Thursday, February 11, 2010

pebrero 11 2010 abante tonite



‘Di nagsisinungaling ang ebidensiya (Part 2)

Narito ang karugtong sa panayam ng Kartada Esca­lera noong Pebrero 6, Sabado kay dating presidential adviser Angelito ‘Lito’ Banayo, dating campaign manager at spokesman ni opposition Senator Panfilo ‘Ping’ Lacson.

Escalera Boys: Sa Iloilo, kandidato nila si Raul Gonzalez?
Banayo: ‘Yung leaders barangay chairman sa Iloilo City are supposed to be lo­yal na loyal sa presidential legal counsel ang da­ting DOJ secretary at siya pursigi­dung-pursigido, natatandaan ninyo noong isang taon si Ping Lacson, (si Gonzalez) ay gumagawa ng kung anu-anong kuwento sa ka­bulastugan ni Cezar Mancao, ang affidavit na pabagu-bago ang barangay chairman niya dahil pumunta ako ng Iloilo eh puro Villar.
Nagtataka ako, ano ang nangyayari rito? Kaya ang aking sinasabi ay lumilinaw, palinaw ng palinaw ang kandidato ni Gng. Arroyo dahil ‘di umangat-angat ang kaibigan nating si Gilbert Teodoro, ay walang iba kundi si Manny Villar. At dahil dito, gagawin nila ang lahat para sigu­raduhing ang mananalo si Manny Villar at ‘di si Noynoy Aquino, dahil si Noynoy ay matindi ang galit ni PGMA hindi lang sa nasirang ina ni Noynoy na si Tita Cory kundi ang Hyatt 10 na nakapalibot kay Noynoy ngayon.
Escalera Boys: Si Senator Ping susuporta daw kay Noynoy, sa January ie-endorse dapat?
Banayo: Tama ‘yan, mga January bago magbukas ang sesyon ng Senado Jan. 18 pa ‘yan, dapat before that, gagawa ng malaking anunsyo si Senator Ping sa isang press conference na dadalhin ang grupo niya sa lalawigan, sa Maynila para i-announce ang kanyang total support kay Noynoy at Mar. As we all know, Jan. 5 pa eh uma­lis na si Sen. Ping ‘di dahil sa takot o naduduwag siya, kundi ‘di kayang tanggapin ng kanyang ugali na bigyan ng satisfaction ang rehimeng Arroyo na siya ay makulong o mapahiya.
Escalera Boys: Paano nasabi, anong kakayahan ni Villar na dikdikin si Senator Lacson?
Banayo: Kung kakampi ka ng administrasyon, bakit ‘di mo kayang gawin? Lalo na ang dami-dami mong pera? Paano mo ‘di magagawa ang gusto mong gawin?
Escalera Boys: Inquirer may photo of Bolante with Villar?
Banayo: ‘Yun na nga. Mabuti nabanggit mo ‘yan. Can you imagine Jocjoc Bolante, kandidato opisyal ng NP sa Capiz? Ano ang sasabihin ni Alan Peter Cayetano, ni Joker Arroyo at itong ibang mga tauhan ni Manny Villar na sila mga kontra, mga oposisyon, mga kontra sa katiwalian, samantalang kinupkop nila si Jocjoc Bolante na simbolo ng katiwalian sa rehimeng Arroyo? Imagine that. Ikaw ba naman, kung meron kang may issue na tao, kukunin mo pa si Bolante, mismo ang Senado nagsabi na guilty sa fertilizer scam?
Escalera Boys: Nang nag-boycott ang grupo ni Villar, nakasalang ang committee report sa fertilizer scam?
Banayo: Ginawa ni Sen. Gordon ang kanyang homework sa ZTE-NBN at saka sa Jocjoc Bolante, na pagkatagal-tagal hinearing ng hinearing ni Cayetano pero walang report. Cover kayo sa Senado, mas may alam kayo diyan. Puro dribble ang ginawa. In fact, isa sa mga pinrotektahan sa hearing ng ZTE-NBN dahil nilabas ni JDV III kung sino ‘yung tumawag sa kanya, sino ang kinausap niya sa sinabihan siyang ‘Back Off’ sa Wack-Wack ang nilapitan niya at nakipag-usap sa kanyang negosyante, ‘yan din nag-arrange ng rendezvous ni Gng. Arroyo at ng mag-asawang Villar sa Spain o sa Syria.
Escalera Boys: ‘Di ba si Joker bumanat kay Villar sa House noon; si Cayetano kasama?
Banayo: Ganoon nga eh. ‘Pag pinagsama-sama mo lahat ng event na ito, ang lahat ng kanilang pinagsasabi at pagbaligtad sa mahalagang issue ng corruption, malinaw na malinaw, parehong mga transactional politicians ‘yan. Si GMA at Manny Villar, parehong transaction ang nasa isip palagi.

Ang nalalaman nilang good governance kuno ay governance by transaction, ‘di tulad nina Noynoy at Mar na nahihiyang makipag-transact, wala sa ugali nila makipag-tran­sact, kaya ‘di maaaring tanggapin kailanman ni GMA si Noynoy dahil alam niyang ‘di puwedeng kausapin, ‘di puwedeng maareglo, ‘di puwedeng maka-transaction.
Escalera Boys: Ano gagawin mo kung ikaw si Gibo?
Banayo: Alam mo, kung ako si Gilbert iisip ako, siguro rather than spend my time uselessly campaigning and spending his own money dahil ‘di naman niya ninakaw dahil ‘di magnanakaw ang pamilya ni Gilbert at tala­gang inipon ng kanyang ina at kanyang ama, mas mabuti sigurong umatras na siya. (mgakurimaw.blogspot.com)

No comments: