Saturday, February 20, 2010

pebrero 19 2010 abante tonite

Primadonang lady solon at PR man, nag-away sa P50M

(Rey Marfil)

Dahil ‘mahirap ituwid ang matandang sanga’, tuluyang nagkahiwalay ng landas ang dating ‘partner in crimes’ matapos pag-awayan ng primadonang lady solon at PR man ang P50 milyon.

Sa report na nakalap ng TONITE Spy, humirit ng paunang P50 milyong pondo si PR man upang ipantustos sa buong media operation ng solon bilang bahagi ng propaganda, kabilang ang demolition job laban sa mga katunggali nito.

Sa sobrang laki ng pondong hinihingi ni PR man, nagduda ang kapatid ng primadonang lady solon kung kaya’t pinalagan ang pag-release ng alokasyon at kinuwestyon ang paggagamitan nito.

Maraming alingasngas tungkol sa pagkatao ni PR man, katulad ang alegasyong ‘ibinibenta’ ang mga kaibigang mediamen, as in pinagkakitaan sa mga nagiging kliyente kaya’t nagduda ang utol ng primadonang lady solon kung para kanino ang pondo at kung makakarating sa paroroonan ang hinihi nging pera nito.

Hindi nagustuhan ni PR man ang pagkuwestyon sa pondo kaya’t nauwi sa murahan o pagpapalitan ng maaanghang na pananalita sa pagitan nito at ng utol ng primadonang lady solon.

Umabot sa kaalaman ng primadonang lady solon ang away sa pagitan ni PR man at ng kanyang kapatid kaya’t napilitang kampihan ang kamag-anak, gamit ang depensang wala ding mailabas na pondo ang mokong.

Kabaliktaran sa ina asahan, sinibak ng primadonang lady solon si PR man gayong sa mahabang panahon ito’y untouchable at hindi magawang pagalitan kahit nagkakandasablay-sablay sa media operation.

Nang magkahiwalay ang dalawa, lalo pang nabisto kung gaano ka-primadona ang lady solon dahil mismong PR man ang nagpapakalat ng mga paninira laban sa dating amo, katulad ang alegasyong masama ang pag-uugali ng bebot.

Inakusahan ni PR man sa harap ng mga kaibigang mediamen na walang kuwentang amo ang primadonang lady solon at walang utang na loob kaya nakakatawang isipin na ganito rin ang pakalat ng mambabatas laban dito.

Clue: Walang tatalo sa primadonang lady solon kung pagiging plastic ang topic. Ito’y meron letrang ‘A’ sa kabuuan ng pangalan at apelyido, as in Ang hilig sa matandang karelasyon habang letrang kapital ‘W’ ang PR man, as in Walang utang na loob at takot sa karayom. (mgakurimaw.blogspot.com)


http://www.abante-tonite.com/issue/feb2010/hulaan.htm

No comments: