Monday, September 7, 2009

september 7 2009 abante tonite

Presidentiable nag-imbento ng textmate
(Rey Marfil)

Kahit anong uri ng plastic kapag tinunaw, ito’y plastic pa rin, katulad din sa pag-uugali ng isang presidentiable na na ga wang mag-imbento ng kuwento at ka-textmate para mapansin lamang ng mga reporter.

Hindi maiwasang matawa ng mga kurimaw, sa pangunguna ng TONITE Spy matapos mag-feeling closed ang isang presidentiable habang kausap ang isang grupo ng mga reporter habang abala sa ambush interview sa ibang pulitiko ang pulutong ng mga mamamahayag.

Bago gumawa ng ek se na ang presidentiable, napaka-busy sa pag-ambush interview ang karamihan sa mga repor ter, as in isa-isang kinukunan ng soundbite ang mga pulitikong nakakasalubong ng mga ito.

Sa kasagsagan ng interbyu, eksaktong pumasok sa venue ang isang presidentiable at wala kahit isang reporter ang nagkainteres kunan ng soundbite ang mokong kaya’t nagpapansin ito.

Sa ‘di kalayuan, natanaw ng presidentiable ang isang reporter at media relation officer (MRO) ng isang opposition senator at kaagad nilapitan upang makipag­huntahan, as in gustong makipagtsikahan at nanga ngamusta ito, sabay tanong kung anong balita.

Mabilis naman tumugon ang reporter subalit ikinagulat ang opening statement ng presidentiable matapos mag-sorry, as in ipinaghingi ng paumanhin ang hindi nakakasagot sa text nito.

Hindi sumagot ang reporter at tumaas ang kilay dahil walang matandaang oras o araw nakipag-text sa presidentiable para hi ngan ng komento lalo pa’t wala naman isyung dapat itanong dito.

Higit sa lahat, hindi naging ka-textmate ang presidentiable kung kaya’t lalo pang lumutang ang senar yong nagpapapansin lamang dahil gustong magpa-interview at maisama ang kanyang pa ngalan sa mga write ups sa peryodiko.

Sa hangaring hindi mapahiya ang presidentiable ‘to the rescue’ ang MRO ng isang opposition senator, as in sinalo ang mokong, sa pamamagitan ng depensang napaka-busy ng reporter kung kaya’t nakalimutan ito.

Hindi naman kinagat ng mga kurimaw ang palusot ng presidentiable dahil sadyang nakaugalian ang mag-imbento ng kuwento para lamang makasali sa usapan at magkunya ring super closed sa mga reporter ito.

Clue: Kung pagiging ‘plastic’ ang pag-uusapan, walang tatalo sa presidentiable, mapa-media o ordinaryong tao ang kausap nito. Ito’y meron letrang ‘A’ sa kabuuan ng pangalan at apelyido, as in Ang hilig sa matandang karelasyon. (mgakurimaw.blogspot.com.

2 comments:

mgakurimaw said...

hula...hula

tewethot said...

find this investigate this site you could check here go now browse around these guys find