Friday, February 26, 2010

pebrero 20 2010 abante tonite

Primadonang lady solon at PR man, nag-away sa P50M

(Rey Marfil)

Dahil ‘mahirap ituwid ang matandang sanga’, tuluyang nagkahiwalay ng landas ang dating ‘partner in crimes’ matapos pag-awayan ng primadonang lady solon at PR man ang P50 milyon.


Sa report na nakalap ng TONITE Spy, humirit ng paunang P50 milyong pondo si PR man upang ipantustos sa buong media operation ng solon bilang bahagi ng propaganda, kabilang ang demolition job laban sa mga katunggali nito.

Sa sobrang laki ng pondong hinihingi ni PR man, nagduda ang kapatid ng primadonang lady solon kung kaya’t pinalagan ang pag-release ng alokasyon at kinuwestyon ang paggagamitan nito.

Maraming alingasngas tungkol sa pagkatao ni PR man, katulad ang alegasyong ‘ibinibenta’ ang mga kaibigang mediamen, as in pinagkakitaan sa mga nagiging kliyente kaya’t nagduda ang utol ng primadonang lady solon kung para kanino ang pondo at kung makakarating sa paroroonan ang hinihi nging pera nito.

Hindi nagustuhan ni PR man ang pagkuwestyon sa pondo kaya’t nauwi sa murahan o pagpapalitan ng maaanghang na pananalita sa pagitan nito at ng utol ng primadonang lady solon.

Umabot sa kaalaman ng primadonang lady solon ang away sa pagitan ni PR man at ng kanyang kapatid kaya’t napilitang kampihan ang kamag-anak, gamit ang depensang wala ding mailabas na pondo ang mokong.

Kabaliktaran sa ina asahan, sinibak ng primadonang lady solon si PR man gayong sa mahabang panahon ito’y untouchable at hindi magawang pagalitan kahit nagkakandasablay-sablay sa media operation.

Nang magkahiwalay ang dalawa, lalo pang nabisto kung gaano ka-primadona ang lady solon dahil mismong PR man ang nagpapakalat ng mga paninira laban sa dating amo, katulad ang alegasyong masama ang pag-uugali ng bebot.

Inakusahan ni PR man sa harap ng mga kaibigang mediamen na walang kuwentang amo ang primadonang lady solon at walang utang na loob kaya nakakatawang isipin na ganito rin ang pakalat ng mambabatas laban dito.

Clue: Walang tatalo sa primadonang lady solon kung pagiging plastic ang topic. Ito’y meron letrang ‘A’ sa kabuuan ng pangalan at apelyido, as in Ang hilig sa matandang karelasyon habang letrang kapital ‘W’ ang PR man, as in Walang utang na loob at takot sa karayom. (mgakurimaw.blogspot.com)


http://www.abante-tonite.com/issue/feb2010/hulaan.htm

pebrero 22 2010 abante tonite

Magkarelasyong solon, conjugal partners sa party

(Rey Marfil)

Katulad ng kasabihang ‘sa bibig nahuhuli ang isda’ at ‘walang bahong hindi nabubunyag’, mismong magkarelasyong solon ang nagbisto kung anong meron ang bawat isa, partikular ang matagal ng isyung merong “conjugal partnership” na pinapairal ang mga ito.


Nasaksihan ng TONITE Spy nang mabisto ang “conjugal partnership” ng magkarelasyong solon matapos mag-sponsor ng party ang primadonang lady solon sa isang kilalang five star hotel sa Makati City.

Inimbitahan ng primadonang lady solon ang mga dayuhang mediamen, as in foreign press sa isang party bilang pasasalamat sa maganda at maayos na relasyon, kalakip ang pa-raffle at pagbibigay ng gift items.

Ang nakakatawang eksena lamang, naburyong ang mga foreign media sa kahihintay sa primandonang lady solon, as in namuti ang mga mata subalit hindi mahanap o mahagilap ang ipinareserbang kuwarto na pagradausan ng party.

Halos isang oras sa kahihintay ang ilang miyembro ng foreign press sa lobby ng hotel, partikular ang mga maagang dumating sa venue dahil hindi mahanap ang kuwartong ipinareserba ng primadonang lady solon.

Lahat ng VIP room, ito’y isa-isang ipinagtanong ng mga foreign media sa front desk o reception subalit walang pangalan ng primadonang lady solon ang nagpa-reserve o sinumang staff, katulad ng media handler nito.

Sa tagal ng paghihintay, dumating din ang staff ng primadonang lady solon at naibsan ang pangamba ng mga miyembro ng foreign press nang malamang naatrasado ang host dahil ma-traffic.

Ang nakakagulat sa lahat, ibang pangalan ang naka-reserve sa hotel at mas lalong nabuo ang imahinasyon ng mga foreign media na malalim ang relasyon ng dalawang solon. Ang rason, pangalan ng karelasyong solon ang nakareserba sa hotel bilang venue ng party kaya’t hindi mahanap ng mga foreign media.

Sa puntong ito, mas nakumpirma ng mga mediamen ang matagal ng alingasngas na palihim nagsasama ang dalawang solon, patunay ang conjugal partnership, mapa-staff at pagpapa-reserve sa mga pagdarausan ng party at meeting.

Makailang beses naispatang magka-date ang dalawang solon at paulit-ulit ding napabalitang nagtatampisaw sa kasalanan dahil legal pang nakikisama ang matandang solon sa kanyang misis subalit walang katapusan ang pagtanggi at deny to death.

Clue: Saksakan ng plastic ang primadonang lady solon habang mahilig sa mestisahing staff ang matandang solon. Kung senador o kongresista, ito’y parehong may letrang ‘A’ sa pangalan at apelyido, as in Ang hilig sa matandang karelasyon at Ang hirap ng buhay. (mgakurimaw.blogspot.com)


http://www.abante-tonite.com/issue/feb2210/hulaan_blues.htm



pebrero 23 2010 abante tonite

Konting delicadeza naman!
Rey Marfil


Nagkataon o sinadya, nakakapagtakang puro taga-Liberal Party (LP) ang nasi sibak at dinidiskuwalipika ni Lolo Jose, as in Comelec chairman Jose Melo, aba’y pagkatapos pag-initan sina Bulacan Gov. Jun-Jun Mendoza, Isabela Gov. Grace Padaca at Pampanga Gov. Among Ed Panlilio, dalawa pang pambato nina Noynoy Aquino at Mar Ro xas ang magkasunod idinis kuwalipika ng Comelec -- sina Ri­chard Gomez (Ormoc) at Cong. Baham Mitra.
Never mind si Papa Baham, ito’y napatunayang residente sa kabilang ibayo kaya’t walang karapatang tumakbong gobernador pero nakakagulat ang kaso ni Goma -- ito’y walang pinag-iba sa maraming kampon ni Mrs. Arroyo na naglipatan ng bahay para tumakbong congressman subalit hindi naman sinisibak ng Comelec. Kaya’t mag-ingat si Bohol governatorial bet Cesar ‘Buboy’ Montano (LP), baka makalimutan ng Malacañang na naging sena torial bet noong 2007 ito.

Hindi masisisi ang publiko kung pagdudahang kaalyado ni Mrs. Arroyo ang pambato ng Nacionalista Party (NP) -- si Manny Villar Jr., katulad ang senaryong ‘VILLARROYO alliance’, aba’y wala pang nababalitaan kahit isang kandidato sa local level ang idiniskuwalipika ng Comelec. At ngayo’y humirit pang ga wing ‘domi­nant minority party’ gayong lantad sa kaalaman ng publiko, puro kaporal ni Mrs. Arroyo ang local bets ni Villar nga yong eleksyon.
Ilang buhay na saksi sina Jocjoc Bolante, hindi ba’t ‘manok’ ng NP sa pagka-gobernador ng Capiz at kasama sa tic­ket si gra duating Governor Vicente Bermejo (tumatakbong Congressman) -- isa sa nakinabang sa fertili zer fund, maging si ex-presidential bet Mike Defensor, ito’y mayo rality bet ni Villar sa Quezon City?
Hindi lang iyan, running mate ni ex-Governor Armand Sanchez sa governatorial race ng Batangas ang anak ni Executive Secre­tary Eduardo Ermita -- si Edwin Ermita.
***
Napag-uusapan ang NP, huwag ikagulat kung mawala sa kamay ng Liberal Party (LP) ang pagiging ‘domi nant minority party’ kahit kilalang oposisyunista at pangalawa sa partidong merong pinakamara ming miyembro, aba’y nauuso ngayon ang ‘undercoa ted’, mapa-mani o chocolate.
Ibig sabihin, puwedeng magkunwaring oposisyon kahit puro kampon ni Mrs. Arroyo ang ka-jamming ngayong eleksyon. Tandaan: Hangga’t nasa poder si Mrs. Arroyo at hindi sumasapit ang Hunyo 30, mananati ling makapangyarihan ang Pangulo kaya’t walang imposible sa Comelec kapag ginusto ng kanilang amo, maliban kung matatauhan ngayong eleksyon.

Mantakin niyo, nag-apply pang dominant mino rity party ang Nacionalista Party-Nationalist Peoples Coalition (NP-NPC coalition) ga yong malinaw ang ebidensiya sa Lower House -- ito’y kasapi ng administration coalition, isang patunay si Cong. Boying Remulla, ngayo’y spokesman ni Villar. Sa Upper House, hindi kailangan ni Lolo Jose ng ‘SOCO opera tives’ para patunayang kaal yado ni Mrs. Arroyo si Villar, subukang lumingon sa session hall at basahin ang campaign materials ni Villar, ‘hindi nagsisinungaling ang ebidensiya’, hindi ba’t guest candidate ng NP-NPC sina Senador Lito Lapid, Bong Revilla, Pia Cayetano at Miriam Defensor-Santiago?
Nasaan si Jo ker Arroyo na naunang nagbunyag sa eskandalo ni Villar sa Lower House ng ma talong Speaker, hindi ba’t kakampi nito, maging si Loren Sinta, nagawa pang abandonahin ang mga ‘nakibaka’ sa mga katiwalian ni Gloria -- sina opposition Se nators Ping Lacson, Mar Ro xas, Noynoy Aquino at Jamby Madrigal. Kaya nga ‘hina-hunting’ si Senator Ping upang makaresbak at pagbayarin ang senador sa lahat ng ibinunyag.

Sa C-5 road committee report nagrekomendang isoli ni Villar ang P6.2 bil yon, ma­ging sa nangya ring boykot sa hu ling araw ng sesyon, hindi ba’t puro kaalyado ni Mrs. A rroyo ang mastermind kaya’t nada may ang ZTE committee report at fertilizer scandal report? Hindi lang malaking kalokohan kundi isang katarantaduhan kung kikilala ning dominant minority party ng Comelec ang partido ni Villar.
Higit sa lahat, kumalas sa NPC si Senador Chiz Escudero kaya’t hindi maaa ring kasangkapanin ang pagiging miyembro ng oposis yon para pala basing anti-Gloria for ces ang bagong koalisyon. At saan nagsimula ang political career ng kaibigang matalik ni Edong A ngara -- si Loren Sinta, partikular ng tumakbong senador noong 1995 elections, hindi ba’t sa partidong Lakas-NUCD? Ngayo’y kabahagi ng administration party, kasama ang Laban ng Demokratikong Pilipino (LDP) ni Angara? Kundi pa kayo makaintindi niyan, ewan na lang! (mgakurimaw.blogspot.com)

http://www.abante-tonite.com/issue/feb2310/opinions_spy.htm

pebrero 24 2010 abante tonite

Ambisyosong pulitiko, ubos-oras sa videoke

(Rey Marfil)

Sa halip ituon sa pa ngangampanya ang buong oras para mai- angat ang naghihingalong popularidad, ka tulad ang pakikipag-kamay sa mga botante, mas marami pang panahon sa videoke ang isang ambis yosong pulitiko sa campaign sorties.


Nasaksihan ng Tonite Spy kung paano mag-ubos ng oras sa pag-vi deoke o pagkanta ang ambisyosong pulitiko kahit sa panahon ng kampanya, patunay ang pagkulong sa ‘special room’ upang bumirit ng folk songs, as in mag-sing along.

Kung meron adik sa droga, wala namang ta talo sa ambisyosong pulitiko bilang pinaka-adik sa pagkanta dahil ayaw bitawan ang mikropono kapag nasimulang hawakan, mapa-sing along bar o kaya’y family day sa kanilang bahay.

Ang nakakatawa lamang, kahit campaign sorties, hindi pinapalagpas ng ambisyosong pulitiko ang pagkakataong kumanta kahit natutulig ang lahat ng tauhan sa kanyang boses at iritang-irita sa pakikinig ng kanyang kanta.

Kapag busy sa kadadal dal sa entablado o kampanya ang kasamahan upang maka-engganyo ng botante, katulad ang pag lalahad ng mga plata porma habang sakay ng ‘convertible truck’, umi-escape ang ambisyosong pulitiko para mag-videoke.

Habang daldal ng daldal sa ‘convertible truck’ ang kasamahang pulitiko, umaatungal sa kakakanta ang ambisyosong pulitiko sa ipinagawang ‘special room’ na kinabitan ng videoke nito.

Sa araw-araw na ginawa ng Lumikha, iisa ang rou tine ng ambisyosong pulitiko, ito’y walang ti gil sa kakanta kapag aba la ang kasamahan sa pa ngangampanya at halos ma-memorized ang mga na kalistang kanta sa song book.

Kapag tinapos ng ambisyosong pulitiko ang natitirang 70 araw pang kampanya, hindi malayong ma-perfect ang lyrics ng mga nakalista sa song book dahil paulit-ulit ang mga ikinakanta, maging ang pagkumpas at pag-indak.

Clue: Hindi kuwes tyon ang husay ng ambisyosong pulitiko kung implementasyon ng batas ang isyu subalit maraming naka-away dahil may pagka-bastos at walang modo. Ito’y meron letrang ‘A’ sa pangalan at apelyido, as in Ang Angas sa kalye. (mgakurimaw.blogspot.com)

http://www.abante-tonite.com/issue/feb2410/hulaan_blues.htm


pebrero 25 2010 abante tonite

Kinawawa si Gibo!
Rey Marfil


Kung local executives ang timbangan sa panalo, ‘di hamak na may bentahe si Gibo Teodoro, malinaw ang suporta ng humigit-kumulang 30 gobernador, pinaka-latest ang 24 mayor at 200 provincial councilors mula sa mga probinsiya ng Davao del Norte, Davao Oriental at Compostela Valley. Kaya’t nakakapagtakang inaangkin ni Manny Villar ang Cebu province gayong deklarado si Gov. Gwendolyn Garcia, sampu ng Visayas bloc -- sina Antique Gov. Sally Perez at Eastern Samar Gov. Ben Evardone, secretary general ng League of Provinces of the Philippines (LPP) kay Gibo.
Maging ang ‘northern bloc’ -- sina Ilocos Norte Gov. Michael Keon, Ilocos Sur Gov. Deogracias Victor Savellano, Vice Gov. Jerry Singson, Ilocos Sur Rep. Ronald Singson, ito’y makailang-beses ipinag-press release ng Lakas-Kampi bilang ‘loyal allies’ ng administrasyon. Kahit mababa sa survey, ito’y mananati ling banta sa pambato ng LP!

Sa Luzon area, halos 100% hawak ng administrasyon ang local executivers, malinaw ang suporta ni Laguna Gov. Ningning Lazaro kay Gibo, kasama ang dala­wampu’t-limang sa tatlumpung incumbent ma yors. Ganito rin ang sitwasyon sa iba pang panig ng Mindanao at sumesegunda lamang ang Liberal Party (LP) ni Noynoy Aquino, kabuntot ang Nacionalista Party (NP) ni Manny Villar, ewan lang kung nakapag-recruit sina Dick Gordon at Jamby Madrigal sa maikling pag-iikot?
Sa madaling salita, hindi puwedeng ‘ismolin’ si Gibo, sinuman kina Aquino at Villar, lalo pa’t malawak ang makinarya ng administrasyon. Kalokohan kung basta magpapatalo ang Palasyo, mali ban kung nakapusta kay Villar si Mrs. Arroyo, sampu ng mga kaporal ni Jose Pidal sa Palasyo? Kung meron dapat pag-ingatan si Gibo, hindi ang pinsang si Noynoy, bagkus ang ‘kamandag’ ni Manny, aba’y lalong nagkakamukha ang ‘VILLARROYO alliance’, katulad sa naunang expose ni ex-presidential adviser Lito Banayo.
Hindi ba’t mas maraming news report sa government television station si Villar kesa aktibidades ni Gibo, subukan niyong manood ng balita sa NBN channel 4, RPN-9 at IBC-13, aba’y puro campaign sorties ni Villar ang report at pang-tidbits lamang ang soundbite ni Gibo. Nga yong nalalapit na ang Semana Santa, mas makakabuting agahan ni Gibo ang ‘pagninilay’ upang ma bigyang solus yon kung kanino nakapusta ang Malacañang, aba’y sayang ang GALING at TALINO na ipinagmamalaki sa mga TV commercial kung mauuto at maiisahan ito.
***
Napag-uusapan ang go vernment TV station, ilan sa ebidensiyang dapat suriin ni Gibo ang ‘all out coverage’, as in ‘full force’ ang management ng channel 4, channel 9 at channel 13 sa ‘Villar-Legarda tandem’ gayong kahit isang sequestered TV station o alinman sa radio station na pagmamay-ari ng gobyerno ang nagko-cover sa Noynoy-Mar ticket. Ang malungkot, hindi man lamang isinaalang-alang ni newly appointed Press Secretary Jun Icban ang demokrasyang ipi naglaban ni dating Pangulong Corazon Aquino.
Mantakin niyo, makaraan ang 24 na taon, simula ng mag-alsa ang taong bayan sa EDSA laban sa diktaturyang Marcos, iisa pa rin ang ‘amo’ ng govern ment station at nakakadismayang makitang naibalik ang ‘press freedom’ subalit kapanalig ng administrasyon ang binibigyan ng espasyo.

Kung walang Cory Aquino na tumayo sa EDSA at walang Ninoy Aquino na nagpabaril sa tarmac, hindi pa rin makakalaya ang mga Pinoy sa diktaturyang gobyerno. Kung hindi nasibak si Macoy, posibleng si Bongbong ang nagmana ng trono, aba’y matindi ang obsession maging Pangulo. Mantakin niyo, hindi pa nananalong senador at pinag-aawayan kung matutuloy ang automation nga yong Mayo, maagang pinuntirya ang pagiging Pangulo, eh napaka layo ng 2016 upang pag-usapan ang presidential bid nito.

Ni sa panaginip, ayo kong isiping ginagamit nga yon ng Malacañang ang lahat ng government station upang pabanguhin ang kandidatura ni Villar na inakusahang land grabber ng Dumagat farmers at ipinapasoli ang P6.2 bil yon sa C-5 road scam habang sisinghap-singhap ang media coverage kay Gibo. (mgakurimaw.blogspot.com)


http://www.abante-tonite.com/issue/feb2510/opinions_spy.htm

pebrero 26 2010 abante tonite

Reporter, pinaghubad ng t-shirt sa rally ng lady solon

Sadyang matindi ang insecurity ng isang lady solon matapos paghubarin ng t-shirt o damit ang isang male reporter sa rally na dinaluhan nito.


Sa isang campaign sortie, hindi sukat akalain ni Mang Teban na seryoso ang kampo ng primadonang lady solon matapos pakiusapan ang isang male reporter mula sa pang-umagang pahayagan na magpalit ng damit.


Ang rason, naka-yellow t-shirt ang male reporter at kontra sa campaign color ng partidong sinamahan ng lady solon kaya pinag-initan ang kasuotan nito.


Bagama’t hindi personal na kinausap ng primadonang lady solon ang male reporter, inunahan ng media handler ang posibleng aksyon ng kanyang amo kung saan mapapagalitan ang mga ito kapag may ibang kulay ng damit na makikita sa entablado.


Napag-alamang merong standing order ang primadonang lady solon sa lahat ng mga tauhan na huwag magsusuot ng yellow t-shirt sa kampanya.


Para hindi mapahamak ang media handler at hindi matalakan ng primadonang lady solon, napilitan ang male reporter na lumayo sa entablado o stage kesa magpalit ng damit dahil malayo ang hotel na tinutuluyan ng mga ito.


Pintahan n’yo na: Nakasemento ang ngiti ng lady solon na ito. Kung senadora o congresswoman, ito’y merong letrang ‘A’ sa kanyang pangalan.


http://www.abante.com.ph/issue/feb2610/kartada5.htm


Saturday, February 20, 2010

pebrero 19 2010 abante tonite

Primadonang lady solon at PR man, nag-away sa P50M

(Rey Marfil)

Dahil ‘mahirap ituwid ang matandang sanga’, tuluyang nagkahiwalay ng landas ang dating ‘partner in crimes’ matapos pag-awayan ng primadonang lady solon at PR man ang P50 milyon.

Sa report na nakalap ng TONITE Spy, humirit ng paunang P50 milyong pondo si PR man upang ipantustos sa buong media operation ng solon bilang bahagi ng propaganda, kabilang ang demolition job laban sa mga katunggali nito.

Sa sobrang laki ng pondong hinihingi ni PR man, nagduda ang kapatid ng primadonang lady solon kung kaya’t pinalagan ang pag-release ng alokasyon at kinuwestyon ang paggagamitan nito.

Maraming alingasngas tungkol sa pagkatao ni PR man, katulad ang alegasyong ‘ibinibenta’ ang mga kaibigang mediamen, as in pinagkakitaan sa mga nagiging kliyente kaya’t nagduda ang utol ng primadonang lady solon kung para kanino ang pondo at kung makakarating sa paroroonan ang hinihi nging pera nito.

Hindi nagustuhan ni PR man ang pagkuwestyon sa pondo kaya’t nauwi sa murahan o pagpapalitan ng maaanghang na pananalita sa pagitan nito at ng utol ng primadonang lady solon.

Umabot sa kaalaman ng primadonang lady solon ang away sa pagitan ni PR man at ng kanyang kapatid kaya’t napilitang kampihan ang kamag-anak, gamit ang depensang wala ding mailabas na pondo ang mokong.

Kabaliktaran sa ina asahan, sinibak ng primadonang lady solon si PR man gayong sa mahabang panahon ito’y untouchable at hindi magawang pagalitan kahit nagkakandasablay-sablay sa media operation.

Nang magkahiwalay ang dalawa, lalo pang nabisto kung gaano ka-primadona ang lady solon dahil mismong PR man ang nagpapakalat ng mga paninira laban sa dating amo, katulad ang alegasyong masama ang pag-uugali ng bebot.

Inakusahan ni PR man sa harap ng mga kaibigang mediamen na walang kuwentang amo ang primadonang lady solon at walang utang na loob kaya nakakatawang isipin na ganito rin ang pakalat ng mambabatas laban dito.

Clue: Walang tatalo sa primadonang lady solon kung pagiging plastic ang topic. Ito’y meron letrang ‘A’ sa kabuuan ng pangalan at apelyido, as in Ang hilig sa matandang karelasyon habang letrang kapital ‘W’ ang PR man, as in Walang utang na loob at takot sa karayom. (mgakurimaw.blogspot.com)


http://www.abante-tonite.com/issue/feb2010/hulaan.htm

Friday, February 19, 2010

pebero 19 2010 abante




KARTADA 5
Solon ‘nagmulto’ sa poster

Sa hangaring matulungan ang kapamilyang tumatakbo sa isang mataas na posisyon, nagmukhang ‘multo’ sa campaign poster ang isang miyembro ng Kongreso.

Halos maglupasay sa katatawa si Mang Teban matapos makitang ‘nag-aparisyon’ sa campaign poster ng isang kapamilya ang pagmumukha ng mambabatas, kalakip ang hangaring makakuha ng ‘name recall’.

Bagama’t hindi nag-iisa ang anak sa hanay ng mga pulitiko na sinasamantala ang ‘name recall’ para masungkit ang inaambisyong posisyon sa pamahalaan, nakakatawa ang kuha ng dalawa dahil pangkuwadro ang porma.
Nagmistulang 2x2 picture na idinidikit sa identification card ang pagkakagawa sa campaign poster ng dalawa, animo’y pinaalala sa publiko kung ano ang magiging hitsura ng batang pulitiko kapag tumanda at lalo pang nakadagdag sa katatawanan ang kulay dahil black and white.
Ang nakakatawa sa lahat, mistulang commercial ng safeguard ang porma ng matandang pulitiko sa campaign poster, as in nagmukhang ‘Ako ang iyong konsensiya’ ang drama nito.
Pintahan n’yo na: Makikilala lamang ang batang pulitiko kapag nakasalubong dahil nakapinta ang pangalan sa likod. Ito’y merong letrang “B” sa apelyido, as in batang itinulak ng magulang sa pulitika. Kung senador o kongresista, ipagtanong sa parking boy ang bayaw nito.

Thursday, February 18, 2010

pebrero 18 2010 abante tonite



Nameke si Mitra?

Rey Marfil
Hindi pa man nagsisimula ang laban, malinaw ang pagka-knockout ni Cong. Abraham Mitra -- kandidato ng Liberal Party (LP) sa pagka-gobernador ng Palawan, ito’y walang pinag-iba sa namayapang amang si House Speaker Ramon ‘Monching’ Mitra Jr., noong 1992 presi­dential elections, aba’y bago nagsimula ang kampanya, nabisto ang inimprentang balota sa Batasan Complex.
Ang resulta: Nanalo si dating Pangulong Fidel Ramos -- ang ‘minanok’ ni dating Pangulong Corazon Aquino. Hindi lang iyan, ayokong isiping segurista ang pamilya Mitra, aba’y tumatakbong senador sa Nacionalista Party (NP) ang nakakabatang kapatid -- si Ramon ‘Monmon’ Mitra III. Anyway, better luck next time kay Papa Baham, ito’y bata pa sa 2013. Iyon nga lang, kaila­ngang manirahan sa Aborlan, Palawan upang hindi masilip ang residency.
Noong nakaraang linggo, pinagtibay ni Lolo Jose, as in Comelec chairman Jose Melo ang disqualification case laban kay Papa Baham, malinaw ang information sheet -- ito’y hindi lehitimong residente ng Aborlan Palawan, as in fictitious o peke ang residential address sa isinumiteng certificate of candidacy (COC).
Sa imbestigasyon ng Comelec, hanggang ngayo’y nakatira sa Sta. Monica, Puerto Prin­cesa si Papa Baham at hindi sa Sitio Maligaya, Bgy. Isaub, bayan ng Aborlan. Kung merong dapat sisihin si Papa Baham, ito’y walang iba kundi si Puerto Princesa City Mayor Edward Hagedorn, aba’y pinalawak ang sakop ng distrito.
Sa kaalaman ng publiko, simula ng maupong mayor ng Puerto Princesa si Hagedorn, naging mabilis ang pag-unlad ng lungsod kaya’t na-classify bilang highly-urbanized city. Dahil highly-urbanized ang Puerto Princesa, nawala ang pagiging component o pagkakasakop sa pamahalaang panlalawigan ng Palawan.
Ibig sabihin, “independent republic” ang Puerto Princesa, katulad ng Cebu City at Baguio City. Ang malaking problema ni Papa Baham, ito’y hindi nagbago ng address at hindi maiwan ang kanilang tirahan sa Puerto Prin­cesa kung kaya’t napag-isipang bumili ng lupain sa bayan ng Aborlan para mabigyan ng pagkakataong tumakbo bilang gobernador ng lalawigan.
***
Napag-uusapan ang kaso, hindi naging ‘futuristic’, as in hindi nabasa ni Papa Baham na merong dalawang sisilip sa kanyang residency -- sina Antonio Gonzales at Orlando Barbon Jr., kaya’t inimbestigahan ang isinumiteng COC sa Comelec. Sa record, nag-apply si Papa Baham ng transfer of voter’s registration mula sa Puerto Princesa patungo sa ba­yan ng Aborlan noong Marso 20, 2009, kasunod ang pagbili ng 29,998 metro kuwadradong lupain noong Enero 5, 2009. Take note: Nag-apply pa ng permit para magpagawa ng bahay. Ang sabit lang, hindi ma-establish ang kanyang residency at hindi rin tumira sa naturang lugar.
Hindi lang iyan, lumalabas pang hindi natapos ang pagpapagawa ng bahay na kinasangkapan ni Papa Baham sa paghahain ng COC at hanggang ngayon, nakatiwangwang ang bahay. Ang pinaka-latest development, naging tirahan ng mga trabahador ang lugar dahil dating feedmill ang pro­perty na nabili -- ito’y kabaliktaran sa isinumiteng affidavit kung saan pinapalabas nitong nakatira sa feedmill, si­mula Marso 2008 gayong sa isinagawang inspection, kahit isang kubeta o comfort room, walang mahanap ang mga imbestigador.
Maliban sa walang kubeta, hindi rin nakitaan ng kahit isang kuwarto at kusina ang bahay ni Papa Baham. At ang kuwartong tulugan, nadiskubreng pahingahan ng trabahador, simula Marso 2008 hanggang Oktubre 2009, maliban kung nakaugalian ni Papa Baham ang maki-join sa mga tauhan, aba’y tatlong tauhan ang nakatira at lumalabas pang ‘foursome’ sa iisang kuwarto.
Ang pinakamatindi sa lahat, mismong long time bodyguard ng kanilang pamilya -- si Nicanor Hernandez ang ‘naglaglag’ kay Papa Baham, as in hindi ‘na-briefing’ dahil inaming hindi sa Aborlan nakatira ang kanyang amo, bagkus, sa Sta. Monica, Puerto Princesa. Kaya’t malaking kalokohan kung paano nabuhay sa loob ng dalawang taon si Papa Baham ng wala kahit isang kagamitan sa Aborlan, Pa­lawan, maliban kung idol si Jane at Gundina na nabuhay sa pagkain ng mga ‘umang’ at halamang baging? (mgakurimaw.blogspot.com)


http://www.abante-tonite.com/issue/feb1810/opinions_spy.htm

Tuesday, February 16, 2010

pebrero 16 2010 abante tonite

“Money talks”: ‘Di nagsisinungaling ang ebidensiya (last part)
Rey Marfil


Narito ang huling bahagi ng panayam ng Kartada Escalera noong Pebrero 6, 2010 kay dating presidential adviser Angelito ‘Lito’ Banayo, dating campaign manager at spokesman ni opposition senator Panfilo ‘Ping’ Lacson, ilang araw bago sinibak ng Radio Mindanao Network (RMN) ma nagement (dzXL radio) ang aming weekly program. Ipinadala sa Escalera Boys ang direktiba, isang araw (Pebrero 12) bago ang aming programa.

Paumanhin sa lahat ng avid listeners ng Kartada Escalera kundi kami nabigyan ng pagkakataong magpaalam noong nakaraang Pebrero 13. Sa ngalan nina Marlon Purificacion (NPC director/Peoples Journal reporter) at Jeff Zaide (IBC-13 correspondent), hindi po rito nagtatapos ang paglaban para sa KATOTOHA NAN at KATWIRAN. Dahil sa Escalera Boys, “tumitigas ang balita at gising ang inyong diwa”.
ABANGAN...

Escalera Boys: As poli tical analyst, ano maipapayo mo kay Teodoro na walang malay na sinusuportahan pala ng palasyo si Villar?

Banayo: Ako, awang-awa kay Gilbert dahil napa kahusay na tao kilala ko personal ‘yan. Noong huling debate sa AIM (Asian Institute Management) nagbatian kami at nagkaalaha nan kami ng aming pagiging magkaibigan. Naawa ako sa kanya dahil ginagamit lang siya. Kung nabasa ninyo article ko Jan. 7, ‘Her Man,’ doon ko sinabi ang tungkol sa mga meeting sa Spain o sa Syria, tapos ay ginawa rito kay Gilbert, malinaw na malinaw noong panahong ‘yan ang No. 1 sa survey ay si Noli de Castro at malayo pa si Manny Villar.

Pero since si Noli ay ‘di maaring tumakbong presidente na walang basbas ni Gng. Arroyo dahil kung walang basbas ni Gng. A rroyo sino popondo kay Noli de Castro? So talagang nagkaroon ng conspiracy sa loob ng Malacañang na siguraduhing ‘di tatakbo si Noli. At ‘yan ang transaction kay Manny Villar na huwag patakbuhin si Noli.

Remember noong panahon na ‘yan wala si Noynoy Aquino sa picture. Ang ka laban ni Manny Villar si Chiz Escudero, Ping Lacson, Loren Legarda, si Mar Ro xas. Si Ping Lacson 1 month after umatras dahil walang pondo. Si Chiz ‘di mayamang tao, walang sari ling pondo, walang sariling bulsang huhugutan. ‘Pag ‘di ‘yan pinondohan ng NPC under Ambassador Cojuangco aatras ‘yan.

At tama ang nangyari. Itong nakaraang mga buwan nakita natin sa pulitika. Si Loren Legarda walang sari ling pera ‘yan. Kayang kunin VP ‘yan. So ang importante huwag tumakbo si Noli eh ganyan ang nangyari, ‘di tumakbo si Noli dahil wala namang basbas at walang ni katiting na indication sa Malacañang na siya ay babasbasan.

At the same time puma sok si Gibo dahil ina-adopt nila. Ito naman isa (Gibo) gusto manilbihan, mahusay, may kakayahan, kumagat. Eh ngayon ano, iniwan sa ere, after several months, 6 months na, ang 1% naging 3-5% ngayon balik 4%. Ibig sabihin walang silbi ang galing at talino niya.

Escalera Boys: Ano ang panawagan sa publiko?

Banayo: Ito lang masa sabi ko. Maraming bagay-bagay sa issue ng Dacer Corbito murder na aking nasubaybayan. Over the years nakausap ko itong mga tauhan ni Sen. Lacson. Li ngid sa kaalaman ni Sen. Lacson, ‘di ko rin alam ang puno’t dulo ng istoryang ito. Mamarapatin man ang aking opinion, malinaw na malinaw sa akin na walang kinalaman si Ping Lacson sa pagpapaslang o pagpapadukot kay Bubby Dacer. ‘Yun nga lang puwedeng sabihing biased ako.

Pero sa tagal ko sa paninilbihan sa pamahalaan ‘di ako nakisama kailanman at ‘di ko patuloy na susuportahan si Ping Lacson kung alam kong may ginawa itong karumal-dumal na krimen o may inutos na ganito. Kaya lahat na ito ay gusto ko ipaabot sa taumbayan, lahat na ito pamumulitika lang.

Alam natin na hanggang langit ang galit ni Mike A rroyo at GMA kay Ping Lacson dahil sa mga expose niya na lahat naman eh nakita naman ng taumbayan, ‘di ba mula nag-expose nang nag-expose si Ping Lacson ... ano ang katunayan? Eh hanggang ngayon walang kaduda-duda na wala ni kaunting tiwala ang taumbayan sa pamahalaan at pagkatao ni Gloria Arroyo dahil nga sa expose na ginawa ni Ping Lacson.

Escalera Boys: At may pumaypay dahil may kaila ngan paypayan?

Banayo: Itanong ninyo pala, ewan ko kung kilala ninyo, itanong ninyo kay Ferdinand Topacio ang abogado ni Cesar Mancao kung sino ang bumabayad sa kanya. Ang alam ko ‘di si Cesar dahil walang pera si Cesar.

Sino nagbabayad ng kanyang kalaki-laking attorney’s fee? ‘Yun ba ‘yung kaibigang matalik ni Atty. Ferdinand Topacio na dating gobernador ng isang Southern Tagalog province na dati nabalitaang siya pala nagpapabola ng jueteng sa Southern Tagalog? Hindi lang kandidato, chairman for Region 4 ng Nacionalista Party.

Escalera Boys: Iyon bang hirap magsalita?

Banayo: ‘Yan ang muntik nabomba ‘di ba? Buti awa ng Diyos hindi pala siya napuruhan. (mgakurimaw.blogspot.com)

http://www.abante-tonite.com/issue/feb1610/opinions_rey.htm


Thursday, February 11, 2010

pebrero 11 2010 abante tonite



‘Di nagsisinungaling ang ebidensiya (Part 2)

Narito ang karugtong sa panayam ng Kartada Esca­lera noong Pebrero 6, Sabado kay dating presidential adviser Angelito ‘Lito’ Banayo, dating campaign manager at spokesman ni opposition Senator Panfilo ‘Ping’ Lacson.

Escalera Boys: Sa Iloilo, kandidato nila si Raul Gonzalez?
Banayo: ‘Yung leaders barangay chairman sa Iloilo City are supposed to be lo­yal na loyal sa presidential legal counsel ang da­ting DOJ secretary at siya pursigi­dung-pursigido, natatandaan ninyo noong isang taon si Ping Lacson, (si Gonzalez) ay gumagawa ng kung anu-anong kuwento sa ka­bulastugan ni Cezar Mancao, ang affidavit na pabagu-bago ang barangay chairman niya dahil pumunta ako ng Iloilo eh puro Villar.
Nagtataka ako, ano ang nangyayari rito? Kaya ang aking sinasabi ay lumilinaw, palinaw ng palinaw ang kandidato ni Gng. Arroyo dahil ‘di umangat-angat ang kaibigan nating si Gilbert Teodoro, ay walang iba kundi si Manny Villar. At dahil dito, gagawin nila ang lahat para sigu­raduhing ang mananalo si Manny Villar at ‘di si Noynoy Aquino, dahil si Noynoy ay matindi ang galit ni PGMA hindi lang sa nasirang ina ni Noynoy na si Tita Cory kundi ang Hyatt 10 na nakapalibot kay Noynoy ngayon.
Escalera Boys: Si Senator Ping susuporta daw kay Noynoy, sa January ie-endorse dapat?
Banayo: Tama ‘yan, mga January bago magbukas ang sesyon ng Senado Jan. 18 pa ‘yan, dapat before that, gagawa ng malaking anunsyo si Senator Ping sa isang press conference na dadalhin ang grupo niya sa lalawigan, sa Maynila para i-announce ang kanyang total support kay Noynoy at Mar. As we all know, Jan. 5 pa eh uma­lis na si Sen. Ping ‘di dahil sa takot o naduduwag siya, kundi ‘di kayang tanggapin ng kanyang ugali na bigyan ng satisfaction ang rehimeng Arroyo na siya ay makulong o mapahiya.
Escalera Boys: Paano nasabi, anong kakayahan ni Villar na dikdikin si Senator Lacson?
Banayo: Kung kakampi ka ng administrasyon, bakit ‘di mo kayang gawin? Lalo na ang dami-dami mong pera? Paano mo ‘di magagawa ang gusto mong gawin?
Escalera Boys: Inquirer may photo of Bolante with Villar?
Banayo: ‘Yun na nga. Mabuti nabanggit mo ‘yan. Can you imagine Jocjoc Bolante, kandidato opisyal ng NP sa Capiz? Ano ang sasabihin ni Alan Peter Cayetano, ni Joker Arroyo at itong ibang mga tauhan ni Manny Villar na sila mga kontra, mga oposisyon, mga kontra sa katiwalian, samantalang kinupkop nila si Jocjoc Bolante na simbolo ng katiwalian sa rehimeng Arroyo? Imagine that. Ikaw ba naman, kung meron kang may issue na tao, kukunin mo pa si Bolante, mismo ang Senado nagsabi na guilty sa fertilizer scam?
Escalera Boys: Nang nag-boycott ang grupo ni Villar, nakasalang ang committee report sa fertilizer scam?
Banayo: Ginawa ni Sen. Gordon ang kanyang homework sa ZTE-NBN at saka sa Jocjoc Bolante, na pagkatagal-tagal hinearing ng hinearing ni Cayetano pero walang report. Cover kayo sa Senado, mas may alam kayo diyan. Puro dribble ang ginawa. In fact, isa sa mga pinrotektahan sa hearing ng ZTE-NBN dahil nilabas ni JDV III kung sino ‘yung tumawag sa kanya, sino ang kinausap niya sa sinabihan siyang ‘Back Off’ sa Wack-Wack ang nilapitan niya at nakipag-usap sa kanyang negosyante, ‘yan din nag-arrange ng rendezvous ni Gng. Arroyo at ng mag-asawang Villar sa Spain o sa Syria.
Escalera Boys: ‘Di ba si Joker bumanat kay Villar sa House noon; si Cayetano kasama?
Banayo: Ganoon nga eh. ‘Pag pinagsama-sama mo lahat ng event na ito, ang lahat ng kanilang pinagsasabi at pagbaligtad sa mahalagang issue ng corruption, malinaw na malinaw, parehong mga transactional politicians ‘yan. Si GMA at Manny Villar, parehong transaction ang nasa isip palagi.

Ang nalalaman nilang good governance kuno ay governance by transaction, ‘di tulad nina Noynoy at Mar na nahihiyang makipag-transact, wala sa ugali nila makipag-tran­sact, kaya ‘di maaaring tanggapin kailanman ni GMA si Noynoy dahil alam niyang ‘di puwedeng kausapin, ‘di puwedeng maareglo, ‘di puwedeng maka-transaction.
Escalera Boys: Ano gagawin mo kung ikaw si Gibo?
Banayo: Alam mo, kung ako si Gilbert iisip ako, siguro rather than spend my time uselessly campaigning and spending his own money dahil ‘di naman niya ninakaw dahil ‘di magnanakaw ang pamilya ni Gilbert at tala­gang inipon ng kanyang ina at kanyang ama, mas mabuti sigurong umatras na siya. (mgakurimaw.blogspot.com)

Wednesday, February 10, 2010

pebrero 10 2010 abante tonite

‘Di nagsisinungaling ang ebidensya (Part 1)!

Sa natitikmang harassment ni opposition Senator Panfilo ‘Ping’ Lacson, hayaang ebidensya ang ‘magsalita’. Ika nga ni Gus Abelgus, hindi nagsisinungaling ang ebidensya, iyon nga lang, puwedeng pa­ kialaman ang ebidensya.

Narito ang panayam ng Kartada Escalera sa dzXL radio (Pebrero 6, Sabado, alas-11:20 ng umaga) kay ex-presidential adviser Angelito ‘Lito’ Banayo -- da­ting political strategist, campaign manager at spokesman ni Lacson.
Escalera Boys: Meron daw alliance ang Malacañang at si Villar para idiin si Senator Lacson?

Banayo: Pagdikit-dikitin mo ang nangyari at ang mga timing ng mga pangyayari. Unang-una, alam natin na, sino ba ang may malaking issue kontra either sa gobyerno o kaya kay Manny Villar? E laging may ginagamit silang issue na pampatay-sunog.

Ang nangyari nga rito, nang pumutok ang C-5 dahil sa report ni Senate President Juan Ponce Enrile at ng Committee of the Whole, maliban sa kanilang pag-stonewall, big­la itong sa DOJ, biglang inilabas at pagkatapos after a few weeks, may warrant of arrest na. So, ang nakikita ko rito kasi, talagang may sabwatan si Manny Villar at gobyernong Arroyo. Ang secret candidate ni PGMA ay walang iba kundi si Manny Villar.

Escalera Boys: Paano mo nasabi ‘yan?
Banayo: Maraming nang­yari in the past. Natatandaan mo noong sana ihe-hear ng Committee on Ethics ang C-5 noong May last year, ‘yan ang panahon na si Pacquiao lumaban at tinalo si Cotto? Wala rito si GMA noon, lumipad papuntang Egypt at Syria.

Alam ko for a fact, si Manny Villar at asawang si Cynthia lumipad papuntang Spain at about the same time, he never denied that when we brought that out. Pinalabas ni Jamby Madrigal at ‘di nila tinanggi ‘yan. Talaga namang ha­napin natin, halukayin ang flight manifest na talagang nagpunta sila sa Spain.

At sa Spain, may isang malaking negosyante na crony ni Mrs. Arroyo na ina­ayos na magkita sila, magkausap sa malayong lugar, para ‘di lang matsismis dito sa atin. Unfortunately, dahil binulgar natin ito, in fact, sinulat ko pa ito, nasulat ko noong matapos magsalita si Sen. Jamby, ‘di natuloy ‘yan.

Pero alam ko na na­tuloy uli after a few months, natuloy ito sa Hong Kong. At pagkatapos, sinundan pa ng iba’t ibang meeting ng tauhan nila dito sa Manila. Malinaw na malinaw din sa aming paglilibot, for instance, sino ba nag-host sa pagpunta nina Manny Villar sa Dipolog? Asawa ng Exe­cutive Secretary mismo.
Escalera Boys: Si Sec. Ermita?

Banayo: ‘Yan ang sinabi sa akin, taga-Dipolog, ang asawa ni Sec. Ermita. Eh bakit eh meron silang kandidato, si Gilbert Teodoro? So ang dami nito. Naglibot sa Pilipinas, ngayon, kagaga­ling ko lang sa Iloilo. Halos lahat ng Lakas-Kampi na congressman sa Iloilo, ang dina­dala si Manny Villar, ‘di si Teodoro.

Naroon ako sa Bohol noong 1 linggo dahil nag-lecture sa PCIJ, ang Lakas-Kampi na kandidato lahat, binubulong sa kanila na mga ma­yor at leaders, walang iba kundi si Manny Villar at ‘di si Teodoro. Naawa nga ako sa kaibigan kong si Gilbert dahil asang-asa na siya ang kandidato ng administrasyon ,‘yun pala nasalisihan na siya. So dito, nakikita ang sabwatan na ito, dahil talagang desperate si Villar maging pangulo ng Pilipinas, pati ang DOJ ginagamit ngayon.

Una sa pagsampa ng kaso na walang batayan. At pangalawa ito, biglang may warrant of arrest samantalang wala pang judicial determination of probable cause sa kaso ni Sen. Ping dahil si Sen. Ping, malinaw na ‘di naman ‘yan kailanman kakampi kay Villar. ‘Di ‘yan kailanman makikihalo o makikisama kay PGMA. So, malinaw na malinaw na tinarget si Sen. Ping dahil talagang maglilibot si Sen. Ping para ikampanya si Noynoy at si Mar. So, nakita mo ang kulay ng pulitika sa lahat ng ginagawa ng itong kasalukuyang rehimen.

Note: Abangan ang karugtong sa Huwebes. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

http://www.abante-tonite.com/issue/feb0910/opinions_spy.htm


pebrero 10 2010 abante tonite

Palace boy namudmod ng expensive watch
(Rey Marfil)

Sa hangaring tumagal sa kapangyarihan at patuloy pagkakitaan ang ahensyang matagal nang gatasan, namudmod ng mamahaling relos ang isang kampon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Sa impormasyong nakalap ng Tonite Spy, namakyaw ng expensive watch si Palace official, hindi para gawing collector items kundi ipamudmod sa mga taong nililigawan ng suporta.

Sa simpleng ex­planation, namili ng sangkatu­tak na mamahaling relos si Palace boy upang ipang-areg­lo, as in padulas sa mga mambabatas na hinihingan ng suportang may kinalaman sa isang itinutulak na panukalang batas.

Hindi ordinaryong relos, katulad ng Casio o kaya’y Timex ang pinakyaw ni Palace boy para ipang-areglo sa mga mambabatas kundi tatak-Philippe Patek at Rolex.

Maliban sa mamahaling relos na ipinagsuhol sa ilang mambabatas na kontra sa proposed measures para magbago ang posisyon nito, nagpakawala rin ng limpak-limpak na salapi ang kumag.

Milyones ang inilabas ni Palace boy sa media blitz o propaganda kung saan hangaring maghari ng matagal sa ahensiya, kabilang ang pag-arkila ng ilang PR group upang itulak ang proposed bill na pumapabor sa interes nito.

Dahil marunong ang nasa Itaas at hindi nanaig ang kasamaan laban sa kabutihan, nasayang lamang ang multi-milyon pisong ipinambili ng mamahaling relos ni Palace boy dahil nadisgrasya ang proposed bill at nadamay sa pag-inarte ng isang grupo ng mambabatas.

Clue: Unang naispatang namakyaw ng Rolex sa isang jewelry shop si Palace boy kasama ang dalawang kapatid na binilhan din ng tig-isang relos at cash ang ibinayad. Kung sino si Palace boy, ito’y meron letrang ‘M’ sa kabubuan ng pangalan at apelyido, as in Mala-Diomedes Maturan ang arrive. (mgakurimaw.blogspot.com)

http://www.abante-tonite.com/issue/feb1010/hulaan_blues.htm


Monday, February 8, 2010

pebrero 8 2010 abante tonite



Gabinete, may tauhang ‘bugaw’
(Rey Marfil)
Kung tambay ang nagsisilbing ‘bugaw’ ng mga ‘dyokards’ at bayarang bebot sa kahabaan ng Quezon Avenue, mas malupit ang isang gabinete ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo dahil isang abogado de kampanilya ang taga-deliver nito ng tsiks.

Sa report na nakalap ng TONITE Spy, sari­ling tauhan ni secretary at nagtatrabaho sa loob mismo ng opisina ng gabinete ang nagsisilbing ‘bugaw’ kapag kursunadang tumikim ng ibang putahe.

Kilalang hindi ma­kabasag pinggan si secretary, subalit mara­ming itinatagong lihim sa katawan, simula ng maturuang mambabae ng mga taong nakapalibot sa kanyang opisina, sa pangu­nguna ng mga miyembro ng sindikatong namamayagpag sa departamento nito.
Ang nakakasuka lamang, bulag sa anumang illegal transaction ng mga tauhan si secretary dahil naimpluwensiya­han ng sindikato at puro kamanyakan ang nasa isipan, lalo pa’t linggu-linggong nakakatikim ng iba’t ibang tsiks.
Sa tuwing tinatamaan ng pagkamanyak si secretary, naging routine ng sindikato ang i-check in sa kilalang hotel sa Roxas Boulevard ang bebot at pasusunurin sa kuwarto ang gabinete.

Kapag nagkataong malapit sa Roxas Boulevard ang dadaluhang meeting, nagpapa-reserve ng kuwarto si secretary at pinapalabas pang merong VIP, as in very important person na ka-meeting, ka­tulad ng mga negosyante o kaya’y government top officials.
Simula ng madikit at maimpluwensiyahan si secretary ng isang sindikato sa loob ng departamento, iisa ang naging routine ng gabinete kapag nakakaramdam ng matinding init sa katawan, ito’y nagkukunwaring may ka-meeting, subalit isang bayarang bebot lamang ang ‘ka-mating’ sa kama.
Lingid sa kaalaman ng staff o sinumang sekretar­yang napag-utusang magpa-reserve ng kuwarto sa isang hotel sa Ro­xas Boulevard, Pasay City, gusto lamang tumikim ng bebot ni secretary kung saan kaagad tinatawagan ng gabinete ang abogadong nagsisilbing bugaw para magpa-deliver ng tsiks.

Ang matinding re­velation sa lahat, walang pakialam si secretary kahit palihim pang pinagkukuwentuhan ng mga taong nakapalibot sa kanya, partikular ng sindikatong nagpapain ng bebot para makontrol ang illegal transaction sa departamentong pinangangasiwaan ng gabinete.
Clue: Hindi kuwes­t­yon ang husay ni secretary kung propesyon ang pag-uusapan subalit nakakapanghinayang ang credentials lalo pa’t nalulong sa masamang bisyo. Ito’y meron letrang “M” sa kabuuan ng pangalan at apel­yido, as in Mahilig magpakulay ng hair. (mgakurimaw.blogspot.com)

Friday, February 5, 2010

pebrero 5 2010 abante

Lady solon, nagwaldas ng P7M para magpa-cute

Sa sobrang despe­radang manalo nga­yong May 10 national election, nagbayad ng milyones ang isang ambisyosang lady solon upang magpa-cute at mabigyan ng malaking exposure sa isang television program.

Hindi maiwasang panghinayangan ni Mang Teban ang multi-milyong pisong winaldas ng desperadang lady solon sa isang TV network dahil milyong bata ang maaring napakain kung ipinambili ng lugaw ang pondo.

Unang inalok sa katunggaling pulitiko ang exposure sa isang TV program subalit umayaw dahil milyones ang pres­yo, as in, tumataginting na P7 milyon, kapalit ang ilang minutong pagpapa-cute sa publiko.

Dahil napakadesperada ng lady solon na manalo at masungkit ang inaambisyong posisyon sa pamahalaan, pinatulan ang multi-milyon pisong exposure sa isang television program.

Ang nakakatawa lang, nagsayang ng pera ang solon na ito dahil hindi umepekto ang exposure sa television at walang nakapansin sa ginawang pagpapa-cute.

Pintahan n’yo na: May pagka-plastik ang desperadang lady solon. Kung senadora o congresswoman, ito’y meron letrang “A” sa kabuuan ng pangalan.

Thursday, February 4, 2010

pebrero 4 2010 abante tonite

Lumipad si San Pedro!
Rey Marfil


Kung ginawang ‘diversionary tactic’ ang pag-a-abroad ni Senator Ping Lacson upang ilihis ang C-5 road committee report nagrekomendang isoli ni Manny Villar ang P6.2 bilyon, mas malupit ang sabayang pag-a-abroad ng mga guro, principal at ilan pang Department of Education (DepEd) officials ng Muntinlupa City.

Mantakin niyo, humigit-kumulang tatlumpu ang saba­yang nagbakasyon at iisa ang destinasyon. Ang nakakagulat, iisang eroplano ang sinak­yan ng mga guro patu­ngong Hong Kong noong Enero 27, araw ng Miyerkules at kasabay si Muntinlupa Mayor Aldrin San Pedro.

Take note: Malaki ang papel ng mga guro tuwing eleksyon at walang ibang nagbabantay sa bawat pre­cinct, canvassing hanggang proclamation kundi puro tauhan ni DepEd Sec. Jesli Lapus. Ni sa panaginip, ayo­kong isiping konektado sa May 10 national election ang sabayang bakasyon ng mga guro at DepEd officials ng Muntinlupa City, maliban kung peke ang manifesto na nakuha ng Spy.

Ang mga nakalistang pasahero (Source: Passenger Manifesto L air 76 PR0300 GMT 28Jan10):

1. Dominico Idaman (DepEd Superintendent),

2. Estrella Aseron,

3. Rosalie Alviar,

4. Carmelita Aquisap,

5. Angelita Abella,

6. Emilia Alvarez,

7. Aurora Bartolaba,

8. Roberto Bunyi,

9. Marietta Babera,

10. Dominga Carol Chavez,

11. Myrna Dullavi,

12. Madeline Ann Diaz,

13. Carmen Hicap,

14. Jojo Dimaano,

15. Eleanore Deang,

16. Celia Espina,

17. Con­cesa Faustino,

18. Fe Faz,

19. Raul Felix,

20. Marilou Gorospe,

21. Antonio Gagala,

22. Rhodora Mandap,

23. Florante Marmeto,

24. Verna Obias,

25. Norma Polon,

26. Angelita Pelagio,

27. Francis Pagkalinawan,

28. Wilson Pascual,

29. Armando Romero,

30. Meredith Romero,

31. Carmelita Rongavilla,

32. Noli Rapsing,

33. Christian Santos

24. Aldrin San Pedro.

Malinaw ang pangalan ni San Pedro na lumipad patu­ngong Hong Kong, kasabay sa eroplano ang mga guro, maliban kung ‘manok’ ang ipinadalang sugo?

Kung walang ‘dagdag-bawas’ ang passenger ma­nifesto, isang malaking pa­laisipan ngayon kung sino ang nagpondo o sumagot sa ‘bakasyon-grande’ ng mga guro at DepEd officials sa Hong Kong lalo pa’t naghihikahos ang departamento, malinaw ang pag-angal ng mga guro sa pagkaka-delayed ng bonus noong nakaraang Pasko. Kahit itanong niyo pa kay Sec. Lapus, maliban kung sariling bulsa dinukot ni San Pedro, katulad ang pambayad sa hotel accommodation at pasahe sa eroplano?

At malaking kalokohan din kung walang pocket money na iniabot si mayor kung pinabiyahe ang mga guro? Sabagay, mara­ming option si San Pedro, ito’y puwedeng ipasa sa mga contractor o kaya’y ‘charge to experience’, as in ipinakargo sa city hall ang ginastos sa Hong Kong?
***
Napag-uusapan si San Pedro, hindi ba’t lutang ang pangalan ni Simon Paz bilang isa sa campaign contributor? At kung hindi nagkakamali ang mga kurimaw, nakopo ni Mang Simon ang P129 milyon garbage contract noong 2009 at nga­yong 2010, umabot sa P168 mil­yon ang garbage budget at pangalan pa rin ni Mang Simon ang naka-umang -- ito’y nasa 2nd reading at inaasa­hang maaaprubahan nga­yong linggo.

Teka lang, hindi ba’t kaibigang matalik ni Mang Simon si Atty. Mark Jalandoni -- ang spokesman ni Ombudsman chief Merceditas Guttierez na ka-classmate ni Jose Pidal, as in First Gentleman Mike Arroyo?

Hindi lang iyan, si Mang Simon din ang itinuturong contractor ng bagong Muntinlupa City Hall. Take note: Maraming nagduda kung bakit nasunog ang lumang city hall, kahit itanong niyo kay ex-Ma­yor Fresnedi.

Kundi rin nagkakamali ang mga kurimaw, nalagay sa headline ang pangalan ni Mang Simon noong nakaraang taon dahil binugbog ng mga tauhan ni ex-Presidential Anti-Smuggling Group (PASG) chief Bebot Villar sa Dusit Hotel, Makati City, maliban kung nagka-amnesia at nakalimutan ni Mr. Jalandoni ang upakan sa comfort room?Nakakatawa ‘di ba, aba’y sila-sila pa rin ang nagkita sa finals? (mgakurimaw.blogspot.com)

http://www.abante-tonite.com/issue/feb0410/opinions_spy.htm


Wednesday, February 3, 2010

pebrero 3 2010 abante tonite

Never heard na senatoriable nagdrama sa prayer rally

(Rey Marfil)


Sa hangaring masungkit ang suporta ng isa sa malaking religious group ngayong May 10 election, kamuntikan magka-flash flood sa pinagdausan ng ma­laking prayer rally matapos bumaha ng luha at mag-iiyak ang isang ne­ver heard senatoriable.

Sa halip kaawaan, halos maglupasay sa katatawa ang mga kurimaw, sa pangunguna ng Tonite Spy habang pinapanood ng live sa telebisyon ang pagda-drama ng never heard sena­toriable dahil walang binatbat sina Coco Martin at Piolo Pascual kung umarte ang kumag.

Bago nag-drama ang never heard senatoriable, unang pinagsalita sa prayer rally ang lahat ng mga bisitang pre­sidentiables at vice presidentiables kung saan isa-isang gumawa ng gimik upang mahikayat ang mga ‘prayer warriors’ suportahan ang kandidatura ng mga ito.

Sa puntong ito, kaagad nag-drama sa entablado ang never heard senatoriable, sa pamamagitan ng pagkukuwento tungkol sa kahirapang dinanas bago naabot ang magandang buhay at ipinagma­laki pang matuwid gayong makailang-beses nasabit sa eskandalo ang kumag.

Maliban dito, hindi simpleng pagluha ang ginawa ng never heard senatoriable kundi rumaragasa sa magkabilang mata ang mga luha, as in kulang na lamang maglupasay sa baldosa ang kumag, katulad ng isang batang inagawan ng laruan.

Ang pinaka-classic sa lahat, pagkatapos mag-iiyak at mag-drama sa entablado, sinabayan ng pagkaway sa audience ang talumpati, sabay paghingi ng suporta ngayong May 10 election.

Clue: Kahit homeowners association, walang kakayahang manalo ang never heard senatoriable at mismong ka-opisina hindi s’ya iboboto dahil saksakan ng corrupt at walang puso sa mga empleyado kung saan ka­sing-tunong ng mga pas­yente sa mental ang gi­ven name at meron letrang “L” sa kabuuan ng pangalan at apelyido, as in Lambada Boy. (mgakurimaw.blogspot.com)


http://www.abante-tonite.com/issue/feb0310/hulaan_blues.htm


Tuesday, February 2, 2010

pebrero 2 2010 abante tonite

Overstaying treasurer
Rey Marfil


Kung merong overstaying general sa Armed Forces of the Philippines (AFP), mas malupit si Department of Finance (DOF) Secretary Margarito ‘Gary’ Teves, aba’y nagkalat ang overstaying treasurer (OST) sa opisina nito, maliban kung may kina­laman sa pangangalap ng campaign fund ngayong 2010 elections o kaya’y pinagkakakitaan ng mga tiwaling tauhan ang bawat extension, lalo pa’t mil­yones ang usapan?

Mabuti pa nga si DILG Sec. Ronnie Puno, kahit ‘nanga­ngamoy-pulitika’ ang rigodon sa Philippine Natio­nal Police (PNP) at ipinagbabawal ang pagre-reshuffle, walang habas pinaglilipat ang lahat provincial director, chief of police ng bawat munisipyo at lungsod.

Sa kaalaman ng publiko, nahahati sa apat ang DOF, kinabibilangan ng Bureau of Internal Revenue (BIR), Bureau of Customs (BOC), Bureau of Treasury (BTr) Bureau of Local Government Finance (BLGF) at Millennium Challenge Accounts Philippines.

Sa reklamong natanggap ng Spy mula sa isang taga-BLGF, nagkalat ang OST sa opisina ni ‘Gary T’ at nakakapagtakang napapalusutan si Aling Presentacion, as in BLGF executive director Maria Presentacion Montesa gayong napakasimple ang trabaho, maliban kung nabubulag-bulagan sa illegal activities ng isang sindikato o walang magawa dahil sobrang lakas kay Gary T ang ilang nakapaligid dito?

Take note: Isang ‘Mr. ML’ ang itinuturong mastermind sa term extension ng mga provincial treasurer (PT) at municipal treasurer (MT) kaya’t abangan ang susunod na kabanata.
***
Napag-uusapan ang OST, ang pinakakawawa sa term extension, walang iba kundi ang nasa ibaba, aba’y hindi mapu-promote dahil ‘domino effect’ kapag pinalawig ang termino ng mga nasa itaas at demoralisado ang buong bureau sa ganitong sistema.

Hindi man lang inisip ni Gary T ang kapakanan ng mga ‘graduating workers’ na nakalinyang maupong MT at PT. Take note: Labing-anim ang pangalang ibinigay ng isang taga-BLGF at meron pang da­lawang beses nabigyan ng extension:

1. Visitacion De Castro, assistant city treasurer ng Taguig City (2nd extension) May 28, 2008 to November 27, 2008);

2. Atty. Rosario Reyes, city treasurer ng Taguig City (1st extension) September 3, 2008 to March 23, 2009 at (2nd extension) March 24, 2009 to September 23, 2009;

3. Victor Endriga, city treasurer ng Quezon City (1st extension) August 18, 2008 to February 18, 2009 at (2nd extension) February 18, 2009 to August 17, 2009;

4. Marciano Cruz, muni­cipal treasurer ng San Miguel Bulacan (1st extension) Ja­nuary 10, 2009 to July 9, 2009.

5. Chona Santos, municipal treasu­rer ng San Jose Occidental Mindoro (2nd extension) October 23, 2008 to April 22 2009, as in dala­wang beses na-extend ang termino sa nakaraang taon;

6. Concepcion Daplas, city treasurer ng Pasay City (1st extension) May 21, 2009 to November 20, 2009 at (2nd extension) November 22, 2009 to May 21 2010;

7. Virgilio Abata, provincial treasurer ng Zambalaes (1st extension) December 17, 2008 to June 16, 2009.

8. Boni­facio So, provincial treasurer ng Northern Samar (1st extension) November 29, 2009;

9. Feligande Delina, city treasu­rer ng Cadiz City (1st extension) April 19 to October 18, 2009;

10. Perfecto Martinez, provincial treasurer ng Nueva Vizcaya (1st extension) December 9, 2009 to June 8, 2010;

11. Ramon Crisostomo, provincial treasurer ng Pangasinan (1st extension) September 10, 2009 to March 9, 2010. Mantakin niyo, hindi pa napapaso ang 1st extension sa March 9 at February 1 pa lang ngayon, aba’y ‘for signature’ ni Aling Presentacion ang 2nd extension;

12. Antonio Gundran, provincial treasu­rer ng Ilocos Sur (1st extension) May 8, 2010 at nakasalang sa Office of the Secretary (OSEC), as in opisina ni Gary T ang term extension;

13. Corazon Ascano, municipal treasurer ng Imus Cavite -- ito’y napaso ang termino noong October 20, 2009 at ipinasa sa Ci­vil Service Commission (CSC) ang desisyon;

14. Ofelia Cupino, municipal treasurer ng Rosario Cavite -- ito’y maninilbihan hanggang April 22, 2010 at nasa lamesa ni Gary T ang term extension hanggang November 17, 2010;

15. Liberata Pascadio, municipal treasu­rer ng Iguig, Cagayan, napaso ang termino noong May 8, 2009; at

16. Cresencia Rinon, municipal treasurer ng San Miguel Bulacan, mapapaso ang termino ngayong June 5, 2010 at ‘for signature’ ni Aling Presentacion ang extension.

Iyan ang malaking rason kung bakit demoralisado ang mga tresurero ni Gary T ngayon. (mgakurimaw.blogspot.com)

http://www.abante-tonite.com/issue/feb0210/opinions_spy.htm


Monday, February 1, 2010

pebrero 1 2010 abante tonite

Gabinete adik sa tsikas

(Rey Marfil)

Kung hinhin kapag nakaharap sa camera, animo’y hindi makabasag pinggan kapag naglalakad sa Presidential Palace kapag nagpapatawag ng cabinet meeting si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, ito’y kaba liktaran sa pagi ging sugapa sa tsiks ng isang gabinete.

Sa report nakalap ng TONITE Spy, kailangang isailalim sa rehabilitasyon ang isa sa paboritong gabinete ni Mrs. Arroyo, katulad ng pinagdaraanan ngayon ni Tiger Woods na nasangkot sa iba’t ibang bebot matapos gawing ‘sex addict’ ang opisyal ng sariling tauhan nito.

Ang ikinalulungkot ng mga kurimaw, nalulong lamang sa pagkahilig sa tsiks o naging ‘sex addict’ si secretary simula ng maimpluwensiyahan ng ilang tiwaling tauhan, partikular ang isang grupo na gumagawa ng kabulastugan sa kanyang departamento.

Bago naging ‘sex addict’ si secretary, maraming transaksyon ang pinapalusot sa kanyang departamento ang ilang tiwaling tauhan, subalit madalas nababara at sinosopla dahil likas sa opisyal ang malinis.

Lingid sa kaalaman ni secretary, ito’y ‘trinabaho’ ng mga tauhan, as in hinanap ang kanyang kiliti sa katawan, sa pamamagitan ng paglagay ng patibong, gamit ang mga naggagandahang bebot.

Nang masilip ang kiliti ni secretary, partikular ang pagkahilig sa tsiks, nagsimulang namayagpag ang isang sindikato sa departamento at lumulusot ang lahat ng mga illegal transaction dahil kumagat sa kanilang pain ang gabinete.

Hindi naman makapalag si secretary sa bawat illegal transaction na pinalulusot ng mga tiwaling tauhan dahil merong pinanghahawakan alas laban sa kanya at nagustuhan din ng gabinete ang bagong bisyo nito.

Halos linggu-linggo, ‘nireregaluhan’ ng tsiks o bayarang bebot si secretary ng mga tiwaling tauhan at hindi naman makapalag ang gabinete sa lahat ng mga pinapipirmahang dokumento dahil satisfied sa performance ng mga nakakasiping at naikakama.

Ang nakakatawa lamang, ilang ka-opisina ang naging ‘kuya’ si secretary sa mga nakakapareha o naka-sex dahil ipinangreregalo din ng mga tiwaling tauhan ang mga bayarang bebot sa iba pang opisyal ng departamento na kasapakat sa kanilang illegal transactions.

Clue: Madaling makilala si secretary dahil napakalumanay magsalita. Kung magreretiro sa cabinet post o tumatakbo sa pagka-kongresista, ito’y merong letrang “M” sa kabuuan ng pangalan at apelyido, as in Mahilig sa tsiks at kapangalan ng isang singer ang palayaw nito. (mgakurimaw.blogspot.com)


http://www.abante-tonite.com/issue/feb0110/hulaan_blues.htm