Lalo pang lumutang ang pagiging desperado ng isang ambisyosong presidentiable na makarating ng Malacañang matapos bilihin ang isang senatoriable, kalakip ang hangaring makakumpleto ng senatorial line-up sa 2010 national election. Sa halagang P10 mil yon, walang patumanggang tumango ang isang ‘rebel senatoriable’, as in ka sing-bilis ng mga sasakyang dumadaan sa C-5 road ang pagkagat sa ‘special offer’ ng presidentiable.
Hindi maitago ni Mang Teban ang matin ding pagkadismaya dahil nakilala ang ‘senatoriable’ bilang makatwiran at sumisigaw ng reporma o pagbabago sa gobyerno subalit madaling nasilaw sa pera.
Ang matinding re velation sa lahat, mismong misis ng senatoriable ang nag-udyok sa kanyang mister na tanggapin ang alok, as in ‘bumigay’ sa offer ng ambisyosong presidentiable dahil sa matinding panghihinayang nito.
Ang tanging nakakatawa, hindi man lamang naghintay ng mas mataas na offer ang senatoriable dahil umabot sa P30 milyon ang alok ng ambisyosong presidentiable sa iba pang senatoriable.
Pintahan niyo na: Idinadaan sa ‘pera-pera’ ng presidentiable ang eskandalong kinasasangkutan at puro takbo ang diskarte, gamit ang mga spokesman habang ang senatoriable ay nasadlak sa kamalasan.
|
1 comment:
replica designer bags cheap replica handbags best replica bags online
Post a Comment