Konting delicadeza naman! | |
Rey Marfil | |
Nagkataon o sinadya, nakakapagtakang puro taga-Liberal Party (LP) ang nasi sibak at dinidiskuwalipika ni Lolo Jose, as in Comelec chairman Jose Melo, aba’y pagkatapos pag-initan sina Bulacan Gov. Jun-Jun Mendoza, Isabela Gov. Grace Padaca at Pampanga Gov. Among Ed Panlilio, dalawa pang pambato nina Noynoy Aquino at Mar Ro xas ang magkasunod idinis kuwalipika ng Comelec -- sina Richard Gomez (Ormoc) at Cong. Baham Mitra. Never mind si Papa Baham, ito’y napatunayang residente sa kabilang ibayo kaya’t walang karapatang tumakbong gobernador pero nakakagulat ang kaso ni Goma -- ito’y walang pinag-iba sa maraming kampon ni Mrs. Arroyo na naglipatan ng bahay para tumakbong congressman subalit hindi naman sinisibak ng Comelec. Kaya’t mag-ingat si Bohol governatorial bet Cesar ‘Buboy’ Montano (LP), baka makalimutan ng MalacaƱang na naging sena torial bet noong 2007 ito. Hindi masisisi ang publiko kung pagdudahang kaalyado ni Mrs. Arroyo ang pambato ng Nacionalista Party (NP) -- si Manny Villar Jr., katulad ang senaryong ‘VILLARROYO alliance’, aba’y wala pang nababalitaan kahit isang kandidato sa local level ang idiniskuwalipika ng Comelec. At ngayo’y humirit pang ga wing ‘dominant minority party’ gayong lantad sa kaalaman ng publiko, puro kaporal ni Mrs. Arroyo ang local bets ni Villar nga yong eleksyon. Ilang buhay na saksi sina Jocjoc Bolante, hindi ba’t ‘manok’ ng NP sa pagka-gobernador ng Capiz at kasama sa ticket si gra duating Governor Vicente Bermejo (tumatakbong Congressman) -- isa sa nakinabang sa fertili zer fund, maging si ex-presidential bet Mike Defensor, ito’y mayo rality bet ni Villar sa Quezon City? Hindi lang iyan, running mate ni ex-Governor Armand Sanchez sa governatorial race ng Batangas ang anak ni Executive Secretary Eduardo Ermita -- si Edwin Ermita. Ibig sabihin, puwedeng magkunwaring oposisyon kahit puro kampon ni Mrs. Arroyo ang ka-jamming ngayong eleksyon. Tandaan: Hangga’t nasa poder si Mrs. Arroyo at hindi sumasapit ang Hunyo 30, mananati ling makapangyarihan ang Pangulo kaya’t walang imposible sa Comelec kapag ginusto ng kanilang amo, maliban kung matatauhan ngayong eleksyon.
Nasaan si Jo ker Arroyo na naunang nagbunyag sa eskandalo ni Villar sa Lower House ng ma talong Speaker, hindi ba’t kakampi nito, maging si Loren Sinta, nagawa pang abandonahin ang mga ‘nakibaka’ sa mga katiwalian ni Gloria -- sina opposition Se nators Ping Lacson, Mar Ro xas, Noynoy Aquino at Jamby Madrigal. Kaya nga ‘hina-hunting’ si Senator Ping upang makaresbak at pagbayarin ang senador sa lahat ng ibinunyag. Sa C-5 road committee report nagrekomendang isoli ni Villar ang P6.2 bil yon, maging sa nangya ring boykot sa hu ling araw ng sesyon, hindi ba’t puro kaalyado ni Mrs. A rroyo ang mastermind kaya’t nada may ang ZTE committee report at fertilizer scandal report? Hindi lang malaking kalokohan kundi isang katarantaduhan kung kikilala ning dominant minority party ng Comelec ang partido ni Villar. Higit sa lahat, kumalas sa NPC si Senador Chiz Escudero kaya’t hindi maaa ring kasangkapanin ang pagiging miyembro ng oposis yon para pala basing anti-Gloria for ces ang bagong koalisyon. At saan nagsimula ang political career ng kaibigang matalik ni Edong A ngara -- si Loren Sinta, partikular ng tumakbong senador noong 1995 elections, hindi ba’t sa partidong Lakas-NUCD? Ngayo’y kabahagi ng administration party, kasama ang Laban ng Demokratikong Pilipino (LDP) ni Angara? Kundi pa kayo makaintindi niyan, ewan na lang! (mgakurimaw.blogspot.com) http://www.abante-tonite.com/issue/feb2310/opinions_spy.htm |
Friday, February 26, 2010
pebrero 23 2010 abante tonite
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment