Tuesday, September 8, 2009

september 8 2009 abante tonite

Political prostitute!
Rey Marfil


Kapag tuluyang ‘nagka-solian ng kandila’ sina Se nator Ping Lacson at ex-President Erap Estrada, walang ibang dapat sisihin kundi mismong tauhan ni Erapsky, aba’y headlines lamang ang binabasa at napakabilis magkomento kaya’t saliwa ang pagkakaintindi kung bakit pinapaatras sa presidential derby.

Mantakin n’yo, hindi pa naisusulat ng Senate reporters ang ambush interview kay Lacson, kaagad sumagot ang kampo ni Erapsky via text brigade, gamit ang statement ni Margaux Salcedo at inakusahang walang karapatan ang senador magbigay ng payo dahil promotor ng disunity noong 2004.

At pagkatapos, pumaypay pa si Jinggoy kaya’t lalong lumaki ang sunog gayong alam nito ang buong kuwento sa pananabotahe ng ilang malapit sa kanyang ama kaya’t walang unity noong 2004.

Katarantaduhan kung walang alam si Salcedo sa tunay na nangyari sa pagitan nina Da King at Da Ping, ma liban kung headlines din lamang ang binasa kaya’t hindi naintindihang inetsapuwera ng Laban ng Demokratikong Pilipino (LDP) si Lacson at ipinapasok si Da King kahit outsider, as in walang proseso sa pagpili ng standard bearer.

Ang ikinagulat ng ilang Senate reporters, aba’y staff ni Willy Fernandez ang nagpakalat ng ‘text release’ ni Salcedo gayong handler ni Loren Sinta, as in Loren Legarda ito, maliban kung binubuo ang ‘Erap-Loren tandem’ kaya’t naunang pinapasok si Fernandez sa Erap camp?

Ang problema ngayon ni Erapsky, paano pipigilan si Lacson lalo pa’t walang mawawala sa senador dahil hindi naman tatakbo sa 2010 elections? Aba ngan ang speech...
***
Napag-usapan ang 2010 elections, walang kasing-lupit ang diskarte ng isang presidentiable. Mantakin n’yo, hindi pa man tumatakbo at nagtatagumpay ang kanilang partido, aba’y kung anu-anong cabinet post ang hinihirit sa kanilang ‘Big Boss’ kaya’t bad trip ang buong miyembro.

Hindi lang cabinet post ang kondisyong hiningi ni Presidentiable Plastic, meron pang ‘monetary involved’, as in humihingi ng salapi ang kumag at ipinapa-reimburse ang kabuuang ginastos sa premature campaigning nito, kabilang ang ipinambayad sa TV ads, campaign materials ipinamudmod sa mga probinsya, maging pasahod sa mga inarkilang tauhan, malinaw ang pagiging ‘political prostitute’. Take note: hindi barya ang usapan kundi kalahating bilyon, as in P500 milyon!

Kundi nagkakamali ang Spy, limang (5) cabinet post ang hinihirit ni Presidentiable Plastic kay ‘Big Boss’, kapalit ang gagawing pag-atras sa 2010 elections para iendorso ang kandidatura ng kasamahang presidentiable. Ganyan kagarapal ang kampo ni Presidentiable Plastic, sa halip pag-usapan kung paano patitinuin ang gobyernong lugmok sa kahirapan at katiwalian, aba’y pagkakakitaan ang nasa isipan.

Kaya’t nagbalik sa alaala ng mga kurimaw ang nangyari sa isang natalong presidentiable, ganito rin ang diskarte ng tumatayong handler ni Presidentiable Plastic, maging noong 1998 presidential election. Ang resulta: napahamak ang kanilang kandidato pero nagkamal ng salapi at namumuhay ng mariwasa ang handler ni Presidentiable Plastic, kasama ang administrasyon.

Kung nagpapabayad din lamang si Presidentiable Plastic, kapalit ang pag-atras sa presidenrial race, bakit hindi gastusin sa kanilang ‘manok’ ang multi-milyon pisong ipang-aareglo dito. Kapag nagkamali ng desisyon ang ‘Big Boss’ ng isang partido at kumagat sa ‘horse tra ding scheme’ ni Presidentiable Plastic, ‘di malayong ma­pahamak ang kanilang kandidato lalo pa’t iisang tao ang gumawa ng ganitong raket, simula 1995 senatorial election hanggang 2004 elections.

Pansinin ang mga taong nakapaligid kay Presidentiable Plastic, iisang mukha at iisa ang diskarte, alinsunod sa kumpas ni Boy Pag-ibig. Kung sino si Boy Pag-Ibig, ipagtanong kay Atty. Demaree Raval! (mgakurimaw.blogspot.com)

8 comments:

mgakurimaw said...

comment, comment

Anonymous said...

si presidentiable plastic ba ay siya rin ang tinaguriang "political butterfly?"

luing taga kusina

mgakurimaw said...

political butterfly??........hmmmm puwede...

Anonymous said...

sya rin ba ang "prinsesa ng mindanao?"

luing taga kusina

yanmaneee said...

hermes belts
yeezy boost
jimmy choo shoes
nike air vapormax
james harden shoes
hermes birkin
yeezy 700
curry 4
nike air max 2019
birkin bag

Anonymous said...

More about the author bags replica gucci additional reading high quality designer replica have a peek at this web-site replica gucci bags

mctatee said...

hop over to here Louis Vuitton fake Bags click here for more info replica wallets special info replica designer backpacks

teshayt said...

y5p72z1d22 u3b05r4o27 r8v31u6z23 k3n60t4o53 n5t19p7s25 r2p64v9a55