Presidentiable, kinotongan ni ex-palace official |
Katulad ng kasabihang ‘mahirap ituwid ang matandang sanga’, sadyang wala nang pag-asa pang magbago ng pag-uugali at diskarte ang isang dating kampon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo matapos ‘kotongan’ ang isang presidentiable.
|
Friday, January 30, 2009
jan 30 2009 abante
Thursday, January 29, 2009
jan 29 2009 abante tonite
Pahamak si Mahusay! | |
Rey Marfil | |
|
Wednesday, January 28, 2009
january 28 2009 abante tonite
Mestisuhing solon nagdadaster (last part) | |
(Rey Marfil) | |
|
Tuesday, January 27, 2009
jan 27 2009 abante tonite
Jarencio at Macerin ang kailangan | |
Rey Marfil | |
|
Monday, January 26, 2009
january 26 2009 abante tonite
Mestisuhing solon, nagdadaster (part 1)! | |
(Rey Marfil) | |
|
Thursday, January 22, 2009
jan 22 2009 abante tonite
Ay, ay, Aytona | |
Rey Marfil | |
|
Wednesday, January 21, 2009
jan 21 2009 abante tonite
Baranggay officials, binalasubas ng lady solon | |
(Rey Marfil) | |
|
Tuesday, January 20, 2009
jan 20 2009 abante tonite
It’s time! | |
Rey Marfil | |
|
Monday, January 19, 2009
january 19 2009 abante tonite
Solon, nagpaputol ng bituka
(Rey Marfil)
Sa harap ng pangambang lumobo ang pangangatawan, isang miyembro ng Kongreso ang nagpaputol ng bituka para mabawasan ang katakawan sa pagkain o nakaugaliang pagpapakabundat kahit oras ng trabaho sa kanyang opisina.
Nang magbakasyon ang dalawang kapulungan ng Kongreso, sinamantala ng maaksyong solon ang pagkakataon upang sumailalim sa ‘bariatric operation’, kalakip ang hangaring magpapayat o mabawasan ang timbang nito.
Sa report na nakalap ng TONITE Spy, itinago ng maaksyong solon ang pagsailalim sa bariatric operation, isang proseso ng pagbabawas ng timbang kung saan hindi pinagda-diet ang kliyente o kaya’y pinapayuhang mag-exercise kundi tinatanggalan ng bituka ang mga ito.
Sa pamamagitan ng `bariatric operation’, hindi kasing-ganang kumain ng mga batang mahilig sa ginisang gulay at hindi rin kasing-kulay ang buhay ng isang pasyente, katulad ng television commercial dahil awtomatikong mababawasan ang katakawan sa pagkain ng maaksyong solon.
Makailang-beses nang nagpapayat ang maaksyong solon, kabilang ang pagpapatanggal ng taba o liposuction operations sa de-kalibreng doktor mula sa tinitingalang medical clinic subalit nagtapon lamang ng pera ang mambabatas.
Maliban sa pagpapa-lipo sa tinitingalang medical clinic sa Pilipinas, sumailalim din sa iba’t ibang uri ng mga formula sa pagda-diet ang maaksyong solon subalit sumuko lahat ng mga dietician at tumayong trainer dahil hindi magawang iwanan ng mambabatas ang katakawan sa pagkain.
Bagama’t mapanganib ang bariatric operation at posibleng ikamatay ng maaksyong solon, katulad sa ginawang pagpapa-liposuction sa de-kalibreng mga medical doctors, ito’y pinasok ng mambabatas sa pangambang lulobo ang pangangatawan at matulad sa pelikulang “Nutty Professor” na pinagbidahan ni Eddie Murphy.
Matinding medical at physical examination ang pinagdaanan ng maaksyong solon habang nakabakasyon ang Kongreso subalit nakakatawang isiping hindi pa rin magawang isakripisyo ng mambabatas ang mga masasarap na handa ng kanilang pamilya noong nakaraang Noche Buena at Media Noche dahil tinapos ang Kapaskuhan bago nagpaopera ito.
Pagkatapos ng Pasko at Bagong Taon, isinalang sa operasyon ang maaksyong solon kung kaya’t halos dalawang linggong nakaratay sa ospital at posibleng hindi makapasok ng opisina ngayong magbabalik-sesyon ang Kongreso.
Clue: Hindi kuwestyon ang kabaitan ng maaksyong solon subalit napakapikon, hindi lamang sa laro kundi sa kritisismo. Kung kongresista o senador, abangan sa session hall kung makakapasok ngayong hapon. (www.mgakurimaw.blogspot.com)
Friday, January 16, 2009
jan 13 2009 abante tonite issue
Don King ng Pinas?!
Rey Marfil
Hindi kailangan pahulaan kay Jojo Acuin ang posibleng pagkaantala ng 2010 presidential election dahil kahit rugby boys sa ilalim ng LRT station, abot sa kanilang kaalaman kung gaano ka-desperada ang ina ni ‘Lion King’ na palawigin ang termino sa dami ng anomalyang sinabitan.
Thursday, January 15, 2009
jan 15 2009 abante tonite issue
Rey Marfil
Kundi pagiging inutil ni DOE Sec. Angelo Reyes sa pagsirit ng gasolina sa world market at naglipanang tarpaulin o pagmumukha ng ‘Bayaning isinusuka ng mga vendor’, si MMDA chairman Bayani Fernando ang makikita sa kahabaan ng Edsa, pambubugbog ng pamilya ni DAR Sec. Nasser Pangandaman sa golf course o kaya’y bribery scandal sa lamesa ni DOJ Sec. Raul Gonzalez ang headlines, pagmamaniobra ng Malacañang sa Charter change (ChaCha) ang hot issue sa Korte Suprema.
Ibig sabihin, wala nang inatupag ang mga kampon ni Mrs. Gloria Arroyo kundi gumawa ng kabulastugan at mabibilang sa daliri ang nag-iisip ng maganda para sa bayan, animo’y pag-aari ang gobyerno at panghabambuhay sa kapangyarihan.
Sa hanay ng mga gabinete ni Mrs. Arroyo, mabibilang ang masasabitan ng gold medal, katulad ni DA Sec. Arthur Yap. Mantakin n’yo, kahit niyanig ng rice crisis ang buong mundo at nauwi sa ‘half rice’ ang formula sa Jollibee at McDonald, ipinakita ni Yap ang pagiging ‘Action Man’ kahit napaka-batang opisyal ng Malacañang dahil naitali nang maayos ang mga sako sa kanyang opisina, as in naresolba ang pangambang magkakaubusan ng bigas at naisakatuparan ang pangakong ‘Pagkain sa Bawat Mesa’.
Ngayong nahaharap sa global crisis o recession, isang matalinong hakbang ang ‘consensus-building approach’ ni Yap, partikular ang pag-convene sa lahat stakeholders ng agricultural sectors upang hanapan ng kasagutan ang posibleng kakulangan ng food supply sa hinaharap. Kahit sinong beterano at espesyalista sa larangan ng agrikultura, maging taga-oposisyon, aminadong pinakamasalimuot ang ‘agriculture portfolio’ sa Pilipinas.
Sa isang mundong dinidiktahan ng World Trade Organization (WTO), kailangang madiskarte at maingat ang nakaupong ospiyal lalo pa’t matinding kompetisyon sa produkto ang labanan at kailangang pasok sa pamantayan ng bawat bansa ang ibinebentang agricultural products. Sa kalibre ni Yap, nasa tamang direksyon ang Pilipinas, huwag lang pakikialaman ang kanyang diskarte ng mga ‘kamote’ at hunghang sa Malacañang.
***
Sa lahat ng survey, si Vice President Noli De Castro Jr. ang No. 1 contender sa 2010 presidential election subalit malaking katanungan kung handang ampunin ng Lakas-CMD Party lalo pa’t diskuntento si Tabako, as in ex-President Fidel Ramos sa diskarte nito? Ibig sabihin, may karapatan si Senador Bong Revilla Jr. bilang standard bearer, ito’y nagsilbing vice governor at governor ng Cavite at blockbuster ang anti-piracy campaign bilang Videogram Regulatory Board (VRB) chief, ngayo’y Optical Media Board (OMB). Take note: Vice President ng Lakas-CMD si Idol at outsider si Uncle, maliban kung mauuwi sa ‘xerox’ ang nangyari kina Senator Ping Lacson at namayapang Fernando Poe Jr. noong 2004.
Hindi ba’t pinanumpa ni Lolo Edong Angara si Da King sa oposisyon para maging running mate ng kaibigan nitong si Loren Sinta kaya’t nag-solo si Da Ping? Kumpara sa ilang ‘self-proclaimed presidentiable’ ni Mrs. Arroyo, wala sa kalingkingan ni Senator Bong ang popularidad ni Fernando. Mantakin n’yo, kung hindi pa nag-ala Bayani Casimiro sa Celebrity Duets ng GMA-7, hindi makakakuha ng 5% sa presidential survey pero ngayong natapos ang singing competition, hindi ba’t balik sa dating gawi ang performance level ni Fernando at malapit nang maabot ang naunang pagiging consistent sa 1%?
Ang kailangan lang pag-ingatan ni Idol ay ang kaganapan noong 2004 election, hindi ba’t escorted pa ng mga kampon ni Lolo Edong si Da King papasok sa kanilang kampo kahit sa ibang barangay nakatira ito? Pero ngayon, nasaan ang ‘bespren’ ni Loren Sinta, hindi ba’t ka-jamming ni Mrs. Arroyo sa Palasyo at naging katropa pa ni Senator Bong sa administration bloc ito?
Ni sa panaginip, ayaw isipin ng mga kurimaw sa presidential garden ang senaryong dadanasin ni Idol ang pagkaka-etsapuwera sa selection process, katulad sa sinapit ni Da Ping sa kamay ni Lolo Edong. Anyway, pareho pang Caviteño ang dalawang (2) senador at magkumpare sa kasalang Santamaria-Lacson sa Amerika. Kahit itanong n’yo pa kay Kuya Efren, as in birthday boy Jun Lingcoran Jr. ng dzMM na magbabalik-Congress beat sa Lunes! (www.mgakurimaw.blogspot.com)
Wednesday, January 14, 2009
January 14, 2009 Wednesday |
OTHER NEWS |
Solon may phobia sa Palasyo | |
(Rey Marfil) | |
|
Saturday, January 10, 2009
January. 10, 2009 Saturday
SEARCH Abante-Tonite
OTHER NEWS
News Stories
Crimes News
Hulaan Blues
Solon minanyak ang sariling nurse
(Rey Marfil)
Katulad ng kasabihang ‘mahirap ituwid ang matandang sanga’, walang kadala-dala at hindi kumukupas ang pagiging manyakis ng isang matandang miyembro ng Kongreso matapos puwersahing tikman ang sariling nurse nito.
Thursday, January 8, 2009
EDITORIAL & OPINION
Durog sa droga
Hindi patas kay Sonny
Social users
Bahay sa tabing-dagat
Hindi patas kay Sonny
Rey Marfil
Labing-walong buwan bago ang 2010 presidential election, unti-unting lumilinaw ang intensyon ng Lakas-CMD na suportahan si Vice President Noli De Castro Jr. Sa madaling salita, nagsayang lamang ng load ang ‘bayaning isinusuka ng mga vendor’ -- si MMDA chairman Bayani Fernando para manalo sa ‘Celebrity Duets’ ng GMA-7. Mantakin n’yo, nagpakapagod sa kapa-practice si Fernando sa pamosong sayaw ni Bayani Casimiro, katulad sa programang ‘Okey Ka Fairy Ko’, pagkatapos maietsapuwera rin lang sa final list at walang kahirap-hirap pang masusungkit ni Uncle Noli ang bendisyon ng Lakas-CMD. Kung ganito rin ang kanyang kapalaran, dapat pagda-drama ang sinalihang kompetisyon ni Fernando para napaghandaan ang ‘crying scene’.
Kaya’t dobleng-ingat ang dapat gawin ng driver ni Lakas-CMD executive director Ray Roquero kapag napagawi ng Metro Manila, posibleng katakut-takot na violation ang abutin sa mga tauhan ni Fernando kapag nasita sa pagmamaneho. Isipin n’yo nga naman, lahat ng pagpapa-pogi sa telebisyon, ito’y ginawa ni Fernando at tatablahin lamang ni Roquero. Sabagay, kahit nagmumukhang ‘kenkoy’ sa Celebrity Duets, laway lang naman ang puhunan ni Fernando dahil hindi naman nagmula sa kanyang bulsa ang ipinambili ng gasolina at krudo sa mga heavy equipments at MMDA trucks na nagparada sa Maynila para batiin ng ‘Congratulations’ ang kanilang amo. Ang abangan ni Fernando kung paano sasalagin ang init ng ulo ni Sen. Miriam Santiago kapag isinalang sa hot seat ito. Sa malamang, pamilya lamang ni Fernando ang matitirang respondents sa presidential survey at mababawasan ang nakuhang 1%!
***
Hindi hadlang ang rehas kay opposition Senator Antonio “Sonny” Trillanes IV, malinaw ang inihaing proposed bill upang sampolan ang mga tiwaling contractor at sub contractor sa lahat ng public works projects. Sa ilalim ng Senate bill No. 2944, papatawan ng 12 taon hanggang 20 pagkakabilanggo at pagbabawalang pumasok sa mga kontrata ng gobyerno ang mga contractor at sub contractor, indibidwal man o korporasyon, kapag nasangkot sa pagtatayo ng mga dispalinghadong gusali, tulay, kalsada, palengke, kabilang ang multang 50% hanggang 200% mula sa kabuuan ng kontrata.
Ibig sabihin, mas kapaki-pakinabang si Trillanes bilang senador kung nasa labas ng PNP Custodial Center kumpara sa ilang kasamahang mambabatas na walang inatupag kundi dumalo ng ribbon cutting, mag-cutting class at kung anu-ano pang estilo ng pagbubulakbol sa session hall.
Sayang ang talento ni Trillanes, isama natin ang pagiging Navy seal, Class mathematician, maging ang natutunan sa Philippine Military Academy (PMA) kung nakatengga lamang sa apat na sulok ng selda ng PNP Custodial Center. Kung binibigyan ng presidential pardon ni Mrs. Arroyo ang mga kriminal at iba pang uri ng mga taong halang ang kalululuwa, bakit hindi magawa kay Trillanes na itinaya ang buong buhay at career para imulat ang publiko sa malawakang katiwaliang nagaganap. Sabagay, lahat ng nagsasabi ng katotohanan, napaparusahan pero ang mga kawatan ang naililigtas sa kasalanan. Kahit itanong n’yo pa kay Million Dollar Man, ‘di ba ex-DOC Sec. Nani Perez?
Kaya’t napakalaking katarantaduhan ang pag-angal ng ilang administration senator sa teleconferencing na inila-lobby nina minority leader Aquilino ‘Nene’ Pimentel Jr., at opposition senator Panfilo ‘Ping’ Lacson, maliban kung sadyang nagpapadikta kay Mrs. Arroyo sina Miriam Defensor-Santiago, Dick Gordon at Joker Arroyo kaya’t hinaharang ang karapatang nais ibigay kay Trillanes. Anyway, hindi natin babanggitin ang pangalan, dalawa sa administration senators ang nagkumpirmang meron ‘direct order’ ang Malacañang para harangin ang resolusyon at pagbabago ng Senate Rules. Dito masusubukan si Senate President Juan Ponce Enrile lalo pa’t nagawang bumisita kay Trillanes at ipinangako ang teleconferencing! (www.mgakurimaw.blogspot.com)
Wednesday, January 7, 2009
Jan. 07, 2009 Wednesday
SEARCH Abante-Tonite
OTHER NEWS
News Stories
Crime Stories
Solon minura ng opisyal ng Malacañang
(Rey Marfil)
Kung anong tikas ng titulo sa Kapulungang kinabibilangan, ito’y walang silbi sa harap ng isang maimpluwensyang Palace official matapos pagmumurahin ang isang mestisuhing solon sa harap mismo ng mga government officials at kauring mambabatas.
Tuesday, January 6, 2009
SEARCH Abante-Tonite
EDITORIAL & OPINION
Panahon na para ibahagi ang pakinabang
Sala sa init, sala sa lamig!
Maraming tanong kay Usec. Blancaflor
Tama na po!
May retirement fee ba ako?
Sala sa init, sala sa lamig!
Rey Marfil
Hindi natin babanggitin ang pangalan, bago mag-Pasko, isang ex-general ang naispatang ‘namasko’ sa mga Chinese businessmen. Sadyang malaki ang pangangailangan ni ex-general, aba’y tinipon sa isang private room sa Chinese restaurant sa Greenhills, San Juan ang mga ‘holy cow’ as in ‘gatasan’. Mabuti lang, hindi napadaan si Bayan Party-list Rep. Teddy Casiño sa lugar kundi umuwing luhaan si ex-general at posibleng naunsyami ang ‘parating’ ng mga kaibigang businessmen kung nagkasalubong sa restaurant lalo pa’t ‘langis at tubig’ ang relasyon ng dalawa.
Napag-usapan ang Pasko, isang senador ang nalango sa alak sa sariling Christmas Party na inisponsoran. Ang resulta: Wala nang sinasanto ang mambabatas at lumalabas ang tunay na pag-uugali, maging staff nito’y pinagmumura kaya’t napaiyak sa harap ng mga kaibigan. Anyway, lalo pang nanganganib ang pagsasama ng isa pang senador, patunay ang pagtanggi ng kanyang misis na sumama sa ‘photo ops’, as in pictorial na gagamitin sa kalendaryo. Ang nangyari; dalawang version ng kalendaryo ang inilabas ng senador, isa ang lumang kuha, kasama ang buong pamilya at mag-isang bumati ng ‘Merry Christmas’ sa bagong 2009 calendar.
***
Hindi kailangang UP graduate para maintindihan kung anong motibo ng katukayo ni Joselito Cayetano kung bakit kaliwa’t kanan ang ‘pagkahol’ sa P20 bilyon pork barrel insertion -- ito’y ‘double motive’ sa pagbubukas ng ethics probe, katulad ng double insertion sa C-5 Road project, as in kailangang mag-ingay upang magpa-pogi kay Manny Villar at i-divert ang isyu. Ang malungkot lamang, sa hanay ng mga magbabalot at nagtitinda ng penoy sa Taguig at Pateros, ginagawang ‘tanga’ ng utol ni Pia Cayetano ang publiko, aba’y humihingi ng transparency kay Senate President Juan Ponce Enrile sa pork barrel insertion gayong takot pabuksan ang double insertion at conflict of interest sa C-5 road project.Mantakin n’yo, kapag ‘ex-minority bloc’ ang humihingi ng transparency sa Senate leadership, walang ibang palusot ang katukayo ni Joselito kundi ‘pinag-iinitan’ ang kanyang amo dahil nangunguna sa presidential survey.
At ngayong nakasalang sa ethics probe, iisa pa rin ang script ng utol ni Pia gayong hindi naman kumikita sa takilya, as in ‘sala sa init, sala sa lamig’. Ang pagkakaiba lamang, sila ngayon ang sumisigaw ng ‘transparency’ sa pork barrel insertion na hindi ginawa ng kanilang grupo sa panahong naghaharing-uri sa Senado at tila hindi pa rin matanggap ng katukayo ni Joselito ang pagkasipa sa trono. Sabagay, anong maasahan kay Cayetano kung mismong ama na -- si dating senador Renato ‘Companero’ Cayetano naimbestigahan ng ethics committee sa P80 milyong BW Resource scandal. Partida pa iyan, laway lang ang puhunan!
Kundi nagkakamali ang Spy, hanggang ngayon walang isinusumiteng membership ang 6-man minority bloc sa committee on ethics ni opposition senator Panfilo ‘Ping’ Lacson. At bago mag-Christmas break, idineklara ang boykot gayong kumpleto-rekados ang ‘ex-majority bloc’ sa panahong namamayagpag sa trono. Kung naging maagap ang Wednesday Club, hindi mamalasin ang mister ni Las Piñas Congw. Cynthia Villar sa pagbabalik-sesyon lalo pa’t ilang buwang nakatengga ang reklamo ni Senadora Consuelo Madrigal-Valade, alyas Jamby. Ibig sabihin, kung kaagad inaksyunan ni Pia Cayetano ang reklamo ni Jamby at ipinag-utos ni Villar ang agarang pagpatawag ng public hearing upang masagot ang isyu sa conflict of interest, hindi inabutan ng ‘kudeta’ ang ethics probe at nag-Paskong nakangiti ang buong tropa! (www.mgakurimaw.blogspot.com
Monday, January 5, 2009
SEARCH Abante-Tonite
OTHER NEWS
News Stories
Crime Stories
Kuripot na solon biglang naging galante
(Rey Marfil)
Kung hindi nga lamang pinagpipitagang miyembro ng Kongreso, mapagkakamalan pang gate crasher ang isang bugnuting solon matapos magbitbit ng anak sa Christmas Party at lumalabas pang binawi lamang ang ginastos nito.
Halos ipagpamisa ng mga kurimaw, sa pangunguna ng TONITE Spy ang biglaang pagiging galante ng solon matapos humugot ng sariling pera sa bulsa at tapatan ang cash prizes na ipina-raffle ng mga kasamahan sa organisasyon.
Sa mahabang panahon, isa ang solon sa pinaka-classic magregalo o magbigay ng giveaways dahil underwear at kung anu-anong ladies and men’s accessories ang pinapa-raffle sa mediamen nito.
ahil malapit nang mapaso ang termino, mistulang nag-aparisyon si Judiel sa Kongreso matapos magbago ng imahe ang solon at biglaang naging galante, patunay ang pagpa-raffle ng cash sa Christmas party at nagawang humugot ng P50 libo sa bulsa para samahan ang mga kapartidong nag-donate ng pondo.
Bagama’t nag-donate ng P50 libong cash ang bugnuting solon, hindi naman maiwasang kantiyawan ng mga kurimaw ang mambabatas dahil binitbit ang kanyang anak sa Christmas party at mistulang binawi lamang ang salaping nai-donate bilang pa-raffle.
Kaagad naman lumutang ang senaryong inihahanda ng solon ang anak sa malaking laban sa pulitika ngayong 2010 national election lalo pa’t mapapaso ang kanyang termino at sinimulan nang ipakilala ang papalit dito.
Mas lalo pang nakulayan ng pulitika ang pagbitbit ng anak sa Christmas party ng solon dahil namudmod ito ng payong kung saan nakatatak ang pangalan ng anak, animo’y media kit na ipinamigay sa bawat lamesa ng mga mamamahayag.
Clue: Kung anong tapang ng bugnuting solon, siyang duwag sa kanyang misis at siya ring kunat sa tunay na buhay. Ito’y meron letrang ‘B’ sa kabuuan ng pangalan at apelyido, as in Boy Flashback (www.mgakurimaw.blogspot.com)
Saturday, January 3, 2009
january 3 2009 abante tonite issue
SEARCH Abante-Tonite
OTHER NEWS
CRIMES NEWS
HULAAN BLUES
Solon, natakot sa raffle
(Rey Marfil)
Kung umeskapo sa sariling Christmas party ang isang maaksyong mambabatas, mas malupit ang ginawa ng isang kunyong miyembro ng Kongreso matapos mag-inarte sa inisponsorang pagtitipon at pinaniniwalaang natakot sa pa-raffle.
Nasaksihan ng TONITE Spy kung paano nag-feeling very important person ang isang kunyong solon matapos tablahin ang dalawang Christmas party na sinalihan ng mokong, animo’y napakahalaga ng partisipasyon.
Halos kumpleto ang grupo ng kunyong solon sa Christmas party ng kanyang partido kung kaya’t hindi maiwasang pagdudahang nagtago at umiwas sa gastos dahil natatakot itong mahiritan ng malaking pa-raffle lalo pa’t lahat ng mga dumalo’y nagbigay ng cash prizes.
Bagama’t wala sa halaga ng regalo ang diwa ng Pasko, tanging ikinadidismaya ng mga kurimaw ang pagiging saksakan ng kunat ng kunyong solon at hindi kailangan pang pag-aksayahan ng oras ang anumang imbitasyon dahil kasing-kunat ng kornik ang giveaways na ipinamudmud.
Sa Christmas party ng isang grupo ng mga mambabatas, unang-una ang pangalan ng kunyong solon sa mga tumatayong sponsor subalit lumalim ang kasiyahan, hindi man lamang nabanaag kahit isang staff ng kumag, as in sinolo ng kasamahan ang pagtitipon at pagbibigay-saya sa mga mediamen.
Hindi sumipot ang kunyong solon, katulad ng iba pang kasamahan sa grupo kaya’t nagmukhang kawawa ang nag-iisang bumalikat sa pagtitipon at wala ring maibigay na explanation ang mga staff ng mokong.
Maging sa Christmas party ng partidong kinabibilangan ng kunyong solon, ito’y muling nag-inarte at hindi nagpakita sa mga kasamahang mambabatas gayong nakalista ang pangalan bilang isa sa sponsor.
Clue: Saksakan ng kunat ang kunyong solon, patunay ang pagpapakain ng pop corn sa birthday party at pamumudmod ng kornik bilang giveaways, pag-uwi ng tirang alak at pinababantayan ang litson sa mga tauhan.
(www.mgakurimaw.blogspot.com)