Sa hangaring tumagal sa kapangyarihan at patuloy pagkakitaan ang ahensyang matagal nang gatasan, namudmod ng mamahaling relos ang isang kampon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Sa impormasyong nakalap ng Tonite Spy, namakyaw ng expensive watch si Palace official, hindi para gawing collector items kundi ipamudmod sa mga taong nililigawan ng suporta. Sa simpleng explanation, namili ng sangkatutak na mamahaling relos si Palace boy upang ipang-areglo, as in padulas sa mga mambabatas na hinihingan ng suportang may kinalaman sa isang itinutulak na panukalang batas. Hindi ordinaryong relos, katulad ng Casio o kaya’y Timex ang pinakyaw ni Palace boy para ipang-areglo sa mga mambabatas kundi tatak-Philippe Patek at Rolex. Maliban sa mamahaling relos na ipinagsuhol sa ilang mambabatas na kontra sa proposed measures para magbago ang posisyon nito, nagpakawala rin ng limpak-limpak na salapi ang kumag. Milyones ang inilabas ni Palace boy sa media blitz o propaganda kung saan hangaring maghari ng matagal sa ahensiya, kabilang ang pag-arkila ng ilang PR group upang itulak ang proposed bill na pumapabor sa interes nito. Dahil marunong ang nasa Itaas at hindi nanaig ang kasamaan laban sa kabutihan, nasayang lamang ang multi-milyon pisong ipinambili ng mamahaling relos ni Palace boy dahil nadisgrasya ang proposed bill at nadamay sa pag-inarte ng isang grupo ng mambabatas. Clue: Unang naispatang namakyaw ng Rolex sa isang jewelry shop si Palace boy kasama ang dalawang kapatid na binilhan din ng tig-isang relos at cash ang ibinayad. Kung sino si Palace boy, ito’y meron letrang ‘M’ sa kabubuan ng pangalan at apelyido, as in Mala-Diomedes Maturan ang arrive. (mgakurimaw.blogspot.com)
http://www.abante-tonite.com/issue/feb1010/hulaan_blues.htm
|
No comments:
Post a Comment