Friday, February 19, 2010

pebero 19 2010 abante




KARTADA 5
Solon ‘nagmulto’ sa poster

Sa hangaring matulungan ang kapamilyang tumatakbo sa isang mataas na posisyon, nagmukhang ‘multo’ sa campaign poster ang isang miyembro ng Kongreso.

Halos maglupasay sa katatawa si Mang Teban matapos makitang ‘nag-aparisyon’ sa campaign poster ng isang kapamilya ang pagmumukha ng mambabatas, kalakip ang hangaring makakuha ng ‘name recall’.

Bagama’t hindi nag-iisa ang anak sa hanay ng mga pulitiko na sinasamantala ang ‘name recall’ para masungkit ang inaambisyong posisyon sa pamahalaan, nakakatawa ang kuha ng dalawa dahil pangkuwadro ang porma.
Nagmistulang 2x2 picture na idinidikit sa identification card ang pagkakagawa sa campaign poster ng dalawa, animo’y pinaalala sa publiko kung ano ang magiging hitsura ng batang pulitiko kapag tumanda at lalo pang nakadagdag sa katatawanan ang kulay dahil black and white.
Ang nakakatawa sa lahat, mistulang commercial ng safeguard ang porma ng matandang pulitiko sa campaign poster, as in nagmukhang ‘Ako ang iyong konsensiya’ ang drama nito.
Pintahan n’yo na: Makikilala lamang ang batang pulitiko kapag nakasalubong dahil nakapinta ang pangalan sa likod. Ito’y merong letrang “B” sa apelyido, as in batang itinulak ng magulang sa pulitika. Kung senador o kongresista, ipagtanong sa parking boy ang bayaw nito.

No comments: