Wednesday, February 10, 2010

pebrero 10 2010 abante tonite

‘Di nagsisinungaling ang ebidensya (Part 1)!

Sa natitikmang harassment ni opposition Senator Panfilo ‘Ping’ Lacson, hayaang ebidensya ang ‘magsalita’. Ika nga ni Gus Abelgus, hindi nagsisinungaling ang ebidensya, iyon nga lang, puwedeng pa­ kialaman ang ebidensya.

Narito ang panayam ng Kartada Escalera sa dzXL radio (Pebrero 6, Sabado, alas-11:20 ng umaga) kay ex-presidential adviser Angelito ‘Lito’ Banayo -- da­ting political strategist, campaign manager at spokesman ni Lacson.
Escalera Boys: Meron daw alliance ang Malacañang at si Villar para idiin si Senator Lacson?

Banayo: Pagdikit-dikitin mo ang nangyari at ang mga timing ng mga pangyayari. Unang-una, alam natin na, sino ba ang may malaking issue kontra either sa gobyerno o kaya kay Manny Villar? E laging may ginagamit silang issue na pampatay-sunog.

Ang nangyari nga rito, nang pumutok ang C-5 dahil sa report ni Senate President Juan Ponce Enrile at ng Committee of the Whole, maliban sa kanilang pag-stonewall, big­la itong sa DOJ, biglang inilabas at pagkatapos after a few weeks, may warrant of arrest na. So, ang nakikita ko rito kasi, talagang may sabwatan si Manny Villar at gobyernong Arroyo. Ang secret candidate ni PGMA ay walang iba kundi si Manny Villar.

Escalera Boys: Paano mo nasabi ‘yan?
Banayo: Maraming nang­yari in the past. Natatandaan mo noong sana ihe-hear ng Committee on Ethics ang C-5 noong May last year, ‘yan ang panahon na si Pacquiao lumaban at tinalo si Cotto? Wala rito si GMA noon, lumipad papuntang Egypt at Syria.

Alam ko for a fact, si Manny Villar at asawang si Cynthia lumipad papuntang Spain at about the same time, he never denied that when we brought that out. Pinalabas ni Jamby Madrigal at ‘di nila tinanggi ‘yan. Talaga namang ha­napin natin, halukayin ang flight manifest na talagang nagpunta sila sa Spain.

At sa Spain, may isang malaking negosyante na crony ni Mrs. Arroyo na ina­ayos na magkita sila, magkausap sa malayong lugar, para ‘di lang matsismis dito sa atin. Unfortunately, dahil binulgar natin ito, in fact, sinulat ko pa ito, nasulat ko noong matapos magsalita si Sen. Jamby, ‘di natuloy ‘yan.

Pero alam ko na na­tuloy uli after a few months, natuloy ito sa Hong Kong. At pagkatapos, sinundan pa ng iba’t ibang meeting ng tauhan nila dito sa Manila. Malinaw na malinaw din sa aming paglilibot, for instance, sino ba nag-host sa pagpunta nina Manny Villar sa Dipolog? Asawa ng Exe­cutive Secretary mismo.
Escalera Boys: Si Sec. Ermita?

Banayo: ‘Yan ang sinabi sa akin, taga-Dipolog, ang asawa ni Sec. Ermita. Eh bakit eh meron silang kandidato, si Gilbert Teodoro? So ang dami nito. Naglibot sa Pilipinas, ngayon, kagaga­ling ko lang sa Iloilo. Halos lahat ng Lakas-Kampi na congressman sa Iloilo, ang dina­dala si Manny Villar, ‘di si Teodoro.

Naroon ako sa Bohol noong 1 linggo dahil nag-lecture sa PCIJ, ang Lakas-Kampi na kandidato lahat, binubulong sa kanila na mga ma­yor at leaders, walang iba kundi si Manny Villar at ‘di si Teodoro. Naawa nga ako sa kaibigan kong si Gilbert dahil asang-asa na siya ang kandidato ng administrasyon ,‘yun pala nasalisihan na siya. So dito, nakikita ang sabwatan na ito, dahil talagang desperate si Villar maging pangulo ng Pilipinas, pati ang DOJ ginagamit ngayon.

Una sa pagsampa ng kaso na walang batayan. At pangalawa ito, biglang may warrant of arrest samantalang wala pang judicial determination of probable cause sa kaso ni Sen. Ping dahil si Sen. Ping, malinaw na ‘di naman ‘yan kailanman kakampi kay Villar. ‘Di ‘yan kailanman makikihalo o makikisama kay PGMA. So, malinaw na malinaw na tinarget si Sen. Ping dahil talagang maglilibot si Sen. Ping para ikampanya si Noynoy at si Mar. So, nakita mo ang kulay ng pulitika sa lahat ng ginagawa ng itong kasalukuyang rehimen.

Note: Abangan ang karugtong sa Huwebes. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

http://www.abante-tonite.com/issue/feb0910/opinions_spy.htm


No comments: