Hindi lamang desperado kundi halos ‘magpakamatay’ sa pagpapabango ng pangalan ang isang ambisyosong presidentiable matapos madiskubreng nagpatupad ng ‘name your price’ sa lahat ng demolition job na inilunsad laban sa mga katunggaling presidentiables.
Sa impormasyong nakalap ng TONITE Spy, walang ibang mastermind sa lahat ng demolition job at black propaganda na natitikman ng mga nagsusulputang presidentiable kundi iisang tao lamang, sa katauhan ng ambisyosong presidentiable.
Mapa-text brigade o media operation, katulad ang pagbili ng mga headline o banner stories sa maliliit na tabloid, walang ibang may pakana kundi ang ambisyosong presidentiable, patunay ang ‘pera-pera formula’ para maiangat ang imahe nito.
Gamit ang ‘pera-pera formula’, hindi pang-palengke ang diskarte nga yon ng ambisyosong presidentiable dahil walang tawarang nagaganap kapag namamakyaw, as in name your price ang bagong polisiya ng mokong kung kaya’t milyones ang pinapakawalan kada araw.
Kung dati-rati’y isang headline ang pinapakyaw ng ambisyosong presidentiable, ngayo’y dalawa hanggang tatlong istorya ang binibili nito, kalakip ang hangaring wasakin ang imahe ng mga kalabang kandidato, malinaw ang pagpapakawala ng P2 milyon kada araw.
Matapos wasakin ang isa sa umatras na presidentiable, nakatuon naman ngayon ang demolition job department ng ambisyosong presidentiable sa umuusbong na presidentiable.
Maliban sa posibleng katunggaling presidentiable, inu-operate din ng demolition job department ng ambisyosong presidentiable ang iba pang kauring pulitiko na nagsisilbing tinik sa lalamunan nito, partikular ang mga taong nagbubun yag ng katiwalian laban dito.
At kahit hindi pa deklaradong tatakbo ang isa sa presidentiable, ito’y inumpisahan nang wasakin ng ambisyosong pre sidentiable at ipinapako ang pangalan ng pulitiko bilang running mate o ka-tandem kahit suntok sa buwang sumama sa kanya ito.
Clue: Pera ang panapat ng ambisyosong presidentiable sa bawat eskandalo, maging sa paghahanap ng senatoriables. Ito’y meron letrang “JR” sa kabuuan ng pangalan at apelyido.
(mgkurimaw.blogspot.com)
1 comment:
hula,hula
Post a Comment