Thursday, September 17, 2009

september 17 2009 abante tonite

Maling script!
Rey Marfil


Hanggang sa huli, ti nangkang pigilan ang privilege speech ni Senator Ping Lacson noong nakaraang Lunes, tatlo sa maraming kaibigan o common friend, sa pagitan ni Erapsky ang tumayong emisaryo subalit walang nagtagumpay, na tuloy ang inaabangang ‘expose’ kung anong klaseng lider at karakter ang ama ni Senator Jinggoy.

Ang resbak ng kampo ni Erapsky: Bakit ngayon lang nagsalita si Lacson gayong nanahimik sa loob ng 9-years? Ang nakaligtaan ng mga taga-Polk Street, ang kasabihang ‘magbiro ka na sa taong lasing, huwag lang sa bagong gising’. Higit sa lahat, hindi naisama ng mga scriptwriter ni Senator Jinggoy ang kasagutang ‘Oo at hindi’ tungkol sa smuggling, jueteng at panggigipit ng mga negosyante ni Erapsky!

Kahit nakapagtapos lamang sa ‘Mababang Paaralan ng San Andres Bukid’, maiintindihang nag-ugat ang lahat sa dispalinghadong press statement ng spokesperson ni Erapsky. At pagkatapos ng kapalpakan ni Margaux Salcedo, napabalitang sinibak ni Erapsky kaya’t biglaang nabura sa lahat ng press statement ang contact number, maliban kung itinago lamang sa tabi-tabi para pahupain ang init?

Kundi nagkakamali ang Spy, isa sa ‘ginawang ina’ ni Erapsky, as in nakarelasyon ang nag-alburuto at nanggigigil kay Margaux. Kaya’t huwag ikagulat kung lalo pang lumawak ang iringan ng mag-half brother -- sina JV Ejercito at Jinggoy, hindi ba’t si JV ang nagpasok kay Margaux sa kanilang kampo? Take note: Si JV din ang isa sa nakipag-usap kay Lacson bago nai-deliver ang privilege speech subalit nabigo!
***
Napag-usapan ang privilege speech, noong nakaraang Setyembre 14 (Lunes) naitala ang pina kamaraming bisita sa Senado, aba’y napuno ang gallery, as in all seats taken at standing room ang buong session hall -- ito’y kabaliktaran sa nagdaang panahon kapag ordinary business ang nakalistang agenda sa floor.

Halos magbanggaan ang balikat ng mga bisitang pumapasok sa session hall upang personal na saksihan at mapakinggan ang pagsabi ni Lacson nang “God Save the Philippine from Erap”. At mala-San Miguel Beer (SMB) ang mensaheng ipinakita ng pamilya Lacson dahil present sa gallery ang tatlong kapatid at ilang pamangkin.

Hindi lang iyan, all out ang suporta ng whistleblower group at nagsidatingan ang mga die hard fan ni Lacson, malinaw ang katotohanang mabango pa rin ito. In fairness kay Jinggoy, hindi rin nagpahuli ang ‘die hard boys’ ni Erapsky, aba’y mala-pelikulang “God Father” ang drama sa Senate, pati kasuotang salamin ni Jinggoy, kopya ang porma ni Al Capone nang mag-speech.

Iyon lang, nasayang ang pag-aabang ng audience dahil nauwi sa kuwitis at marami ang natawa dahil kamuntikan pang ‘Mag-Call a Friend’ si Jinggoy nang hamuning sumalang sa ‘question and answer portion’, aba’y hindi nagpa-interpellate kay Lacson at naresbakan sa manifestation!

Kung ka-family ang nanood sa privilege ni Lacson, tropang ‘Ex-Men’ naman ang entourage ni Jinggoy noong nakaraang Setyembre 15, as in dating gabinete ng kanyang ama ang tumayong audience --sina ex-DOLE Sec. Benny Laguesma, DOH Sec. Romualdez at DBM Sec. Ben Diokno, animo’y ‘pa lakpak boys’ ni GMA.

Never mind si ex-Usec Icasiano Guttierez, ito’y pampuno lamang sa VIP gallery. Ang kantiyaw tuloy ng Senate media, sinira ni Ike ang entourage ni Jinggoy, malay n’yo nga naman kung maraming reporter ang nailista sa kanyang ledger. Kaya’t ang tanong ng mga kurimaw: Hindi kaya pinagsisihan ng mga ‘Ex-Men’ ni Erapsky kung bakit pa nasama sa drama ni Jinggoy, aba’y umatras ang kanilang bata sa talent portion category? (mgakurimaw.blogspot.com)