Tuesday, February 2, 2010

pebrero 2 2010 abante tonite

Overstaying treasurer
Rey Marfil


Kung merong overstaying general sa Armed Forces of the Philippines (AFP), mas malupit si Department of Finance (DOF) Secretary Margarito ‘Gary’ Teves, aba’y nagkalat ang overstaying treasurer (OST) sa opisina nito, maliban kung may kina­laman sa pangangalap ng campaign fund ngayong 2010 elections o kaya’y pinagkakakitaan ng mga tiwaling tauhan ang bawat extension, lalo pa’t mil­yones ang usapan?

Mabuti pa nga si DILG Sec. Ronnie Puno, kahit ‘nanga­ngamoy-pulitika’ ang rigodon sa Philippine Natio­nal Police (PNP) at ipinagbabawal ang pagre-reshuffle, walang habas pinaglilipat ang lahat provincial director, chief of police ng bawat munisipyo at lungsod.

Sa kaalaman ng publiko, nahahati sa apat ang DOF, kinabibilangan ng Bureau of Internal Revenue (BIR), Bureau of Customs (BOC), Bureau of Treasury (BTr) Bureau of Local Government Finance (BLGF) at Millennium Challenge Accounts Philippines.

Sa reklamong natanggap ng Spy mula sa isang taga-BLGF, nagkalat ang OST sa opisina ni ‘Gary T’ at nakakapagtakang napapalusutan si Aling Presentacion, as in BLGF executive director Maria Presentacion Montesa gayong napakasimple ang trabaho, maliban kung nabubulag-bulagan sa illegal activities ng isang sindikato o walang magawa dahil sobrang lakas kay Gary T ang ilang nakapaligid dito?

Take note: Isang ‘Mr. ML’ ang itinuturong mastermind sa term extension ng mga provincial treasurer (PT) at municipal treasurer (MT) kaya’t abangan ang susunod na kabanata.
***
Napag-uusapan ang OST, ang pinakakawawa sa term extension, walang iba kundi ang nasa ibaba, aba’y hindi mapu-promote dahil ‘domino effect’ kapag pinalawig ang termino ng mga nasa itaas at demoralisado ang buong bureau sa ganitong sistema.

Hindi man lang inisip ni Gary T ang kapakanan ng mga ‘graduating workers’ na nakalinyang maupong MT at PT. Take note: Labing-anim ang pangalang ibinigay ng isang taga-BLGF at meron pang da­lawang beses nabigyan ng extension:

1. Visitacion De Castro, assistant city treasurer ng Taguig City (2nd extension) May 28, 2008 to November 27, 2008);

2. Atty. Rosario Reyes, city treasurer ng Taguig City (1st extension) September 3, 2008 to March 23, 2009 at (2nd extension) March 24, 2009 to September 23, 2009;

3. Victor Endriga, city treasurer ng Quezon City (1st extension) August 18, 2008 to February 18, 2009 at (2nd extension) February 18, 2009 to August 17, 2009;

4. Marciano Cruz, muni­cipal treasurer ng San Miguel Bulacan (1st extension) Ja­nuary 10, 2009 to July 9, 2009.

5. Chona Santos, municipal treasu­rer ng San Jose Occidental Mindoro (2nd extension) October 23, 2008 to April 22 2009, as in dala­wang beses na-extend ang termino sa nakaraang taon;

6. Concepcion Daplas, city treasurer ng Pasay City (1st extension) May 21, 2009 to November 20, 2009 at (2nd extension) November 22, 2009 to May 21 2010;

7. Virgilio Abata, provincial treasurer ng Zambalaes (1st extension) December 17, 2008 to June 16, 2009.

8. Boni­facio So, provincial treasurer ng Northern Samar (1st extension) November 29, 2009;

9. Feligande Delina, city treasu­rer ng Cadiz City (1st extension) April 19 to October 18, 2009;

10. Perfecto Martinez, provincial treasurer ng Nueva Vizcaya (1st extension) December 9, 2009 to June 8, 2010;

11. Ramon Crisostomo, provincial treasurer ng Pangasinan (1st extension) September 10, 2009 to March 9, 2010. Mantakin niyo, hindi pa napapaso ang 1st extension sa March 9 at February 1 pa lang ngayon, aba’y ‘for signature’ ni Aling Presentacion ang 2nd extension;

12. Antonio Gundran, provincial treasu­rer ng Ilocos Sur (1st extension) May 8, 2010 at nakasalang sa Office of the Secretary (OSEC), as in opisina ni Gary T ang term extension;

13. Corazon Ascano, municipal treasurer ng Imus Cavite -- ito’y napaso ang termino noong October 20, 2009 at ipinasa sa Ci­vil Service Commission (CSC) ang desisyon;

14. Ofelia Cupino, municipal treasurer ng Rosario Cavite -- ito’y maninilbihan hanggang April 22, 2010 at nasa lamesa ni Gary T ang term extension hanggang November 17, 2010;

15. Liberata Pascadio, municipal treasu­rer ng Iguig, Cagayan, napaso ang termino noong May 8, 2009; at

16. Cresencia Rinon, municipal treasurer ng San Miguel Bulacan, mapapaso ang termino ngayong June 5, 2010 at ‘for signature’ ni Aling Presentacion ang extension.

Iyan ang malaking rason kung bakit demoralisado ang mga tresurero ni Gary T ngayon. (mgakurimaw.blogspot.com)

http://www.abante-tonite.com/issue/feb0210/opinions_spy.htm


No comments: