Friday, September 11, 2009

september 11 2009 abante

Presidentiable nanghinayang sa ginastos

Hindi pa man nagsisi mula ang tunay na bakbakan sa 2010 presidential election, maagang pinanghihinayangan ng isang ambisyosong presidentiable ang multi-milyon pisong winaldas sa premature campaign, katulad ang sangka terbang TV ads nito.


Hindi maisawang matawa ni Mang Teban matapos madiskubreng maagang pinagsisihan ng isang ambisyosong presidentiable ang napakala king pondong ginastos sa TV ads at media operations dahil sa isang iglap, namimiligrong mabura ang magandang ra tings sa presidential survey nito.


Dinadaga sa dibdib ngayon ang ambisyosong presidentiable sa biglaang pagsulpot ng pangalan ng isa pang presidentiable bilang isa sa ‘flavor of the month’ sa lahat ng media coverage, maging sa iba’t ibang forum.


Mas lalo pang kinaba han ang ambisyosong presidentiable nang mabalitaang all out ang suporta ng ilang kapa rian sa bagong sibol na presidentiable at walang ibang tinamaan kundi ang sariling popularity rating nito.


Ang nakakatawa sa lahat, halos umakyat sa leeg ng ambisyosong presidentiable ang kanyang dalawang itlog nang balitaan mula sa isang kakamaping senatoriable na unti-unti nang nababawasan ang kanyang suporta sa itinuturing na balwarte nito.


Mismong kakam ping senatoriable, ito’y nagdadalawang isip nang tumakbo sa ticket ng ambisyosong presidentiable matapos madiskubreng natapyasan ang popularidad ng kaibigan, alinsunod sa in-house survey na inisponsoran sa kanilang distrito.


Pintahan niyo na: Puro takbo ang diskarte ng ambisyosong presidentiable kapag nauungkat ang mga eskandalo. Ito’y merong letrang ‘A’ sa kabuuan ng pangalan at apelyido, as in Advertisement ang puhunan.