linggong nakakatikim ng iba’t ibang tsiks.
Sa tuwing tinatamaan ng pagkamanyak si secretary, naging routine ng sindikato ang i-check in sa kilalang hotel sa Roxas Boulevard ang bebot at pasusunurin sa kuwarto ang gabinete.
Kapag nagkataong malapit sa Roxas Boulevard ang dadaluhang meeting, nagpapa-reserve ng kuwarto si secretary at pinapalabas pang merong VIP, as in very important person na ka-meeting, katulad ng mga negosyante o kaya’y government top officials.
Simula ng madikit at maimpluwensiyahan si secretary ng isang sindikato sa loob ng departamento, iisa ang naging routine ng gabinete kapag nakakaramdam ng matinding init sa katawan, ito’y nagkukunwaring may ka-meeting, subalit isang bayarang bebot lamang ang ‘ka-mating’ sa kama.
Lingid sa kaalaman ng staff o sinumang sekretaryang napag-utusang magpa-reserve ng kuwarto sa isang hotel sa Roxas Boulevard, Pasay City, gusto lamang tumikim ng bebot ni secretary kung saan kaagad tinatawagan ng gabinete ang abogadong nagsisilbing bugaw para magpa-deliver ng tsiks.
Ang matinding revelation sa lahat, walang pakialam si secretary kahit palihim pang pinagkukuwentuhan ng mga taong nakapalibot sa kanya, partikular ng sindikatong nagpapain ng bebot para makontrol ang illegal transaction sa departamentong pinangangasiwaan ng gabinete.
Clue: Hindi kuwestyon ang husay ni secretary kung propesyon ang pag-uusapan subalit nakakapanghinayang ang credentials lalo pa’t nalulong sa masamang bisyo. Ito’y meron letrang “M” sa kabuuan ng pangalan at apelyido, as in Mahilig magpakulay ng hair. (mgakurimaw.blogspot.com)
No comments:
Post a Comment