Kundi naman busy si Manila Mayor Alfredo Lim, isang nagngangalang ‘Kagawad Yetbo’ sa Barangay 439, Zone 44 sa 413 Amelia Street, Sampaloc, Maynila ang inireklamong arogante, mayabang at promotor sa illegal gambling, katulad ng pa-bookies, aba’y sa mismong bahay ng kagawad ang hideout ng mga sugarol at nagaganap ang illegal games. Hindi lang ito, nang minsang magwala at nagkagulo sa kanilang lugar, ito’y nakiusyoso lamang at nagbitaw ng linyang ‘Bakit ako makikialam, eh hindi naman ako duty sa peace and order’. Dapat pinababatukan ni Mayor Lim kay General Gacutan ang ganitong barangay official! Sa malamang, kaya’t hindi umawat sa gulo si Kagawad dahil balitang araw-araw ding naglalasing at numero unong nagwawala sa kanilang lugar, as in masamang halimbawa sa komunidad. Ang tanong ng mga kurimaw sa Sampaloc area, bakit hindi masita ng kanilang barangay chairman, maliban kung kinukunsinte ng isang Manila City Councilor lalo pa’t nagtatrabaho sa kanyang office ito? Kundi nagkakamali ang Spy, tauhan ni Manila Councilor Maceda si Kagawad at ayokong isiping merong bendisyon ang modus-operandi, partikular ang pa-bookies sa kanilang barangay? Kapag nagkataon, sira ang pangalan ng anak ni Manong Maceda sa 2010 election, eh pang-Congressman pa naman ang arrive! *** Sa kinasasangkutang gulo ng Task Force Mapalad sa Negros, bumalik ang patayang naganap sa Mindoro, ilang taon ang nakakaraan. Hindi ba’t nag-ugat ang lahat sa lupaing inaangkin ng mga magsasaka hanggang umeksena si ex-Cong. Jose Villarosa at nauwi sa patayan ang ending ng istorya gayong napakalawak ang sakahang inaalok ng pamilya Quintos bilang kabayaran sa mga nagpapakilalang beneficiaries ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP). Ang malungkot sa panig ng pamilya Teves, napasukan ng militanteng grupo ang ‘land reform dispute’ sa Negros kaya’t nagkagulu-gulo at kung sinu-sino ang sumawsaw sa isyu. Walang pinag-iba sa ‘manggang hinog’ ang pag-entra ng Task Force Mapalad sa land reform dispute sa Negros dahil nakaupong kalihim ng Department of Finance (DOF) si Gary Teves at ex-congressman ang amang si Lolo Menyong, as in Cong. Heminio Teves. Ibig sabihin, mas madaling ibenta ng mga militanteng grupo sa peryodiko ang pag-iingay sa isyu at mabilis makakakuha ng financial support sa international community kapag nagkagulo o nauwi sa patayan ang paghahabol sa lupaing pag-aari ng pamilya Teves, katulad din ng nangyari sa Mindoro at Sumilao farmers sa Bukidnon. Hindi ba’t tinatanggihan ng mga magsasaka ang alok ng San Miguel Corporation (SMC) sa katabing lupain bilang areglo? Sa isang advertisement, libreng ibinibigay ni Lolo Menyong ang pag-aaring agricultural land sa Baranggay Minaba, kabilang ang tig-100 square meter bilang residential land sa bawat lehitimong CARP beneficiaries subalit tinabla ng mga magsasaka at ipinagpipilitan ang lupain ng pamilya Teves sa siyudad. Kundi ba naman napakalaking ‘kamotehan’, paano magtatanim ng palay at mais ang mga kumag at kailan pa nagkaroon ng sementadong tubohan, maliban kung magbabago ng propesyon ang mga magsasaka bilang realtors o sinusulsulan ng ilang real state companies na may interes sa lupa lalo pa’t mataas ang bentahan sa siyudad? Take note: hindi libreng ibinibigay ng gobyerno ang lupain sa mga magsasaka, as in binabayaran sa mababang halaga kahit sakop ng CARP kaya’t nakakapagtakang tinanggihan ng mga taga-Task Force Mapalad ang offer ni banker Menyong. Ang masakit sa pamilya Teves, ito’y naakusahang anti-poor gayong nakulong ang batang Teves (Gary) noong Mayo 20 2002 bilang Land Bank President dahil ipinaglaban ang karapatan ng mga magsasaka kaya’t naipit sa away ng malalaking land owners sa Nueva Ecija at adjudicators ng Department of Agrarian Reform (DAR), katulad ng deklarasyon ni ex-Agrarian Sec. Jaime Tadeo. Ngayong sinusungkit ang lupain sa Negros, malaking kuwestyon kung lehitimong magsasaka ang nasaktan sa police dispersal, aba’y meron pedicab driver at taga-cultivate sa ibang bukirin, animo’y nasa PBA na kumuha ng import player gayong All Filipino ang games. Hindi lang iyan, umabot sa 100 ang nagki-claim gayong 19 farmers lamang ang nasa original list. Kaya’t ang tanong ng mga kurimaw, kailan pa napunta sa Task Force Mapalad si Garci? (www.mgakurimaw.blogspot.com) |
No comments:
Post a Comment