Friday, February 26, 2010

pebrero 22 2010 abante tonite

Magkarelasyong solon, conjugal partners sa party

(Rey Marfil)

Katulad ng kasabihang ‘sa bibig nahuhuli ang isda’ at ‘walang bahong hindi nabubunyag’, mismong magkarelasyong solon ang nagbisto kung anong meron ang bawat isa, partikular ang matagal ng isyung merong “conjugal partnership” na pinapairal ang mga ito.


Nasaksihan ng TONITE Spy nang mabisto ang “conjugal partnership” ng magkarelasyong solon matapos mag-sponsor ng party ang primadonang lady solon sa isang kilalang five star hotel sa Makati City.

Inimbitahan ng primadonang lady solon ang mga dayuhang mediamen, as in foreign press sa isang party bilang pasasalamat sa maganda at maayos na relasyon, kalakip ang pa-raffle at pagbibigay ng gift items.

Ang nakakatawang eksena lamang, naburyong ang mga foreign media sa kahihintay sa primandonang lady solon, as in namuti ang mga mata subalit hindi mahanap o mahagilap ang ipinareserbang kuwarto na pagradausan ng party.

Halos isang oras sa kahihintay ang ilang miyembro ng foreign press sa lobby ng hotel, partikular ang mga maagang dumating sa venue dahil hindi mahanap ang kuwartong ipinareserba ng primadonang lady solon.

Lahat ng VIP room, ito’y isa-isang ipinagtanong ng mga foreign media sa front desk o reception subalit walang pangalan ng primadonang lady solon ang nagpa-reserve o sinumang staff, katulad ng media handler nito.

Sa tagal ng paghihintay, dumating din ang staff ng primadonang lady solon at naibsan ang pangamba ng mga miyembro ng foreign press nang malamang naatrasado ang host dahil ma-traffic.

Ang nakakagulat sa lahat, ibang pangalan ang naka-reserve sa hotel at mas lalong nabuo ang imahinasyon ng mga foreign media na malalim ang relasyon ng dalawang solon. Ang rason, pangalan ng karelasyong solon ang nakareserba sa hotel bilang venue ng party kaya’t hindi mahanap ng mga foreign media.

Sa puntong ito, mas nakumpirma ng mga mediamen ang matagal ng alingasngas na palihim nagsasama ang dalawang solon, patunay ang conjugal partnership, mapa-staff at pagpapa-reserve sa mga pagdarausan ng party at meeting.

Makailang beses naispatang magka-date ang dalawang solon at paulit-ulit ding napabalitang nagtatampisaw sa kasalanan dahil legal pang nakikisama ang matandang solon sa kanyang misis subalit walang katapusan ang pagtanggi at deny to death.

Clue: Saksakan ng plastic ang primadonang lady solon habang mahilig sa mestisahing staff ang matandang solon. Kung senador o kongresista, ito’y parehong may letrang ‘A’ sa pangalan at apelyido, as in Ang hilig sa matandang karelasyon at Ang hirap ng buhay. (mgakurimaw.blogspot.com)


http://www.abante-tonite.com/issue/feb2210/hulaan_blues.htm



No comments: