Kinawawa si Gibo! | |
Rey Marfil | |
Kung local executives ang timbangan sa panalo, ‘di hamak na may bentahe si Gibo Teodoro, malinaw ang suporta ng humigit-kumulang 30 gobernador, pinaka-latest ang 24 mayor at 200 provincial councilors mula sa mga probinsiya ng Davao del Norte, Davao Oriental at Compostela Valley. Kaya’t nakakapagtakang inaangkin ni Manny Villar ang Cebu province gayong deklarado si Gov. Gwendolyn Garcia, sampu ng Visayas bloc -- sina Antique Gov. Sally Perez at Eastern Samar Gov. Ben Evardone, secretary general ng League of Provinces of the Philippines (LPP) kay Gibo. Maging ang ‘northern bloc’ -- sina Ilocos Norte Gov. Michael Keon, Ilocos Sur Gov. Deogracias Victor Savellano, Vice Gov. Jerry Singson, Ilocos Sur Rep. Ronald Singson, ito’y makailang-beses ipinag-press release ng Lakas-Kampi bilang ‘loyal allies’ ng administrasyon. Kahit mababa sa survey, ito’y mananati ling banta sa pambato ng LP! Sa Luzon area, halos 100% hawak ng administrasyon ang local executivers, malinaw ang suporta ni Laguna Gov. Ningning Lazaro kay Gibo, kasama ang dalawampu’t-limang sa tatlumpung incumbent ma yors. Ganito rin ang sitwasyon sa iba pang panig ng Mindanao at sumesegunda lamang ang Liberal Party (LP) ni Noynoy Aquino, kabuntot ang Nacionalista Party (NP) ni Manny Villar, ewan lang kung nakapag-recruit sina Dick Gordon at Jamby Madrigal sa maikling pag-iikot? Sa madaling salita, hindi puwedeng ‘ismolin’ si Gibo, sinuman kina Aquino at Villar, lalo pa’t malawak ang makinarya ng administrasyon. Kalokohan kung basta magpapatalo ang Palasyo, mali ban kung nakapusta kay Villar si Mrs. Arroyo, sampu ng mga kaporal ni Jose Pidal sa Palasyo? Kung meron dapat pag-ingatan si Gibo, hindi ang pinsang si Noynoy, bagkus ang ‘kamandag’ ni Manny, aba’y lalong nagkakamukha ang ‘VILLARROYO alliance’, katulad sa naunang expose ni ex-presidential adviser Lito Banayo. Hindi ba’t mas maraming news report sa government television station si Villar kesa aktibidades ni Gibo, subukan niyong manood ng balita sa NBN channel 4, RPN-9 at IBC-13, aba’y puro campaign sorties ni Villar ang report at pang-tidbits lamang ang soundbite ni Gibo. Nga yong nalalapit na ang Semana Santa, mas makakabuting agahan ni Gibo ang ‘pagninilay’ upang ma bigyang solus yon kung kanino nakapusta ang Malacañang, aba’y sayang ang GALING at TALINO na ipinagmamalaki sa mga TV commercial kung mauuto at maiisahan ito. Mantakin niyo, makaraan ang 24 na taon, simula ng mag-alsa ang taong bayan sa EDSA laban sa diktaturyang Marcos, iisa pa rin ang ‘amo’ ng govern ment station at nakakadismayang makitang naibalik ang ‘press freedom’ subalit kapanalig ng administrasyon ang binibigyan ng espasyo. Kung walang Cory Aquino na tumayo sa EDSA at walang Ninoy Aquino na nagpabaril sa tarmac, hindi pa rin makakalaya ang mga Pinoy sa diktaturyang gobyerno. Kung hindi nasibak si Macoy, posibleng si Bongbong ang nagmana ng trono, aba’y matindi ang obsession maging Pangulo. Mantakin niyo, hindi pa nananalong senador at pinag-aawayan kung matutuloy ang automation nga yong Mayo, maagang pinuntirya ang pagiging Pangulo, eh napaka layo ng 2016 upang pag-usapan ang presidential bid nito. Ni sa panaginip, ayo kong isiping ginagamit nga yon ng Malacañang ang lahat ng government station upang pabanguhin ang kandidatura ni Villar na inakusahang land grabber ng Dumagat farmers at ipinapasoli ang P6.2 bil yon sa C-5 road scam habang sisinghap-singhap ang media coverage kay Gibo. (mgakurimaw.blogspot.com) http://www.abante-tonite.com/issue/feb2510/opinions_spy.htm |
Friday, February 26, 2010
pebrero 25 2010 abante tonite
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment