Sadyang matindi ang insecurity ng isang lady solon matapos paghubarin ng t-shirt o damit ang isang male reporter sa rally na dinaluhan nito. Sa isang campaign sortie, hindi sukat akalain ni Mang Teban na seryoso ang kampo ng primadonang lady solon matapos pakiusapan ang isang male reporter mula sa pang-umagang pahayagan na magpalit ng damit.
Ang rason, naka-yellow t-shirt ang male reporter at kontra sa campaign color ng partidong sinamahan ng lady solon kaya pinag-initan ang kasuotan nito.
Bagama’t hindi personal na kinausap ng primadonang lady solon ang male reporter, inunahan ng media handler ang posibleng aksyon ng kanyang amo kung saan mapapagalitan ang mga ito kapag may ibang kulay ng damit na makikita sa entablado.
Napag-alamang merong standing order ang primadonang lady solon sa lahat ng mga tauhan na huwag magsusuot ng yellow t-shirt sa kampanya.
Para hindi mapahamak ang media handler at hindi matalakan ng primadonang lady solon, napilitan ang male reporter na lumayo sa entablado o stage kesa magpalit ng damit dahil malayo ang hotel na tinutuluyan ng mga ito.
Pintahan n’yo na: Nakasemento ang ngiti ng lady solon na ito. Kung senadora o congresswoman, ito’y merong letrang ‘A’ sa kanyang pangalan.
http://www.abante.com.ph/issue/feb2610/kartada5.htm
|
No comments:
Post a Comment