Sa hangaring masungkit ang suporta ng isa sa malaking religious group ngayong May 10 election, kamuntikan magka-flash flood sa pinagdausan ng malaking prayer rally matapos bumaha ng luha at mag-iiyak ang isang never heard senatoriable. Sa halip kaawaan, halos maglupasay sa katatawa ang mga kurimaw, sa pangunguna ng Tonite Spy habang pinapanood ng live sa telebisyon ang pagda-drama ng never heard senatoriable dahil walang binatbat sina Coco Martin at Piolo Pascual kung umarte ang kumag.
Bago nag-drama ang never heard senatoriable, unang pinagsalita sa prayer rally ang lahat ng mga bisitang presidentiables at vice presidentiables kung saan isa-isang gumawa ng gimik upang mahikayat ang mga ‘prayer warriors’ suportahan ang kandidatura ng mga ito.
Sa puntong ito, kaagad nag-drama sa entablado ang never heard senatoriable, sa pamamagitan ng pagkukuwento tungkol sa kahirapang dinanas bago naabot ang magandang buhay at ipinagmalaki pang matuwid gayong makailang-beses nasabit sa eskandalo ang kumag.
Maliban dito, hindi simpleng pagluha ang ginawa ng never heard senatoriable kundi rumaragasa sa magkabilang mata ang mga luha, as in kulang na lamang maglupasay sa baldosa ang kumag, katulad ng isang batang inagawan ng laruan.
Ang pinaka-classic sa lahat, pagkatapos mag-iiyak at mag-drama sa entablado, sinabayan ng pagkaway sa audience ang talumpati, sabay paghingi ng suporta ngayong May 10 election.
Clue: Kahit homeowners association, walang kakayahang manalo ang never heard senatoriable at mismong ka-opisina hindi s’ya iboboto dahil saksakan ng corrupt at walang puso sa mga empleyado kung saan kasing-tunong ng mga pasyente sa mental ang given name at meron letrang “L” sa kabuuan ng pangalan at apelyido, as in Lambada Boy. (mgakurimaw.blogspot.com)
http://www.abante-tonite.com/issue/feb0310/hulaan_blues.htm
|
No comments:
Post a Comment