Wednesday, November 26, 2008

nov 26 2008 abante tonite issue

Mulaway naligo sa laway
(Rey Marfil)

Katulad ng kasabihang “tuso man ang matsing, napaglalangan din”, naisahan ng isang reporter ang isang daldalerong solon na mahilig magpaulan ng laway sa session at iba pang media interview matapos aksidenteng matalsikan ng ibang laway ito.
Bago napaulanan ng laway ang daldalerong solon, nasaksihan ng TONITE Spy kung gaano ka-busy sa pagkukuwento sa harap ng mediamen ang mokong, kabilang ang pagbubuhat ng bangko at pagbibida sa mga nagawa sa gobyerno.
Sa mahabang panahon, walang inatupag ang mga mediamen na nagko-cover sa Kongreso, maging kasamahang mambabatas kundi sumalag sa nagtatalsikang laway ng daldalerong solon lalo pa’t isang oras ang ginugugol kapag naglilintanya.
Kung hindi lamang ipinagbawal ang magbukas ng payong sa session hall o kaya’y mag-kapote sa floor, ito’y matagal nang ginawa ng mga reporter, maging kasamahang solon upang makaiwas sa bumubula at nagtatalsikang laway ng daldalerong solon.
Sa isang ambush interview, mistulang nakaganti ang buong miyembro ng press corps sa walang katapusang pagpapaulan ng laway ng daldalerong solon, sa pamamagitan ng isang kasamahang reporter.
Mas lalo pang nagpasiklab ang daldalerong solon nang mapansin nitong nagmula sa mga kilalang newspaper ang mga kaharap at inakalang headlines kinabukasan ang pag-astang ‘Boy bida’ sa kuwentuhan.
Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakaresbak ang mediamen sa walang katapusang pagpapaulan ng laway ng daldalerong solon matapos tawagin ang isang reporter na nasa ‘di kalayuan ng mokong upang tanungin kung anong nilulutong istorya nito.
Kasabay ang pagtatanong ng daldalerong solon, aksidenteng tumalsik ang namumuong laway ng reporter at bumagsak sa kaliwang braso ng kumag kung kaya’t humagikgik sa katatawa ang kasamahang mambabatas na nakasaksi dito.
Kaagad namang humingi ng sorry ang reporter at patay-malisya ang daldalerong solon, as in hindi magawang ma­galit ng mambabatas dahil matagal nang gawain ang magpaulan ng laway at halos namumuti ang balat ng mga katabi sa lamesa.
Clue: Pikon ang daldalerong solon kapag naididikit ang kanyang pangalan sa MalacaƱang kung saan saksakan ng ingay, hindi lamang sa session hall at public hearing kundi sa lahat ng kuwentuhan. Ito’y binansagang ‘Mulaway’ ng Kongreso dahil talsik-laway kahit saang forum at bastos ang nickname nito. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

2 comments:

JZ said...

napakalaking tulong ang ginagawa mong pagbabalita sa mga kaganapan sa ating kapaligiran. lalo na itong blogspot mong ito na nagbibigay ng dagdag na kaalaman sa nauna mong ibinalita. mayroon lang akong isang puna na kung bibigyan mo ng pansin ay lalong makapagbibigay ng kaliwanagan sa iyong ibinabalita. ang width space ng iyong kolum sa iyong blogspot na ito ay hindi sapat para maaccomodate ang lahat ng iyong ibinalita. nagkakaroon ng omisyon sa iyong mga sinasabi sa iyong blogspot dahil sa kakulangang ito ng espasyo sa column width. maraming salamat.

yanmaneee said...

golden goose
fila
kd 11
louboutins
nike 270
ferragamo sale
golden goose
louboutin outlet
hogan outlet
red bottom shoes