Thursday, November 6, 2008

nov 6 2008 abante tonite issue

Magkaibigang tunay!
Rey Marfil


Simpleng arithmetic kung bakit iisa ang paboritong ospital, abogado at doktor ng mister ni Mrs. Gloria Arroyo at fertilizer architect Jocjoc Bolante - lahat sila’y konektado sa isa’t isa, hindi lamang sa Rotary Club kundi sa iba pang bagay. Kaya’t hindi nakakapagtakang paba­lik-balik ng St. Luke’s Medical Center si Jose Pidal, as in First Gentleman Mike Arroyo para magpa-check up, aba’y puro katropa ang nangangalaga kay Bolante. Huwag lang bumalik sa alaala ni Jocjoc ang ‘4-way test’ at maiba ng dosage, siguradong ‘kakanta’ sa fertilizer scandal kapag naisalang sa Upper House. Anyway, huwag ipagtaka kung nangayayat si Jocjoc sa Amerika, aba’y inubos ang lahat ng pataba sa Pilipinas!
Kapag binalikan ang background ni Bolante sa go­vernment services, lahat konektado sa pera, katulad ang pagiging Undersecretary for Finance and Administration ng Department of Agriculture (DA), chairman ng ZNAC Rubber Estates Corporation, Solidlife Holdings Corporation, at Food Credentials Corporation, director ng Land Bank of the Philippines (LBP), Livelihood Corporation at National Power Corporation (Napocor). Higit sa lahat, ito’y miyembro ng Investment Coordination Committee (ICC) sa National Economic Development Authority (NEDA). Take note: NEDA ang pinaka-powerful sa lahat ng proyekto at sandamakmak ang corruption sa Napocor!
Ang tanong ng mga kurimaw: bakit sa St. Luke’s na-confine si Jocjoc gayong tawid-kalsada lamang ang San Juan De Dios at Senate Building? Ang sagot: katropa sa Rotary Club nina Jose Pidal at Jocjoc si Jose F.G Ledesma -- ang presidente at chief executive ng St. Luke’s Medical Center. Silipin sa yellow page, hindi ba’t Makati Rotary Club Foundation, Inc. G/F MRCFI Building, Camia Street. No 279 E. Rodriguez Sr., Avenue, Quezon City ang nakalistang office address ni Dr. Lolo Jose? Ibig sabihin, hindi lang nagsisimula sa letrang ‘J’ ang kanilang given name at nickname kundi iisang chapter sa Rotary Club sina Jocjoc, Jose Pidal at Lolo Jose!
***
Maging ang legal counsel ni Jocjoc -- si Atty. Antonio Zulueta, ito’y nagsilbing abogado ng esposo ni Mrs. Arroyo sa Jose Pidal scandal nang maimbestigahan sa Upper House at kundi nagkakamali ang Spy, ito’y kinuha rin ni DILG Secretary Ronaldo Puno na isa pang Rotarian. Kaya’t walang magandang naidudulot ang mga social club dahil nagiging ‘lutuan’ ng mga kalokohan. Sa madaling salita, walang pinag-iba sa basketball game ang mga character na nagsusulputan sa fertilizer scandal at iba pang katiwaliang kinasasangkutan ng MalacaƱang, aba’y sila-sila na nga ang ‘kumikita’ at sila-sila rin ang nagkikita sa finals kapag naimbestigahan!
Hindi lang iyan, iisang cardiologist din ang nanga­ngalaga kina Jocjoc at Jose Pidal -- si Dr. Romeo Saa­vedra. Mantakin n’yo, Director ng St. Luke’s Heart Ins­titute si Saavedra pero personal na inaalagaan ang da­lawa gayong napakaraming doktor at nurse ang nagkalat sa St. Luke’s, ito kaya’y ginagawa rin ni Doc sa ordinaryong pasyente ng ospital? Sa huling medical bulletin noong Nobyembre 4, nawala sa eksena si Doc Saavedra, mali­ban kung nahiya sa camera o napagsabihan ng mga kamag-anakan na huwag nang ‘umepal’ lalo pa’t nabibigyang-kulay ang pagiging malapit kay Jose Pidal at ‘Architect’ ng fertilizer fund!
Kung gaano ka-close sina Dr. Ledesma at Dr. Saavedra kay Jose Pidal, balikan ang medical at dental missions ng Office of the First Gentleman (OFG) noong Abril 5, 2002 sa Maynila, Pampanga at Antipolo bilang pa-birthday kay Mrs. Arroyo. Hindi ba’t St. Luke’s Medical Center ang nag-sponsor, kasama ang Makati Central Heart Foundation (MCHF)? Take note: kumatawan sa St. Luke’s sina Doc Saavedra, pediatrics department chairman Ma. Luisa Manlapaz at cardiovascular surgery chief Estanislao de Castro sa medical mission. Anyway, itinatag ang MCHF noong 1992, sa pamamagitan ni Jose Pidal bilang presidente ng Rotary Club of Makati Central at founding chairman ng foundation na ito. Sa simpleng paliwanag, sila’y magkaibigang tunay! (www.mgakurimaw.blogspot.com)

No comments: