Monday, September 21, 2009

september 21 2009 abante tonite

Senatoriable, ‘iniyakan’ ng ex-senator
(Rey Marfil)

Sa sobrang pagiging desperadong makabuo ng 12-man senatorial slate ang isang nagmamalinis na partido, umiyak sa harap ng isang senatoriable ang isang dating miyembro ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso.

Nasaksihan ng TONITE Spy kung paano maglupasay ang isang dating senador sa harap ng kauring senatoriable para mapasagot sa inaalok nitong slot sa kanilang partido ngayong 2010 national election.

Bagama’t hindi literal na ‘umiyak’ at naglupasay ang isang ex-men, as in dating senador para lamang masungkit ang matamis na ‘Oo’ ng isang senatoriable, pinagtatawanan ng mga kurimaw ang pagmama kaawa ng mokong.

Kung anu-anong benepisyo ang ibina-bargain ni ex-men upang makuhang kandidato ng kanilang partido ang isa sa tinaguriang ‘rebel senatoriable’, kabilang ang pagkargo sa gastusin nito.

Ang nakakatawa lamang, lahat ng ‘paawa effect’ at pagbubuhat ng bangko tungkol sa kahusayan ng kanilang organisasyon, ito’y ibinuhos ng lahat ni ex-men para makumbinse ang kau ring senatoriable.

Kundi nga lamang nahihiya sa kausap, posibleng naglupasay at umiyak si ex-men sa harap ng kauring senatoriable para makumbinsing sumama sa kanilang partido lalo pa’t makailang-beses ipinakita ang pagiging iyakin, hindi lamang sa malaking political events kundi sa infomercial nito.

Sa kabila ng mga mapanuksong alok o bargaining chips na inilatag ni ex-men, hindi nagsa-Hudas ang rebeldeng senatoriable dahil meron naunang natanguang kandidato o presidentiable ito.

Bago pa man pinuntirya ni Ex-Men, meron naunang lumapit sa rebeldeng senatoriable, sa katauhan ng isang ambisyosong presidentiable na nag-alok ng P10 milyong campaign fund bilang down payment hanggang umabot ng P30 milyon ang offer ni Banker subalit tablado pa rin ito.

Sa tindi ng pagnanais ni ex-men na makuhang senatorial candidate ang kausap, animo’y pusang hindi mapakali sa isang tabi ang mga eksena sa kanilang meeting kung saan paikut-ikot ang kumag dahil hindi malaman kung anong gagawing drama.

Maliban sa hangaring makuha bilang senatorial bet, puntirya rin ni ex-menna masungkit ang suporta ng organisasyon ni Rebel senatoriable lalo pa’t malaki ang impluwensya sa publiko, patunay ang resulta noong 2007 mid-term election.

Clue: Patuloy naghihimas ng rehas ang rebeldeng senatoriable habang mada ling makilala si ex-men dahil angat kapag pinagtabi-tabi sa lahat ng mga dating senador. Ito’y meron letrang “D” sa kabuuan ng pangalan at apelyido, as in Di na ako iiyak. (mgakurimaw.blogspot.com)